Same Ground Part 3

1.9K 92 2
                                    

Same Ground

AiTenshi

ai_tenshi@rocketmail.com

PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo .Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang  mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

Part 3

Kinabukasan, agad akong nag tungo sa bundok kung saan kami madalas nag tatagpo ni Allan, agad kong tinungo ang puno ng bayabas na nasabi nya sa aking panaginip. Gamit ang pala ay agad kong binungkal ang lupa sa paanan ng puno ayon na rin sa nakita ko sa aking panaginip. Maya maya, naka hukay na ako ng ilang sentimetro hanggang sa may makita akong isang maliit na plastic container na nakabalot ng makapal na packaging tape. Paki wari ko ay matagal na rin itong nakabaon sa lugar na ito.

Halos tumaas ang balahibo sa aking buong katawan habang binubuksan ko ang bagay na nakuha ko sa ilalim ng lupa. Ibig sabihin ay totoo pala talaga ang aparisyon ni Allan na nag pakita sa aking panaginip. At ang mensaheng kanyang iniwanan ay masasabi ko ring totoo at hindi bunga ng aking malikot na imahinasyon. Habang nasa ganitong pag iisip ako, naisipan kong buksan ng plastic container. Gamit ang kutsilyo inalis ko ang mga tape na naka balot sa paligid nito.

Doon ay tumambad sa aking mata ang isang kwintas na pag aari ni Allan at isang tuyong buto ng mangga na nakabalot sa isang papel. Sa tabi naman nito ay naka singit ang isang sulat na nakalagay sa isang pirasong yellow pad. Sulat kamay ito ni Allan.

Dear Aaron,

Ginawa ko ang sulat na ito habang hinihintay kita rito sa ating tagpuan. Naiinip kasi ako kaya heto gumawa akong isang sulat na nag sasaad kung gaano kita kamahal. Nga pala tol, kahapon ay dumaan ako sa isang mang huhula sa bayan, hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa kanyang sinabi. Nalalapit na raw kasi ang takdang araw ng pag panaw ko. Hahaha. Pero tawa lamang ang aking isinukli sa kanya bagamat nakaramdam talaga ako ng matinding pangingilabot sa katawan. Syempre tol, sino ba naman ang di matatakot kung sabihin sa iyo na lalapit na ang katapusan ko. Hehe

Kaya heto tol, gumawa ako ng sulat (malay mo nga totoo diba hehe biro lang). Pero kung sakaling mawala nga ako tol, gustong isuot mo ang kwintas na nasa loob ng container, mahalaga sa akin iyan dahil ito lang ang tanging ala alang naiwan sa aking ng aking ama bago siya pumanaw. Gusto kong iwan din ito sa iyo bilang ala ala ko. At kung mapapansin mo ay may buto ng mangga na nasa loob nito. Hinihiling ko na itanim mo ito at pag yamanin dahil sa punong ito mag uumpisa ang iyong bagong simula at iyon ang makapag papasaya sa iyo mag pakailan man. Balang araw malalaman mo rin ang ibig kong sabihin. Lagi mong tatandaan na sa bawat katupusan ay may bagong simulang nag hihintay. Walang permante sa mundo tol dahil ang tanging permanente lamang ay ang pag babago. Sisibol ang bulaklak at sa mga susunod na araw ay malalanta na rin ito, iyan ang sirkulo ng buhay.

Kung totoo nga ang sinasabi ng mang huhula na nalalapit na ang aking katapusan, huwag kang malungkot dahil ang pag alis ko ay panandalian lamang, balang araw mag kikita pa rin tayo.

Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon