Same Ground Part 8

1.5K 83 2
                                    

Same Ground

AiTenshi

 

Part 8

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang  mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

Lumipas ang ilang buwan, nag pasya na kaming tumira ni Allen sa siyudad kung saan ito naninirahan. Mas marami kasing oportunidad dito kaysa sa aming bayan. At siyempre dahil tapos kaming pareho ng masscommunication, nag trabaho ako bilang reporter sa isang t.v station at si Allen naman ay nag turo sa isang sikat na unibersidad dito sa lungsod. Masaya ang aming naging pamumuhay, mag kasama kaming nakatira sa isang apartment na aming inuupahan buwan buwan. Kapag weekend naman ay umuuwi kami sa aming bayan upang bisitahin ang aming mga magulang at siyempre ang puntod ni Allan na kasalukuyan naming pinapaayos. Para na talaga kaming mag asawa noong mga oras na iyon, kasal na lamang ang kulang at magiging kumpleto na ang aming pag sasama.

Sa halos dalawang taon ng aming relasyon ay wala naman kaming nagiging problema maliban na lamang sa panaka nakang pag seselos nito sa mga katrabaho kong malalapit sa akin. Pero ayos lang naman iyon dahil normal lamang ang mga selosan pag dating sa mga ganitong relasyon.  Inaamin ko naman na nag aaway din kami ngunit hindi kami natutulog hanggang hindi pa ayos ang lahat sa aming dalawa. Pag katapos noon ay parang walang nangyari. Tuloy pa rin ang aming lambingan at pag papakita ng pag mamahal sa isat isa. At tungkol naman sa usapang pag tatalik, ibinibigay ko ang lahat ng nais nya katulad ng madalas na pag gamit sa aking likuran o kaya ay pag iimbento ng ibat ibang posisyon na mag papasigla sa aming relasyon. Wala naman akong dapat ikahiya dahil normal na usapin na lamang ito sa panahon ngayon.

Madalas din nya akong sinusurpresa ng mga pasalubong at regalo tuwing umuuwi ito sa aming tinirahan, kadalasan ay mga tsokolate o maliliit na staff toy pa. Basta sweet siya at hindi lumilipas iyon. Habang tumatagal nga ay mas lalo pang nag iibayo at tumitibay ang aming relasyon. Sabi nga ay "pinag tibay ito ng panahon." Tila isang masayang fairy tale ang nararanasan ko sa piling Allen. Walang katapusang saya at pag mamahalan ang aming handog sa isa’t isa.

Ngunit sa pag lipas ng panahon, ang inaakala kong perpektong relasyon at walang katapusan kaligayahan na aming nararanasan ay pang matagalan na. Mali pala ako, dahil darating talaga ang unos at susubukin ang tibay at tatag ng aming paniniwala sa isa’t isa.

Isang araw ay isinama ako ni Allen sa kanilang bahay upang kuhanin ang iba nyang mga gamit para ilipat sa aming apartment. Isa isa kong inaayos ang kanyang damit at inilalagay ito sa kahon habang siya naman ay abala sa pag aayos ng mga maduduming  kasangkapan at dinadala nya ito s rooftop para linisin. Nasa ganoong pag aayos ako ng mapansin ko ang isang pirasong papel na naka ipit sa aparador ni Allen, para itong isang dyaryo kaya naman kinuha ko ito at binuklat. Doon ay tumambad sa aking mata ang kanyang larawan na naka sakay sa strecher at may dugo ang kanyang damit. Ito ang damit na puting polo shirt na ibaon nya sa lupa kasama ng aking mga lumang gamit. Ayon sa aking pag kaka tanda ay ito ang suot nya noong nag tangka siyang mag pakamatay dahil sa kanyang girl friend kaya naman dali dali akong tumakbo sa roof top upang lokohin ito. "Tol!tingnan mo ito! wahaha! Ito ang larawan mo noong nag tangka kang mag pakamatay dahil sa gf mo no? Haha akala ko ako lang ang suicidal ngunit ikaw rin pala. Kaya pala kung lokohin mo ako ay ganoon nalang dahil mas nauna ka palang mag tangka kaysa sa akin. Hay naku! Sana noon pa kita niloko no. Pasalamat ka!" ang biro ko sabay hagis sa kanya ng dyaryo.

Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon