Same Ground Part 4

1.7K 91 0
                                    

Same Ground

AiTenshi

Part 4

PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo .Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang  mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

Lumipas ang ilang araw sa buhay ko at sa buhay ni Allen, hindi naman nag bago ang pakikitungo nya sa akin bagamat iniiwasan kong pag usapan ang eksenang hahalikan nya ako noong gabing malasing kami sa balkunahe ng aking silid. Marahil ay naaalala nya kung paano ako umiwas ngunit wala siyang magawa kundi itago na lamang ito. "Tol, bakit di ka pa mag girlfriend? Sayang naman yang kagwapuhan mo kung mabuburo lang at walang makikinabang sayo." ang biro ko lang habang naka upo kami sa science garden ng campus.

"may gf naman ako dati tol, 5 years nga kami."

"O nasaan na siya?"

"Aba e, ewan. basta nag kalabuan na lamang kami at iniwan ako."

"Nag kalabuan? bakit?"

"Ewan. Basta, masaya naman kami noon. Lagi kaming mag kasama, pumapasok at uumuwi ng sabay galing sa paaralan. Perpekto at maayos naman ang lahat sa amin noong nakalilipas na taon, kahit kailan ay hindi ako nag kulang ng pag mamahal sa kanya hanggang isang araw ay bigla na lamang itong nag bago. Naging demanding siya, maraming gusto at hinahanap sa aming relasyon. Katulad ng pag dadala ko ng bulaklak sa kanya isang beses sa isang linggo, pag labas namin kung saan saang lugar. Kung minsan pa ay kung ano ang nakikita nya sa mga kaibigan nyang mag kakasintahan ay gusto nyang gawin ko rin sa kanya katulad ng pag popropose sakay ng isang helicopter o kaya ay pag dadala sa kanya ibat ibang lugar. Ngunit hindi na ako iyon, masyado na siyang nagiging demanding sa aming relasyon dahil hinahanap na nya sa akin ang mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya. At dahil doon ay hindi ko na meet ang kagustuhan nya dahilan para unti unti siyang lumayo sa akin. Wala na. Itinapon nya ang halos limang taon na aming pinag samahan at sumama siya sa iba na handang ibigay sa kanya ang lahat ng kanyang naisin. Kaya heto ako ngayon, nag iisa, ngunit masaya naman dahil marami akong natutunan sa aking nakaraan. Gustuhin ko man mang hingi ng tawad sa kanya ngunit wala naman akong kasalanan. Ang tanging pag kukulang ko lamang ay hindi ko maibigay ang lahat ng demand nya, ngunit sana man lang ay nakontento na siya sa kaya kong ibigay bilang ako at bilang tao." pag sasalaysay ni Allen.

Ngayon lamang nag kwento sa akin si Allen tungkol sa kanyang nakaraan, at isa iyon sa bagay na kinasaya ko. Noong una ay napaka misteryoso sa aking ng taong ito. Ngunit habang tumatagal ay lalo ko pa siyang nakikilala "Ayos lang iyon tol, magpasalamat ka pa rin dahil nandiyan pa rin siya at nabubuhay. Kahit papaano ay makikita mo siyang naka ngiti hindi man sa piling mo. Basta ang isipin mo nalang ay dumaan siya sa buhay mo at umalis na may leksyon na iniwan sa iyon. At iyon ang dapat mong ika tuwa."

"Naintindihan ko tol, salamat ha. Pero huwag kang mag alala dahil masaya naman ako ngayon dahil nandiyan ka" ang tugon nito sabay bitiw ng nakakalokong ngiti sa akin

Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon