Same Ground
AiTenshi
ai_tenshi@rocketmail.com
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo .Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po
---
Prologue
Dahil sa matinding kalungkutan, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa itaas ng burol habang pinag mamasdan ang malawak na kapaligiran, damang dama ko ang malamig na hanging dumadampi sa aking mukha na bibigay sa akin ng kakaibang emosyon. Doon ay muling bumalik sa aking ala ala ang malupit na sinapit ng aking pinaka mamahal na kasintahan sa kamay ng mapag larong kapalaran.
Araw iyon ng aming anibersaryo bilang mag kasintahan, pauwi na ito galing sa trabaho at hindi nya maitago ang ibayong saya habang tinatahak nito ang daan pasakay ng jeep. Ngunit sa kanyang pag tawid sa kalsada, hindi nya napapansin ang rumaragasang sasakyan at ito ang bumangga sa kanyang katawan. Lagas ang buto at halos mabura na ang mukha nito dahil sa tindi ng pag salpok ng sasakyan sa kanyang katawan, at iyon ang pang yayaring nag bigay tuldok sa aming pag mamahalan. Tila nabalot ako sa masamang panaginip noong mga oras na iyon at parang bumigay ang aking pag iisip dahil sa tindi ng aking pag dadalamhati.
Halos gabi gabi akong tulala at wala sa sarili noong pinag lalamayan namin ng kanyang labi. Hindi ako makapaniwala na bigla nalang itong nawala sa akin, hindi pa rin ako handang mag isa, natatakot akong humarap sa bukas ng wala siya. Naka sanayan ko nalang kasi na lagi itong nakaka usap at nakaka sama sa bawat oras, kaya’t masasabi kong kulang ako kapag wala siya. Ngayon ay mag isa na lamang akong tutupad ng aming mga simpleng pangarap na tila isang gumuhong kastilyong buhangin na inanood ng malakas na hampas ng alon ng dagat kaya’t wala nang natira dito kundi mga bakas na lamang.
Tila umiiyak ang langit habang yakap yakap ko ang kabaong ni Allan bago ito tuluyang ibaon sa lupa. Halos atakihin ako sa puso dahil sa tindi ng sakit at sama ng loob sa pag lisan ng taong aking pinaka mamahal. Ayokong bitiwan ang kanyang labi dahil alam kong hindi ko na ito makikita pa habang buhay at ang lahat ay mababaon na lamang sa isang malupit at malungkot na ala ala. Ilang oras din akong iyak ng iyak habang naka luhod at pilit na dinadakot ang lupa kung saan nakahimlay ang kanyang labi. Wala yatang paraan para matanggap ko ang masaklap ng pangyayaring ito.
Ilang araw na rin mag buhat noong mailibing si Allan, hindi ko pa rin matanggap ang kanyang mapait na kapalaran, iyak dito, iyak doon. Halos masiraan ako ng bait dahil sa matinding sakit at kalungkutan. Minsan kapag natutulog ako ay bigla na lamang akong magigising dahil napapanaginipan ko kung paano ito namatay at malagutan ng hininga, kung minsan naman ay dinadalaw ako ng kanyang mukha na habang umiiyak ito.Marahil ay dala lamang ito ng matinding pangungulila ko sa kanya.
Habang nasa ganoong pag iisip, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata, at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa hangganan ng burol habang naka titig sa ibaba kung saan babagsak ang aking katawan. “Allan!!! Mahal na mahal kitaaaaa!!! Hintayin mo ako dahil sandaling oras na lamang ay mag kikita na tayo!!!”
Part 1
Tawagin nyo na lamang ako sa pangalang Aron, 19 taong gulang at kasalukuyang nasa ika lawang taon sa kursong AB Mascom sa isang sikat na Unibersidad dito sa aming lungsod sa Cabanatuan City. 5’9 ang aking taas at fitted naman ang aking katawan, hindi naman payat ngunit hindi rin naman mataba, sakto lamang ito sa aking taas. Singkit at medyo bilugan ang aking mata na namana ko sa aking ama dahil may lahi itong hapon at ang aking ina naman ay may dugong espanyol kaya’t maganda ang complexion ng aking balat. Matangos din ang aking ilong at mapula ang aking mga labi. Hindi naman sa pag mamayabang ngunit madalas akong nakukuha para ilaban sa mga contest ng popularidad at talento.
BINABASA MO ANG
Same Ground
RomanceGaano ba kahirap mag move on? Sabi nila damhin mo lang sakit hanggang sa tuluyan itong mawala at palayain mo ang sarili mo sa lahat ng bagay na nakakapag papahina sa iyo. Minsan hindi ko na alam kung paano ko dadalhin ang sakit na aking nararamdaman...