Same Ground Finale

2.1K 115 28
                                    

Same Ground

AiTenshi

 

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang

Special Thanks to: Edward Santos, Carl Vicente, Lui Garcia, Lostparadigm of wattpad and Mr. Harvey Cruz of Bulacan.

Author’s Note: Gaano ba kahirap mag move on? Minsan nakakaranas tayo ng matinding sakit dulo’t ng pag mamahal. May mga oras na wala tayong ibang magawa kundi yakapin ang ating sarili at umiyak. Yung tipong mag damag na tayong umiiyak ngunit hindi pa rin sumasapit ang umaga at pakiramdam mo ay mahaba at walang katapusan ang gabi ng iyong pag durusa. Ganyan siguro talaga kapag ikaw ay nag mahal, tiyak na masasaktan ka at makakadama ng pasakit.

Ang "Same Ground" ay kwento ng isang tao na hindi magawang limutin ang kanyang nakaraan. Kahit matagal na panahon na ang lumipas ay nanatili pa rin itong naka pako sa lugar na kanyang kinalalagyan. Kung ikaw ay hindi maka move on sa isang pang yayari sa buhay mo, maaaring ikaw ay Stranded..

 PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Part 10

Last Part

Makalipas ang ilang araw ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa ilalim ng puno ng bayabas sa itaas ng burol kung saan kami madalas tumambay nila Allan at Allen.  Malayo ang aking tingin at parang nag lalakbay ang aking isip sa kawalan. Isa isa kong binabaliktawan ang mga masasayang pang yayari sa aking buhay, mga bagay at pang yayari na hinding hindi ko malilimot kahit kailan. Habang nakatanaw ako kung saan, maigi kong pinag masdan ang mga puno at bundok sa kalayuan, minsan naiisip ko na gusto ko na lamang lumipad upang makarating sa lugar na gusto kong mapuntahan at malimutan ng pansamantala ang sakit na aking pinag daraanan. Ngunit sa tuwing sasagi ang ideyang ito sa akin isip, tinatanong ko naman sa aking sarili kung saan ba ako mananatili kapag narating ko na ang lugar na nais kong mapuntahan? Paniguradong babalik pa rin ako sa lugar na aking pinag mulan dahil dito ako nabibilang. Habang nasa ganoong pag iiisip ako, unti unti kong naramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat at kasabay nito ang pag kalaglag ng mga natuyong dahon ng bayabas kung saan ako naka sandal. Ilang buwan na lamang pala at matatapos na ang tag ulan, anong lungkot kapag naiisip ko ito.

Pero tama nga sila, ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan, kahit ang panahon o kahit ang pag ibig pa. Katulad nga ng laging sinasabi ni Allan sa akin, ang bawat katapusan ay may bagong simula na nag hihintay, at iyon lamang ang aking pinang hahawakan sa ngayon. Alam kong balang araw ay magiging masaya rin ako, at pag dumating ang takdang araw na iyon ay sisiguraduhin kong hinding hindi na ito matatapos pa.

Makalipas ang ilang oras na pag tanaw sa kawalan, naisipan ko naman na dalawin si Allan doon sa bundok kung saan ito nakahimlay. Nag dala ako ng isang kumpol na bulaklak at siyempre isang bote ng alak na aking iinumin pag dating doon. Ilang minutong lakaran lang kasi ito mula sa kabilang ibayo. Habang nag lalakad ay pinatugtog ko ang kantang maladas kantahin sa akin ni Allen, at sinasabayan ko ito binabaybay ko ang daan. Sa bawat hakbang na aking ginawa ay unti unting pumapatak ang aking luha, sumasagi kasi sa aking isip ang mga masasayang araw na pinag samahan namin ni Allen, kung paano nya ako iniligtas at inalalayan upang makapag simula muli ng panibagong buhay. Maigi kong pinag mamasdan ang bawat hakbang na aking ginagawa dahil ito ang patunay na hindi na ako nakapako sa aking kinatatayuan. Hindi na baling mabagal ang iyong pag usad, ang mahalaga ay hindi ka humihinto.. kaya lakad lang… hanggang sa makarating ka sa iyong pupuntahan.

Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon