Same Ground Part 9

1.4K 80 3
                                    

Same Ground

AiTenshi

Full Credits to Kitchie Nadal’s Hit Same Ground.

Full Credits to Edwin McCain “I’ll be”

PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Part 9

Namalayan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa batuhan habang naka harap batis kung saan napapaligiran ito ng magaganda at luntiang halaman. Inikot ko ang aking paningin at doon ay nakita ko si Allan sa aking tabi. Nakasuot ito ng puting pantalon at puting t shirt. "Nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili at saka bakit nandito si Allan?

"Tol, kumusta kana?" tanong ni Allan habang naka ngiti ito sa akin

"Maayos naman ako tol. Nasaan ba ako?" muli kong tanong

"Nandito sa paraisong nilikha nating dalawa tol." sagot nito sabay ngiti sa akin.

"Paraiso? ngunit mag isa ka lamang dito tol. Paano ka nagiging masaya dito?" tanong ko muli

"Ayos lang tol, darating naman ang takdang oras na mag kakasama na tayo dito."

"Ngunit mag kasama naman tayo ngayon. Ano pa bang ibig mong sabihin. Masaya ako na makita kang muli Allan. Miss na miss kita tol at ngayong nandito na ako ay hindi ko na hahayaan na mag kahiwalay tayo."

"Masaya din akong muling makita ka tol, ngunit hindi pa oras upang manatili ka rito ng matagal na panahon. May isang tao na nag hihintay sa iyo sa pag balik mo."sagot nito

"Nag hihintay?"

"Oo tol, may nag hihintay sa iyo sa kabilang mundo kaya kailangan mong bumalik."

"Bakit ikaw? Hindi ka bumalik kung gayong alam mo na hinihintay din kita? Hindi ako babalik Allan. Ayokong makasama ang taong naging dahilan ng kamatayan mo."

"Patawarin mo ako tol kung hindi na ako nakabalik pa. Alam kong malaki ang pag kukulang ko sa iyo. Alam ko ang lahat ng hirap at pag durusa mo noong mawala ako kaya labis akong nalulungkot dito dahil wala akong magawa upang pasayahin ka. Kaya naman naisipan kong mag paramdam ng paulit ulit kay Allen upang gabayan ka at batayan. Siya ang tumayong ako upang bantayan ka sa lahat ng oras. At tungkol naman sa aksidenteng naganap, gusto kong malaman mo tol na tanggap ko ang lahat ng iyon. Dumating na talaga ang takdang oras ng pag panaw ko kaya’t masakit man ay kailangan ko itong tanggapin."

"Tanggap mo, Oo. Ngunit hindi ko matatanggap iyon dahil siya ang dahilan ng pag panaw mo. Siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin!"

Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon