005

34 16 7
                                    

"Wow! You know Xian, ilang weeks palang ako dito pero parang ang tagal ko na sa paaralang ito" tili ni Kloud habang kumakain ng burger sa cafeteria "Alam mo Kloud kain ka muna dyan" irap ni Xavier sa kanya "Okay" a muffled voice replied.

----------------------------------------------
Ilang buwan ang naglipas at nakalimutan ni Xavier ang kaniyang kaso na dapat niyang inaatupag. Nagiging masaya na din siya pag kasama niya palagi si Kloud.

"Alam mo Xian, malapit na yung Annual Party ng Ford Uni at yung pag-alala nung kay ano— ah oo kay Elisse! Lahat daw students invited! Sasali ka?" tanong ni Kloud habang naglalakad sila patungo sa Literature Class nila. Nabalik sa kaniyang katinuan ni Xavier nang nabanggit ang pangalan ni Elisse. "A-ah hindi nalang siguro, may lakad pa ako" sagot ni Xavier "Hmmm sige, pero mas sasaya kung sasama ka sakin Xian" nakasimangot na sagot ni Kloud ng nakaupo na sila sa loob ng silid-aralan.

----------------------------------------------

Kukunin na sana ni Xavier ang mga papel na nakakalat sa kaniyang apartment. Nag papanic siya dahil wala pa siyang naipadala na information ni Weaslie. Patungo na siya sa lamesa niya ng nagring ang kaniyang phone.

"Hello?" sagot niya habang iniipit ang telepono sa kaniyang tenga habang kinukuha yung ibang papel na nasa sahig.

"Xavier" Napatigilan si Xavier sa pagliligpit

"Yes, sir?" sambit niya nang tumayo ng maayos at kinuha ang phone na nakaipit sa balikat at tenga niya.

"Bakit hindi ka tumawag sa loob ng tatlong buwan?" isang striktong tono ang kaniyang narinig

"Sorry po, naging busy po kasi ako, pero sinisigurado kong makukuha ko na po ang suspect" panigurado ni Xavier

"You better do that or else" pagbabanta ni Weaslie sa kaniya.

"Yes sir, maasahan nyo po ako"

----------------------------------------------
Habang naglalakad si Xavier ay hindi niya namalayang mapabunggo sa isang babae na may kasamang lalake na magbibihis babae

"Watch where you are going!" inis na sabi ng babae habang iniirapan naman si Xavier ng kasama nito.

Parang lumiwanag ang mukha ni Xavier nang matandaan kung sino sila

Zarina Alexandria Bardino at si Michael Tristan Tumaya o mas kinikilalang Mikaella Tumaya

Ang dalawa ko pang leading suspects

"Why are you spacing out?" tanong ni Zarina "-humingi ka ng sorry!" utos nito kay Xavier na nakatitig lang sa kanila

"S-sorry, I have to go" sabi niya at iniwan ang dalawa na nalilito sa ginawa ni Xavier

"Weird" rinig na sabi ni Mikaella kay Zarina

----------

hii po happy new year to everyone!! sorry po natagalan tsaka hindi po ito mataas na chap kasi nag fam day kami kahapon at ngayon. hahaha sana po maibtindihan nyo😩

DisguisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon