corrinne pov
"Corri! May papagawa daw si Miss Cruzante sa iyo sa faculty room." sabi ni Jamaila sa akin habang papaalis na siya.
"Okay, tatapusin ko nalang muna 'to." Inayos ko na ang bag ko at ang mga libro ko. Six-fifteen na ng hapon pero andito pa rin ako, gumagawa ng mga project. Linigpit ko na ang kalat at umalis para puntahan si Miss Cruzante.
Ang faculty room ay nasa fourth floor habang nasa second floor ang room ko. Saktong pagtungtong ko ng ikatlong palapag ay may nabasag.
-----------
?? povNakita kong paparating na si Corrinne. Susugod na sana ako ng gumalaw ang table na nasa tabi ko kaya nabasag ang isang mamahaling vase na may kasamang artipisyal na bulaklak.
Shit
"Sino yan?" rinig ko ang kaniyang papalapit niyang mga yapak.
"Sino yan sabi?" patapang tapangan niyang sabi kahit may kaba naman sa kaniyang tinig. Isinuot ko na ang aking hoodie at tuluyang lumabas sa aking kinaroroonan.
"Hi Corrinne. Ano ginagawa mo dito?" painosenteng tanong ko sa kaniya.
"A-ah ikaw lang pala iyan, akala ko sino." Isang pekeng ngiti ang lumabas sa kaniyang mga labi.
Ngumiti din ako sa kaniya at hinintay na tumalikod siya.
Nang tuluyan na siyang tumalikod ay sinugod ko siya. Pinahiga ko siya sa malamig na sahig na kulay kayumanggi at ningitian siya ng matamis.
"I-ikaw? Ikaw y-yung pumatay k-kay Elisse!" pagkumpirma niya at tumango naman ako.
"P-pero b-bakit? Bakit ikaw--" hindi ko na siya pinatuloy at tinakpan ko ang kaniyang bibig ng duct tape.
"Sumigaw ka pa, wala namang makakarinig sa iyo" tawa ko pa dahil nahihirapan na siya.
Hinay-hinay kong inuukit ang aking kutsilyo sa kaniyang makikinis at mapuputing balat. Sinaksak ko ang kaniyang kaliwang kamay at sumigaw siya ng malakas.
"Tahimik!" sabi ko habang tinatapat ang aking daliri sa kaniyang bibig. Agad naman siyang sumunod.
Sinaksak ko ang kanang kamay niya at sumigaw na naman siya.
"Sabing tahimik!" Utos ko ngunit hindi siya sumunod. Kaya sinaksak ko siya.
Sinaksak pa ulit-ulit
Sinampal ko siya, tinamaan ko siya gamit ang aking kamay. Tinadtad ko ng saksak ang kaniyang mukha.
Hindi pa ako nakuntento at sinaktan pa siya.
Hanggang sa huling hininga niya ay may sinabi pa siya
"Babayaran m-mo d-din ito"
----------
"Patay na si Corrinne." rinig ni Xavier sa kabilang linya.
Natulala siya at hindi makabuo ng salita na sasabihin para kay Weaslie.
"Xavier, come back, hindi ka na ligtas diyan. I'll send someone to replace you." pagkasabi ni Weaslie ay natauhan si Xavier at dali daling nagsalita.
"N-no! I'll continue, tatapusin ko itong kasong ito. P-promise, hindi ako mapapahamak." pagkumbinsi niya sa matanda.
"Please come back Xavier. Plea-" hindi na pinatapos ni Xavier si Weaslie dahil paparating na si Kloud.
"O ba't parang nakakita tayo ng multo ah?" pagbibiro pa ni Kloud. Bahagyang ngumiti si Xavier habang kinakalmot ang kaniyang batok. Makikita ang maliliit na butil ng pawis sa kaniyang noo.
"Wala, sumakit lang yung tiyan ko." pagsisinungaling agad ni Xavier. Parang naniwala naman ang dalaga dahil agad agad niyang tinulungan si Xavier para pumara ng taxi pauwi sa apartment niya.
"Ikaw nalang sumakay ah? May pupuntahan pa kasi ako." pagmamadali ng dalaga habang pinapasakay si Xavier.
"Oo, salamat Kloud ha. Sorry talaga nangyari pa to" dali daling sabi ni Xavier.
"Okay lang iyon, pagaling mo yang sira mong tiyan haha" tawa pa ni Kloud bago umandar ang kotse at tuluyan nang nawala sa paningin ng binata ang babaeng nakatayo sa labas ng perya.
----------
"Totoo na yung chismis?"
"Patay na si Ate Corr?"
"Grabe pare yung mukha niya, basag na basag. Crush ko pa naman yun"
"Tangina hardcore hahahaha"
Yan ang iba't ibang komento ng mga estudyante ng kumalat ang balitang patay na si Corrinne. Tinadtad ng saksak ang dibdib at wasak na wasak ang mukha niya. Halos hindi na makilala ng mga tao ang dalaga.
----------
pray for me huhu card giving namin bukas HABAHAHAHAAHAH
-hera<3
BINABASA MO ANG
Disguised
Mystery / ThrillerA murder incident was comitted at Ford University. Malaki at controversial ang kasong ito dahil mismong anak ng may-ari ang pinatay. Xavier, a young detective, wanted to touch this case. As he tries to blend in with the students and hide his true id...