007

18 11 5
                                    

"Kloud?"

"Xian! S-si Rile! Patay— patay na siya! A-anong nangyayari Xian?!" Kloud cried hysterically. Lahat ng tao ay nagsisigawan, lalo na ang mga magulang ni Rile.

"I-i don't know Kloud, hindi ko alam! Pumunta lang ako ng washroom tsaka ito na ang nadatnan ko" wala sa sarili na sabi ni Xavier habang kaliwa't kanan na tumitingin

"Y-yung killer" bulong ni Xavier habang yinayakap si Kloud sa gitna ng mga taong nagsisigawan. Bumitaw si Xavier at lumabas para tawagan si Weaslie.

Ilang minuto rin ang lumipas at sinagot na ni Weaslie ang kaniyang tawag

"Ano ba? Akala ko nag-iimbestiga ka diyan?" inis na sabi ng matanda sa kaniya

"Sir, may ginawa ang killer, h-hindi ko alam paano nangyari iyon pero ang alam ko ay nandito lang siya ngayon" dali-daling sabi ni Xavier sa kaniyang boss

"Dahan-dahan nga! Anong sabi mo? Yung killer may ginawa? Ano?! May ginawa ba siya sa iyo?!" tanong ni Weaslie kay Xavier. Bakas sa tono ang takot at pag-alala.

"May pinatay siya sir, yung isa kong suspect, si Rile Ferteleza. Hindi ko nasaksihan ang buong pangyayari dahil wala ako dun" paliwanag niya.

"Dadating na yung mga pulis diyan. Bumalik kana dito Xav, hindi ka ligtas diyan" pagkumbinsi ni Weaslie sa binata.

"Ayoko"

----------------------------------------------
"Bata! Pumunta ka nga dito!" tawag ng isang pulis kay Xavier, limang pulis ang dumating at may kasamang isang babaeng detective.

"Have we met before?" tanong ng babaeng detective kay Xavier. Nagmadaling umiling si Xavier para itago ang kaniyang totoong pagkatao. Tumango ang babae at nagtanong ulit sa kaniya

"Kilala mo ba siya?" tanong niya kay Xavier habang may dinadalang imahe ng lalakeng pinatay kanina,

"Opo, Rile Ferteleza, kasamaa ko siya sa History class ko" maiksing paliwanag ni Xavier.

"Base sa past killing history ng paaralang ito, parehas na parehas yung pagpatay ni Elisse at ni Rile" paliwanag ng detective sa isang pulis "-at may white ribbon pa na nakatali sa kanilang leeg, indicating na isa lang ang gumawa nito" patuloy niya. Tumatango-tango si Xavier at nakinig pa.

"Oh, ba't andito ka pa?" tanong ng babaeng detective "-usapang pang matatanda lang ito, umalis ka na" nakangiting sabi sa kaniya ng detective. Umalis naman kaagad si Xavier at hinanap si Kloud.

----------------------------------------------
? pov

"May pinatay na naman"

"Good, bantayan mo ang paligid mo, nandyan lang yung killer" Alam kong nakangiti na ito ngayon, ngayong may bagong impormasyon na naman siyang nakukuha

"Don't let everyone fool you, looks can be deceiving" huli kong narinig bago pinatay niya ang tawag

Napasinghap ako at tulalang nakatingin sa kisame.

I will find you.

----------------------------------------------
"Gosh narinig mo yung chismis na namatay na daw si Rile?" bulong ng isang babae

"Bakit siya pa?" iyak ng isa pang babae

"Dapat lang sa kaniya noh, nabawasan na rin yung masasama sa mundo" tawa ng isang lalake "-bobo mo, pag nawala ka wala, nang masama sa mundo Josh!" komento ng babaeng umiiyak kanina.

Yan ang nadatnan ni Xavier pagpasok niya ng paaralan. Oo alam niyang gusto niya makasaksi ng totoong patayan, pero parang gusto na niyang umayaw sa kasong hiningi niya.

"Hi Xian!" bati ng isang masiglang ulap

"Kloud, ilang beses ko nang sinabi sayo na wag mo akong gugulatin!" sermon ni Xavier

"Xian naman, pampagoodvibes lang noh! Alam mo sa sobrang stress mo dahil kagabi, ayun tuloy nagkawrinkles at pimples kana" tawa ng dalaga

"Alam mo Kloud, kung isasara mo nalang yang maganda mong bibig, di ka sana single ngayon" komento ni Xavier at tuluyang tinalikuran si Kloud at pumunta sa una nilang class

----------------------------------------------

usually six hundred plus yung words na magagawa ko sa isang chapter. kaya pag nagreklamo kayo dahil maikli, sorry. HAHAHAAHAH i'll try to improve more!!

i'll prolly ud my next chap siguro ngayong friday. alam nyo school na naman kaya di ako makaka ud tuwing weekdays❤

—hera <3

DisguisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon