Prologue

24 1 0
                                    

"Adi, god stop playing around and get serious!!" Naiinis na sigaw ni Aaliyah sa'kin kaya napairap ako sa kawalan.

"Bakit ba hindi ka makuntento sa ginawa na'tin? I'm sure it's fine!" Sabi ko at tinignan ang booth namin. It's a food booth, alright. Nagbebenta kami ng pagkain such as rice toppings, siomai, siopao, shanghai or whatever!

"Of course hindi ka mako conscious dahil konti lang naman ang natulong mo!"

"What? I did help, hindi mo lang talaga nakikita!" Tinarayan niya ako sabay sabing, "Whatever, tibo!" Kaya hinampas ko ang braso niya. Hell, sobrang ganda ko naman para maging tibo!

She's just using that term to me dahil hindi ako mahilig sa mga gusto nila like make ups and dresses but I wouldn't call myself boyish cause it cringe the hell out of me and I'll sound self proclaimed. 

"Tumigil ka sa pagsira ng mga decorations kung hindi ay wala ka sa members list, paniguradong wala kang grade! Actually matagal ko na dapat ginawa sayo yon kung hindi lang kita pinsan!" Thank you, then. Tss!

"Magbantay ka, I have to call Ren." Sabi niya at nag madaling umalis. Umirap nalang ako dahil boyfriend niya iyong tatawagan niya.

"Ano 'to, siomai?" I did not bother to look at who's asking, I just nodded in response.

"Pabili.." Tumingin ako sa babae and I was stunned when I saw her face. Siya yung babae sa katabing room namin. Kilala ko siya dahil naiinis ako sakanya. 

I have the same school as her even before our elementary years. She was known for being beautiful tapos ay sumasali pa siya sa mga pageant. And because she was popular, nababalitaan na nagkaroon siya ng boyfriend, at the young age! That's why I think she is a flirt, she likes boys too much.

"Ilan ba?" I annoyingly asked, I am probably taken by my irritation towards her. 

Nang makita ang inis sa mukha ko ay halatang nagpanic siya. I can't help but smirk, pag nakakasalubong kita naka chin up at nakataas ang kilay mo lagi, ah? 

"Apat!" Tumango ako at naglagay ng siomai sa maliit na platito

"May bawang?" I asked while pouring the soy sauce. 

Saglit akong tumingin sakanya at nakitang tulala siya sa'kin. Lumapit ako't marahan siyang sinampal. Saglit ko lang na ginawa iyon pero napatitig ako sa labi niya.. What kind of product is she using? It looks soft. 

"M-meron," Umiwas ako ng tingin sakanyang labi at sinunod ang gusto niya. 

"You are.. Adi, right?" tumango ako at binigay ang siomai sakanya. 

"That would be twenty pesos, madame." I said and slightly bowed. Turo kasi 'to ni Aaliyah, she said I should be polite. I chose not to take her advice pero dahil mukhang tensed ang nasa harap ko, I wanted her to smile. 

I succeeded, anyway. She handed her twenty pesos pero bigla nalang may pumigil sa' kin. 

"Naalala ko, you're our first costumer so it's free." I lied. Umiwas na ako ng tingin at tumalikod. 

"Thanks, Adi!" I felt the irritation again. We're not close! 

"Yeah." Nang lumingon ako ay nandon pa'rin siya. My eyes darted to her lips pero iniwas din. I'm fucking crazy, alright! 

"May bibilhin ka pa ba?" I asked. Umupo siya sa stool at pumalumbaba. Nakipagtitigan siya sa'kin. 

"You're so beautiful, nakakainggit." I scoffed. My irritation heightened. 

Naiinggit siya sa'kin when it's obvious that she is the kind of girl who is used to praises? 

"Stop it, please." sabi ko at muling tumalikod para kuhanin ang phone. I need to text Aaliyah. 

"Why are you so mean to me?" I chuckled. Lumapit ako kaya napaatras siya. I grab her nape at nilapit sa mukha ko. 

"Does this face looks beautiful?" Iritado kong tanong, not minding her last question. Nadaanan nanaman ng mata ko ang labi niya kaya lumayo ako. 

Tinignan ko siya at nakitang namumula siya. Seriously, what is wrong with her? 

"Do you need anything else?" Umiling siya at marahang kinain ang siomai. Umupo ako at naramdaman ang sobrang pagkabog ng puso ko. I didn't even ran. Sinulyapan ko muna siya bago na buksan ang phone. I opened my Facebook account and saw one friend request. 

'Avianah Serenity' that is her name. Tumaas ang kilay ko at humilig sa upuan. I looked at her at nakitang nakatitig din siya sa'kin. Namula nanaman siya at bumagsak ang tingin sa kinakain kaya napangisi ako. She's cute. I think, complimenting her won't hurt.

Love BitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon