Ikalabing anim na Kabanata

85 2 4
                                    

Panglabing anim na Kabanata


Mic



"Gising, mga lasing!"

Agad nangunot ang noo ko habang nakapikit nang makarinig ako ng malakas na boses. Kinusot ko ang mata ko at dahan-dahang dumilat. Tumingin pa ako sa paligid at nakitang pakalat-kalat lamg ang pwesto namin. Sina Amarie, Ivy, at Bianca ay siksikan sa isang sofa, sina Leila, Eliott at Maxine ay nakatulog na sa lapag, sa kabilang gilid naman noon ay sina Franco at Anton. Si Bria at Mateo ay natulog nang magkayakap din at nakita ko naman na nakahiga ako sa hita ni Vin habang nakatulog siya nang nakaupo. Biglang umikot ang paningin ko kaya tumulala muna ako saglit sa taas.

Nakita kong nakaupo si On sa stool habang umiinom ng kape at si Zil na nasa kabilang gilid na ng table na nakaupo rin at umiinom ng kape. Sumakit na naman ang ulo ko kaya napahawak ako rito at napapikit ulit.
Naramdaman kong gumalaw ng bahagya si Vin kaya napadilat na naman ako at tinignan siya. Nakakunot ang noo niya at nakahawak siya sa sentido niya. Ayoko namang magising siya kaya dahan-dahan akong bumangon para maupo.

"Morning, Jana." Sambit ni On. Nginitian ko siya at tinignan si Zil na
kunot lang ang noo habang nakatingin sa'kin.

"Ganda ng pwesto niyo ni Vin." Pang-aasar niya pa. Inirapan ko na lang siya at tumayo.

"Paheram damit, ah." Paalam ko bago pumasok sa kwarto niya para kumuha ng damit. Nakalimutan ko kasing magdala pero lagi naman akong may underwear sa bag ko. Kinuha ko iyon bago pumasok sa banyo para maligo.

Paglabas ko ay gising na halos lahat. Sinabit ko ang tuwalya sa rack na nasa labas ng cr ni Zil at dumeretso uli sa kwarto niya para magsuklay. Kumuha lang ako ng red oversized na shirt at maikling short. Dumeretso ako sa sofa pagtapos at tinabihan si Vin na tulog pa rin at kunot ang noo. Ang gwapo niya sa suot niyang pink na shirt na may print ng 1975 at nakatuck in sa black niyang pants. Magulo iyong itim na itim niyang buhok at ang iilang hibla ay nakaharang pa sa nga mata niya.

Sinandal ko ang siko ko sa sandalan ng sofa at pinatong ang ulo ko sa kamay ko habang nakatingin sa kanya. Hinawi ko ng kaunti iyong bangs niya, wala nang pake kung may makakita man na iba sa'min. Tahimik lang naman sila kaya bahala na. Gumalaw ng kaunti si Vin at kinunot ang noo. Dinilat niya ng kaunti ang isang mata at napangiti siya. Kinagat ko ang dila ko.

Nagulat ako dahil agad akong hinalikan ni Vin sa pisngi. Nanlaki ang mata ko at natulala saglit bago narinig ang mahina niyang tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at bigla niya akong hinila para yakapin habang nakatalikod ako.

"Good morning, Jana." Bulong niya sa tenga ko. Nakiliti ako kaya nangiti ako at naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng tenga ko.

"Umagang kay landi!" Napalingon kami pareho dahil sa sigaw ni Amarie na kababangon lang. Nakangisi pa siya habang magulo ang buhok niya. Naalala ko tuloy iyong sinabi niya kagabi kaya nag-init ang pisngi ko. Binato ko si Amarie ng katabi kong unan kaya pinakyuhan niya ako. Natawa kami pareho ni Vin.

"Kayong bagong magboyfriend --- ay, wala palang label." Pang-aasar niya.

"Foul!" Sigaw ni Zil. Natahimik ako saglit pero si Vin ay nakabaon lang ang ulo sa pagitan ng balikat at leeg ko, humigpit pa ang yakap niya.

"Bakit, natamaan ka rin?" Bara ni Amarie kay Zil.

"Ulol." Sagot ni Zil na ikinatawa ni Amarie. Bumangon na 'yung tatlong lalaki, habang ang iba ay bumalik sa tulog. Si Amarie ay tumingin na sa ref ni Zil para tignan ang pwede lutuin. Sumunod naman si Franco para tumingin na rin. Sa amin kasi, silang dalawa talaga ang nagluluto. Kasama na rin si Maxine pero kadalasan ay merienda niluluto niya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon