4.She knows

13 1 0
                                    

Kanina pa nilalagyan ni Hailey ng concealer ang namumugtong mga mata pero hindi pa rin sapat ang mga tapal na iyon para maitago ang pamumugto. William,what did I do to
deserve this?Am I not enough for you?

Ilan lang iyon sa mga tanong na gustong ibato ni Hailey sa asawa.Alam niya,may babae ito.Ilang linggo na niya itong napapansin na malamig sa kanya.O baka nga ilang buwan na pala itong may babae.Maybe she was just to busy to notice.Binabalewala niya ang mga akto ng asawa pero ng dumadalas na ang uwi nito ng gabi ay nagsimula ang pagdududa niya.She asked around.Tinanong niya ang isang empleyado ng asawa kung totoo ang mga overtime na siyang dinadahilan nito lagi,as she expected neither of his work related reasons are true.She become more and more observant.Pag umuuwi ito ay pasimple niyang chinecheck ang mga damit nito.Oftentimes she would find a receipt from a restaurant.Gabi ang oras ng resibo bago ito umuwi.

She was always tempted to check the place.Pero bawat paghahanda niya ay nasasayang.Sa tuwina ay umaatras siya sa huling pgkakataon.She was not prepared for the things she'll find out.Ayaw niyang mapatunayan ang mga duda.

Mabilis siyang lumabas ng banyo ng marinig ang tunog ng sasakyan ng asawa.She practiced her best smile.Ayaw niya magka-ideya ito na may nalalaman siya.The last thing she wants to have is an argument.

Pagbaba niya ay eksaktong papasok si William.Parang nagulat pa ito ng makita siya.Nilapitan niya ang asawa at hinalikan saka kinuha dito ang bag na dala.

"Kumain ka muna.Halika sa kusina.Initin ko lang saglit ang pagkain."

"Uhhm,hindi na.Tapos na ako.Kumain kami sa labas nina Anthony kanina,napa-beer na din ng konti.Come on,matulog na tayo."Sabi ni William saka inilahad ang kamay sa kanya.Napatitig si Hailey sa nakalahad na kamay ng asawa. Kanino pa kayang kamay ang hinahawakan ng asawa niya bukod sa kanya? 

"Hailey....Are you okay?"Napatingin si Hailey sa asawa.He seemed really concern.With that she regained her composure and took his hand.Hawak kamay nilang inakyat ang hagdan.

Humiga na si Hailey sa kama pag-akyat nila.She skipped her practice of preparing her husband's clothes.Simula ng mag-asawa na sila ay lagi niyang hinahanda ang bihisan ng asawa para paglabas nito ay nakahanda na ang susuotin,pero ngayon hindi niya ginawa.She fells exhausted.Parang tamad na tamad siya.Dahil siguro sa tumitinding mga pagdududa niya dito.Naiisip pa lang niyang may iba itong tinatagpo ay naiiyak na naman siya.

Halatang nagulat si William ng pagkaligo ay walang makitang nakahandang damit para dito parang naramdaman niyang may sasabihin pa ang asawa sa kanya pero hindi na nito itinuloy.Nagkibit balikat siya at kunwari ay abala sa pagtetext.Narinig na lang niyang bumukas ang closet nito.Pagkalipas ng ilang minuto ay lumundo ang parte ng hinihigaan nito. "Ayos ka lang ba?Baka naman may nararamdaman ka pala na hindi mo lang sinasabi?"Tanong ni William.

"Ha?Wala naman.Ayos lang ako.Wala akong sakit.Paano mo nasabi?"Balik tanong niya dito.
Gustong gusto niyang sabihin na ang tanging masakit sa kanya ay amg damdamin niya pero pinigilan niya ang sarili.

"Okay.Wala naman.Parang matamlay ka lang kasi."

"Wala.Napagod lang ako kay Enna.Super kulit na."

"Magpahinga ka din kasi.Kaya nga may kinuha tayong magbabantay sa kanya di ba?Do other things,she's okay.Marami namang bantay ang anak natin."William said in a serious tone.

"William....Alam mo naman ang stand ko diyan di ba?Kahit may katulong,iba pa din pag ako ang nakatutok sa kanya."

Nakita ni Hailey ang pamilyar na reaksiyon ni William pag pinag-uusapan nila ang tungkol sa bagay na iyo.Napabuga na lang ang lalaki na parang sumusuko na sa usapan nila.

"Yeah,yeah.Sige na,'nite..."Tipid na sambit ng lalaki sabay higa at talikod kay Hailey.

Waiting for your love (Brent Boys 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon