What Hailey hoped for that night did not happen.Walang William na umuwi.Tumawag ito na may out of town na namang biglaan.Tinanong niya kung sinu ang kasama nito.He seemed caught of guard,nahimigan niya ang nerbyos ng sagutin nitong kasama nito ang mga kaibigan.
She tried to call Anthony but his phone is unattended.Pati si Labrean ay tinawagan niya pero hindi daw magkasama ang mga lalake dahil hindi daw umaalis ang asawa nitong si Spike ng bahay buong araw.
She started to cry again.Naawa siya sa sarili.Nag-effort siya ng matindi para sa asawa pero wala siyang napala.At the same time she was mad,sigurado siya kasama nito ang babae nito.Agad niyang binuksan ang drawer at inilabas ang wallet niya.Kinuha niya ang recibo na nakuha niya sa bulsa ng asawa.May naisip siya,kailangan niyang gawin ito kahit labag sa loob niya bago pa sila tuluyang magkasirang mag-asawa.Hinanap niya ang website ng naturang restaurant,alas otso y medya na,alas diyes nagsasara ang restaurant ayon sa page ng mga ito.Aagahan na lang niya ang pagpunta kinabukasan.
Alas nuebe pa lang ay nasa loob na siya ng naturang kainan.She was the only person aside from the workers.Mukhang class ang lugar at halatang dinadayo kahit pa nakapwesto lampas sa city proper.Mga loyal patrons lang at mga taong gusto ng tahimik na kapaligiran ang nagtatyagang pumunta dito.May privacy,kaya siguro lagi dito si William at ang kinakatagpo nito.She looked around and tried to search for any camera's.Voila!Sa isang bahagi pa lang ay may dalawa na,napapaikutan ng tatlo pang iba ang ibang bahagi.
Lumapit siya tinanong ang manager.A young lady on her early twenties came out.She's pretty but she looks formal.
"Good morning po Ma'am!My name is Harlene,What can I do for you?"Magalang na tanong nito sa kanya.
"Ah,may naiwanan yata yung asawa ko dito noong isang gabi na importanteng gamit,pero kasi hindi siya sigurado kung dito nga.Kung pwede lang sana na pakicheck natin yung cctv ng around eight to ten pm para lang makita ko kung dito niya talaga nawala."She delivered her speech well.
Mukhang nag-aalinlangan ang babae sa sugestyon niya base sa reaksiyon nito. "Naku,Ma'am,hindi po kasi kami basta basta nagpapakita ng cctv footage.Order po lasi ng management na mga authorized persons lang ang pwedeng mag-access."
"Ay ganoon ba?Naku,sayang naman.Importante lang kasi iyong mga nawala.Unless may nahanap kayong mga set ng bagong biling alahas.Regalo kasi dapat niya sa akin pero nakalimutan niya.Siya nga dapat pupunta dito pero may out of town trip siya na importante.Kung ganoon na hindi pwede sige magrereport na lang ako sa police.Para sila na lang humingi ng kopya ng cctv sa inyo.Ma-trabaho nga lang ata 'yon."She was crossing her fingers na pumayag na ito.Hindi na niya alam pa ang gagawing pangungumbinse kung tumanggi ulit ito.
Mukhang natigatig naman ang dalaga. "Naku oo nga po,dami pong report noon Ma'am.Sige po,sa office na lang tayo."Muntik na niya itong mayakap sa tuwa sa sagot nito,pinigilan lang niya. "Noong isang araw po Ma'am di ba?"Tanong nito habang papasok sila sa opisina nito.
May kinalikot ito sa computer nito at pagktapos ng ilang minuto ay pinaharap nito ang screen sa kanya.Makikita doon ang apat na anggulo ng restaurant.Una niyang tiningnan ang dalawa sa taas,wala doon ang asawa.Pagdating sa ikatlong camera ay agad niya nakita si William. He was sitting facing the said camera.May kasama itong babaeng nakatalikod.Tinuro niya ang nasabing anggulo at agad na inayos ng manager,lumabas ang isang kuha na nakatalikod si William,kaya naman kita ang babaeng kasama nito. Muntik na siyang mahulog sa upuan ng makilala ang babae. Kamukha iyon ng babaeng nasa pitaka ni William dati noong kakakilala pa lang nila.Ang ex girlfriend nito.Si Red!
She was shocked.Sa pagkakaalam niya ay may asawa na ito.Kahit hindi nila napag-usapan kahit minsan ni William ang babae ay gumawa siya ng paraan para makilala ang ex ng asawa niya.Nagtanong siya kay Alex.May pagkatsismoso ang kaibigan ng asawa niya.Pinakain niya lang ng paborito nito ay marami ng siyang nakuhang inpormasyon tungkol sa babae.Hindi niya lang inaasahan na nagtatagpo muli ang dalawa.
Lalo siyang nasaktan ng makita niya ang simpleng pagpunas ng babae sa mukha ng asawa niya.Parang ilang karayom ang tumusok sa kanya. Iba pa rin pala iyong naiisip mo lang na may babae ang asawa mo at doon sa talagang nakita mo.Hindi na niya nakayanan ang nakita.
"O-okay na Miss.Pwede mo ng patayin yan."She was trying to refrain herself fron crying.Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pa man ang kaharap.
"Ma'am okay lang po ba kayo?Nakita niyo po ba ang hinahanap niyo diyan sa footage?"
"Y-yes,thank you for your help.Wala naman pala siyang bag na hawak nung pumasok siya baka naiwanan niya sa ibang lugar.Thank you for your time Harlene."Saad niya sabay tayo.Dahil nanghihina ang tuhod sa nasaksihan ay medyo napakapit pa siya sa mesa.
Agad siyang dinaluhan ng manager at inagapang matumba. "Ma'am upo po uli kayo.Maputla po kayo.Teka lang po."Matapos siyang mapaupo ay narinig niyang tinawag nito ang isang crew at humibgi ng tubig.
Pagkalipas ng ilang sandali ng matiyak na okay na siya ay nagdesisyon siyang umalis na.Muli siyang nagpasalamat kay Harlene.
"Wala pong anuman Ma'am.Alam ko po iba ang sinabi niyong rason kung bakit gusto niyong makita ang cctv.Sana po nakatulong po ako."Sinserong sabi nito pabalik.
She smiled at her. "You're smart Harlene.Thank you so much.I'm sorry for not telling the real reason,sana maintindihan mo..."Nasa may pintuan na siya ng muli siyang magsalita ang manager.
"Seven to ten pm po."
Naguguluhang lumingon si Hailey sa babae. "Ano?"
"Seven to ten pm po sila usually narito.Umaalis sila pag nagsasara na kami.Nakikilala ko po sila kasi regular costumer po sila ngayong buwan.Lagi sila doon sa mesang iyon.Red Chua po ang pangalan ng babae.Memoryado ko po kasi mga tatlo o apat na beses na ako ang nagswipe ng card niya.Sana po makatulong.Wag niyo na lang pong banggitin na sinabi ko at baka mawalan ako ng trabaho."
BINABASA MO ANG
Waiting for your love (Brent Boys 4)
RomanceRank 1 #Fallout on April6,2019 Rank 3 #otherwoman April8,2019 Rank 9 #Realization April 8,2019 William Kazan Zervos and Haley Domingo fell in love and just before they reached their first year anniversary as a couple she got pregnant.William immedia...