2.Little History

18 1 0
                                    

Haley met William one rainy afternoon.Kakatapos lang ng trabaho niya at napagdesisyonan niyang pumunta ng SM para bumili ng panregalo sa anak ng isang kaklase at kaibigan niya noong college.Kinuha siya nitong maging ninang sa panganay nito,masama daw ang tumanggi kaya pumayag siya.

Bukas pa naman ang binyag pero wala na siyang panahon pang bumili dahil alas diyes daw ang simula sa simbahan.Lagi pa naman siyang late gumising kung weekend.Nakailang ikot na siya sa may kids section pero wala siyang magustuhan kaya lumipat siya.Paakyat na siya ng escalator ng mamataan niya ang isang bahagi ng tindahan kung saan nakalagay ang mga pambatang libro.She looked and agad naman siyang nakakita.She settled for a book set with a talking pen.Agad niyang pinabalot at nagmamadaling lumabas na para magmeryenda.Pagpasok niya sa Shakeys ay agad siyang nag-order.Dahil mag-rurush hour na ay mabilis siyang kumain.Magbabayad na sana siya ng mapansing wala ang wallet.Alam niyang hawak pa niya iyon kanina sa department store.She was starting to sweat dahil nagsisimula na siyang kabahan.Sinabihan niya ang server na tatawagin niya ulit ito.She decided to call her bestfriend Di para puntahan siya.Wala pa naman ang Kuya niya ngayon.Nakailang ring ang telepono ni Di pero hindi pa rin nito sinasagot.Naiiyak na siya ng biglang may magsalita sa harap niya.

"Uhhm,sorry to intrude but I noticed you're in trouble.I can pay for your bill."Napaangat ang tingin ni Haley sa nagsalita.The man is towering her.Mukhang may dugong banyaga.Aside from that he looks so handsome.

Nakatulala pa rin si Haley sa lalake ng biglang marinig niya ang boses ni Di sa kabilang linya.Nanlumo siya ng sabihin nitong umuwi ito sa probinsiya kahapon.Paano na siya makakabayad at makakauwi nito?

Naiiyak na siya ng muling bumalik ang lalaki sa harap niya.

"Miss,okay na,don't worry.Your bill is taken cared of."The handsome man said with a smile,iniabot pa nito ang resibo sa kanya.

"Ha?Naku pasensiya na po.Nadamay pa tuloy kayo.Pasensya na tslaga.Kunin ko na lang number niyo para mapalitan ko pagkauwi.Promise di po ako scammer."She said sincerely.Nahihiya talaga siya baka akalain nito eh budol-budol siya.Marami na kasing kunwari nawalan o nadukotan pero talagang wala palang pambayad.

"No,no.Okay lang.It's nothing Miss-,William pala."Pagpapakilala ng pogikay Haley.

"Ah,Haley.Nice meeting you din.Thank you talaga.You're an angel.Kung wala ka baka makulong pa ako dito.Hindi ko kasi alam kung nasaan yung wallet ko.Hawak ko naman sa department store kaninang magbayad ako."

"Oh,if you like we can go back and check it.Baka andoon pa."

"Naku hindi na.Ako na lang.Salamat.Maabala ka pa."Nahihiyang sagot niya.

"I insist.Paano pag wala doon,how will you go home?"William said in a concern tone.

Nagpatianod na lang si Haley.Para na din mapatunayan niya sa lalake na nawala talaga wallet niya.Pagdating sa maycounter kung saan siya nagbayad ay agad siyang nakita ang nag-assist sa kanya kanina.

"Ma'am naku buti bumalik kayo!Naiwanan niyo po wallet niyo.Ito po Ma'am wala pong bawas yan ha.Binuksan ko lang po para nakita kung kanino."

Haley felt relieved.Nayakap niya ang saleaslady sa tuwa. Muli siyang nagpasalamat dito bago siya umalis.

Nasa labas na sila ng lalake ng iabot niya dito ang isang libo. Biglang sumeryoso ang lalaki at tumanggi sa binibigay niya.

"Hey.I said it's okay.That's me being kind to strangers.Once in a while na nga lang eh,para naman may mailista si San Pedro sa good deeds ko."Seryosong sabi pa rin nito.

Natawa si Haley sa sinabi ng binata.Naiiling na lang na tinago niya ang pera pabalik sa wallet.

"Ok.Thank you.Pero paano naman ako babawi sa iyo?"

"A date perhaps?"William said with a sly smile.

"Grabe date agad?Baka sabunutan pa ako ng asawa o girlfriend mo."Haley said hoping to get a denial from the guy. Fishing for information Haley!

"Well if you're asking,I don't have any of those two you mentioned.I'm single in the truest sense.So when can we go out?"

Namumula si Haley sa sagot ni William.Nagets pala nito na fishing for relationship status lang siya.

"Uhhhmm,ikaw.I'm free on weekends."She blurted without thinking.Na-realize niyang parang easy to get naman siya masyado.

"Okay.So let's get you home.Hatid na kita sa inyo para alam ko kung saan kita susunduin."Hindi na siya nakahuma ng igiya siya nito sa parking lot.He was a smooth talker.Parang ang daling magtiwala dito.

Wala pang limang minuto ay nasa harap na siya ng apartment niya.It was a one-bedroom condo style.May sariling hahay na kasi ang kuya niya.Medyo malayo nga lamang sa city proper kaya umupa na lang siya syudad.

"Thank you.Salamat talaga sa tulong at paghatid.Pabababain sana kita kaya lang-''

William cut her off. "It's okay.I understand.We just met.Basta sunduin na lang kita sa weekend.Okay ba sa iyo ang six pm sa Saturday?"

"O-okay.Sige.Salamat."

That was the start.They went out that weekend and the rest was history...

Waiting for your love (Brent Boys 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon