It has been two days since their talk.Magmula noong gabing iyon ay parang tumigil ang mundo ni Hailey.She may be alive,but something inside of her died after William said those things to her.Pinag-isipan niya ang mga sinabi nito at nalimi niyang mayroon nga siguro siyang naging pagkukulang sa asawa.Lalo na noong panahong naglalambing ito ng hindi niya napagbibigyan.Mga pagkakataong humihingi ito ng panahon para lumabas silang dalawa na hindi niya maibigay dahil sa anak nila.Mga panahong hindi siya nakadalo sa importanteng lakad nito na sana ay kasama siya dahil katulong lang ang maiiwan sa anak nila.She cried when she realized those.She neglected her husband.But what could a mother do?Alangan namang iwanan niya ng basta basta si Enna kung kailangan siya nito.William should have understood that.Oo may pagkakamali siya pero hindi rason iyon para maghanap ito ng iba.
Namamawis ang malamig na palad ni Hailey habang pinipihit niya ang seradura ng pintuan ng kwarto nilang mag-asawa.Naabutan niyang nagbibihis si William.Tahimik lang siyang sinulyapan nito pagkatapos ay itinuloy ang pagbibihis.
Hailey went straight to her dresser.Nagsuklay siya at naglagay ng kaunting lipgloss.She looks so calm but deep inside she's a wreck.Nakapagdesisyon na siya.Hindi niya alam kung tama ba o mali pero ito ang pinakamabuting gawin para sa anak nila.Enna...No matter what happens she will always be her priority.
"Pumapayag ako sa gusto mo...."She stated calmly.Nakita niya mula sa salamin ng dresser na napatigil ang asawa sa pagkuha ng kung ano sa office bag nito.Dahil nakuha na niya ang atensiyon nito ay muli siyang nagsalita. "May kondisyon,kailangan mong umuwi pa rin dito gabi gabi.Alam kong wala ka ng nararamdaman sa akin pero sana importante pa rin sa iyo ang anak mo.Walang ibang pwedeng makaalam ng sitwasyon natin,maiintindihan naman siguro ni—-ng babae mo.Iyon lang,kahit iyon na lang William...Hindi ako makikialam sa inyong dalawa...But keep it discreet.Respeto na lang sa akin at sa mga pamilya natin.Sasabihin din naman natin kasi imposibleng hindi nila malaman,but I want to prepare them.Ayokong mabigla sila katulad ng nangyari sa akin..."
"Hailey...It's not like that,I'm asking for a space to—-" Halatang nagulat si William sa sinabi niya.
"Cut the crap William!Alam ko at alam mo na rason kaya mo hinihingi ang cool off period na iyon.Don't tell me sa loob ng panahong nag-iisip ka ay hindi mo siya pupuntahan!"Hindi nakasagot ang lalake.Hailey smiled bitterly. "See?Hindi ka makasagot dahil alam mong ganoon ang mangyayari!Tama na William...Nasaktan na ako,you don't need to soften the blows anymore,lubos lubusin mo na para isahan na lang!"Madamdaming sabi ni Hailey.
William attempted to hug pero lumayo siya dito.Ironic!He is the cause of her pain yet he wants to comfort her.
Nanatili silang nakatayo ng asawa habang tahimik siyang umiiyak.Pero nagulat pa si Hailey ng pag-angat niya ng tingin ay makitang lumuluha din ang asawa. He appears forlorn.So he must be hurting too?Para saan?He does not love her anymore,kaya dapat magsaya ito sa mga sinabi niya.It is an easy compromise for him.Hailey!Tama na ang ilusyon mo!
"I expect you to keep your part of the deal.Hindi ito para sa akin,isipin mo na lang na sakripisyo mo para kay Enna..."Hindi na niya hinintay na sumagot pa si William,nilampasan niya ito at agad na pumasok sa banyo...
BINABASA MO ANG
Waiting for your love (Brent Boys 4)
RomanceRank 1 #Fallout on April6,2019 Rank 3 #otherwoman April8,2019 Rank 9 #Realization April 8,2019 William Kazan Zervos and Haley Domingo fell in love and just before they reached their first year anniversary as a couple she got pregnant.William immedia...