Kasalukuyang nakikipaglaro si Hailey sa anak ng dumating ang asawa.Agad itong pumasok sa sala. "Daddy!"Enna's face lit up upon seeing her dad.Agad itong tumayo at nagpabuhat sa ama nito.Hailey stood up too.Pagkatapos halikan ay ibinaba ni William ang anak at sinabihan ang katulongna ito muna ang bahala.
"I need to talk to you!Sa kwarto tayo!"Saka ito nagmamadaling umakyat."Anger was evident in his voice kaya dagli siyang sumunod paakyat dito.
Nakaharap ang asawa sa bintana pagpasok niya.Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan eksaktong humarap naman ito sa kanya.
"Hailey,what did you do?"Nagpipigil
ng galit na sabi ni William."A-anong what did I do?"Nagsisimula ng mangatal ang katawan niya sa nakikitang galit nito sa kanya.
"Come on Hailey,huwag na tayong magpaikot ikot pa!Don't pretend as if you don't know what I'm saying!"
"Hindi ko nga talaga alam kung anong sinasabi mo?"
"Okay!You want to act innocent?Sige.Deretsahan na ito,I know you have an idea about Red.My question is what did you do?May nakapagsabi sa akin na nagtatanong ka daw tungkol sa ex girlfriend ko.My God Hailey!Hindi ako tanga,alam kong ikaw ang nagsabi sa asawa ni Red tungkol sa amin!"
Napatitig si Hailey sa asawa.Nasukol na siya.
"Talagang pinagtanggol mo pa talaga siya ano?You came home raging with anger because I told your mistress' husband about your affair?Ibang klase ka din.I did not expect it from you!Asan na ang sensitivity mo?Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko ngayon na nalaman kong may babae ka?!Ano to!Wala na ba talaga akong kwenta sa iyo?"Mukhang natauhan si William sa mga sinabi.Nanghihinang napaupo ito sa kama.
"I'm sorry ......I'm sorry.."Dumausdos paupo si Hailey mula sa pagkakasandal malapit sa nakasarang pintuan.
"Hindi ba ako sapat?O nakukulangan ka ba sa akin bilang asawa at ina ng anak natin?Tell me,saan ako nagkamali sa iyo?Ginawa ko ang lahat para sa inyo ng anak natin...."Hailey started to sob uncontrolably.
"You were never there for me..."Mahinang sabi ni William na nakapagpaangat ng tingin ni Hailey.
"What?Anong sinasabi mo?Anong I was never there for you?Liwanagin mo sa akin!Anong hindi ko naiintindihan!"
Nanatiling tahimik si William habang umiiyak ang asawa.Hindi niya alam kung yayakapin ang asawa.
"Kahit hindi mo aminin alam kong nararamdaman mo ang mga pagbabago sa ating dalawa Hailey...."Mahinahong sabi nito. "I didn't plan all these.Red and I was about to get married but her dad choose someone for her.She can't do anything that time dahil napressure siya ng ama kaya nakipaghiwalay siya at nagpakasal kay Rod.I was so hurt,I thought I couldn't move on pero nakilala kita.You were a breath of sunshine in my gloomy life back then.Maniwala ka sana,I love you kaya kita pinakasalan.Then when Enna came I felt as if we drifted apart...."
"Pwede ba William,kung gagamitin mong rason ang anak natin sa mga nangyayari ngayon please lang!"Napasigaw na sagot ni Hailey.
"I don't blame Enna,she's one of the most beautiful thing that happened to me.Ang hirap ipaliwanag,I may be selfish but I felt as if you were more focus on her and forgot about me.Then I met Red again,nagkakaproblema din sila ng asawa niya.We started talking again,a-and feelings started to come back....I know I'm a jerk pero that's how I feel right now...Sorry..."
Matagal na katahimikan ang namayani bago nakapagsaita si Hailey. "So anong plano mo?Magsasama na ba kayo?"She said in a whisper.
Napbuntong hininga si William sa tanong ng asawa. "Hailey,I'm so sorry.But can I ask for a cool off?"
Napatayo si Hailey.Maang na napatitig siya sa asawa. "What the heck William!Ano ito boyfriend girlfriend lang na pwedeng mag-cool off?Tanga ka ba?!Ganyan ka na ba kadesperado na makasama 'yang kabit mo?Grabe ka naman,ganyan lang ba kadali sa iyo ang lahat?W-william nanumpa tayo sa Diyos..."She was trembling as she held on to the wall.
"Hail....I'm just asking for a break.We need to think about things right now.Maybe it's better if we contemplate away from each other..."
Hailey saw William's face when he said those words.He looked like a wounded man.Parang pagod na pagod ang asawa niya.Isa ba talaga siya sa dahilan kung bakit ito nagkaganito?
Sa dami ng katanungang umiikot sa utak niya hindi na niya alam ang gagawin.She needed time to think.Tahimik na lumabas na lamang siya ng kwarto nila at pinuntahan ang anak na mahimbing ng natutulog sa kwarto nito.Tumabi siya sa maliit na kama nito at
tahimik na umiyak.Paano na sila pag umalis si William?Paano na ang anak niya?Matutulad din ba ito sa kanya na walang kinagisnang kompletong mga magulang.She dreamt of a better life for her daughter kaya ginagawa niya ang lahat para dito.She gave her best for their family.Halos wala siyang social life dahil sa mga ito.Pero bakit ganoon?Tama ba ang asawa niya na sa pagiging mabuting ina niya sa anak ay nakalimutan niya ang mga responsibilidad niya para sa asawa?Kaya ba ito naghanap ng iba?
Hindi niya alam.She was so lost.With all of the questions that she can't seem to find answer,she drifted to sleep....
BINABASA MO ANG
Waiting for your love (Brent Boys 4)
RomanceRank 1 #Fallout on April6,2019 Rank 3 #otherwoman April8,2019 Rank 9 #Realization April 8,2019 William Kazan Zervos and Haley Domingo fell in love and just before they reached their first year anniversary as a couple she got pregnant.William immedia...