12.Self-Confidence

32 2 6
                                    

"Parang hindi ko naman bagay Bing..."Kanina pa hinahawakan ni Hailey ang buhok.She used to sport a long hair.Umaabot dati sa baywang niya kaya naninibago siya sa hanggang balikat na gupit.Bing had it colored with brown.Nag-iba ang itsura niya habang nakatingin sa salamin.She looks....trendy?

Matagal na rin simula ng magpakulay siya ng buhok,mula ng malaman niyang buntis sya kay Enna ay wala na siyang panahon pumunta ng salon.

"You look great!"Halos sabay na wika ng mga babae sa harap niya.

Their next agenda is to find her new clothes.Halos apat na oras yata sila sa loob ng mall.Ang dami niyang protesta sa mga pinili ni Bing at Grace.Nauna nang umuwi si Labrean dahil hinahanap na daw ito ng anak.Actually she was wearing one of her new clothes now.Off shoulders na blouse at acid wash jeans na tattered.Aaminin niya nagmukha siyang bata.

Alas otso na ng makauwi siya sa bahay.Naitawag naman na niya si Enna kanina sa yaya nito.Nakakain na daw ang anak at pinpatulog na habang pauwi siya.Isa pa iyon sa mga bagay na medyo binabago niya.She realized she can be a good mom without sacrificing herself.Kaya naman sinisimulan niyang magset ng bounderies para sa sarili.Kakatapos niya lang ng self improvement class niya.It lasted for five days.It realy helped her.Unti unting nanumbalik ang self confidence niya.

Nagulat siya ng makita ang sasakyan ng asawa sa driveway.She didn't expect him to be home today,he was gone for four days already.Nag-iwan ito ng note sa kwarto nila na may seminar ito sa Manila hanggang bukas,ipinagkibit balikat na lang niya iyon kahit nasasaktan siya.For all she know baka nakay Red lang ito.

Pag-akyat sa second floor ay iniwanan muna niya ang mga pinamili sa guest room.Halos dalawang linggo  na siyang natutulog doon dahil kapag sa kwarto nilang mag-asawa ay nalulungkot lang siya.Sunod niyang pinuntahan ang kwarto ng anak.Tulog na ito,habang ang yaya nito ay nakahiga sa kama sa gilid.Nilapitan niya ito at hinalikan.

She then nervously entered their marital bedroom.Andoon ang mga damit niya,doon lang siya nagbibihis at saka lumilipat sa guest room kapag gabi. Palabas ng banyo si William kaya nagkabiglaan sila.Natigilan ito ng makita siya ngunit agad ding tumalikod at binuksan ang closet para kumuha ng damit habang siya naman ay kumuha ng pantulog bago pumasok ng banyo para magshower.

Paglabas ay nakaupo ang asawa sa kama habang nanonood ng tv. Medyo tumaas ang kilay ni Hailey dahil hindi naman ito ugali ng asawa.Sanay na siya sa nagdaang mga buwan na alas diyes o alas nuebe ito umuuwi,akala niya dahil sa trabaho pero hindi pala.Nag-aayos siya  sa harap ng dresser ng magsalita ito.

"Lumabas ka?"He was stating the obvious. Ano 'to small talk? Bumangon ang inis sa dibdib ni Hailey ngunit sinagot rin niya ito.

"Yeah..."Tipid na sabi niya. "I thought bukas ka pa uuwi...Baka may magalit sa akin pag napaaga ka ng isang araw.."She can't help but be sarcastic.The old Hailey would not say that kahit pa tinatapakan ito.She had learn from her classes to be bold and being able to confront others.

Mukhang nagulat si William sa mga sinabi niya.Magsasalita na sana ito ng agad siyang tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto.
"Goodnight.."Sabi niya saka mabilis na isinara ang pintuan.Pagdating sa guest room ay magaan ang pakiramdam niya.

Gosh!It feels good to be able to tell him that!
Nakatulog siya ng may ngiti ang mga labi.

Kinaumagahan ay nagising siya ng alas siyete,isa pa iyon sa mga nabago sa kanya.Before,she would wake up early to fix her husband's breakfast,which in the past few months,he would barely touch,now she relies on their housemaids to do it.Pagkain na lang ni Enna ang inasikaso niya.Dali-dali niyang pinuntahan sa kwarto ang bata ngunit wala ito doon.Pagbaba niya ay hawak ito ng ama.

"You're not going to work?"Nagtataka siya na hindi ito nakabihis.

"I have a meeting at eleven."Sabi nito.

Sinubukan niyang kunin ang anak dito ngunit sinabihan siya ng asawa na kumain muna. Himala ng mga himala!Anong nakain nitong lalaking ito? He was not like this.Alas siyete ay pumapasok na ito.

"Anyway...Nagyayaya pala sina Richard.Birthday niya sa Saturday,swimming sa resort nila sa La Union."Sabi ni William habang nilalaro ang anak nila.

"Mmmmn...Okay."Simpleng sagot niya.

"Okay?"Parang tangang ulit ng lalaki sa sinabi niya.

"Okay,sige,sama kami ni Enna."Sabi ni Hailey na ikinagulat ni William. Akala mo ha!New Hailey yata ito...

Buong araw na naging abala si Hailey.Pagdating ng hapon ay nakatanggap siya ng tawag sa mga biyenan,kung okay lang daw ay iwanan na lang nila si Enna sa sabado,sila na daw ang bahala dito kasama ang yaya para magkaroon sila ng panahong mag-asawa.Nag-aalangan man ay pumayag siya.Sanay naman si Enna sa mga inlaws niya,isa pa maraming titingin doon sa anak niya kasama ang yaya nito.Sinabihan na lang niyang tawagan ng mga ito si William kung papayag.

Naghalungkat siya sa closet at naghanap ng pang-swimming na mga damit.Kahit anong hanap ay wala siyang makitang maganda,puro awkward ang kulay.Napapailing na lang siya sa taste niya dati.Namumrublemang nagchat siya kay Bing.Ito ang pinakafashionable sa kanilang lahat.Agad naman itong nagreply at sinabing ito na ang bahalang mag-order online para sa kanya,ibigay lang daw niya ang credit card number niya dito.Umoo siya dahil wala na siyang choice,apat na araw na lang ang natitira bago ang birthday ni Richard.

Days passed by fast.Pagdating ng biyernes ng gabi ay dinala na ni Bing ang mga naorder nito online para sa kanya.Hindi na siya nag-abalang tingnan ito dahil alam niya ang taste ni Bing.Alam niyang magandang pumili ang kaibigan..Para lang magulat kinabukasan ng buksan niya ito para isuot na....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting for your love (Brent Boys 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon