April, 2011
"In another life.. I would be your girl. We keep all our promises, be us against the world.." I sang until my throat gets tired and just sat down from one of the couches.
'In another life, I would make you stay..'
Bigla akong natawa nang maisip ko ang lirikong iyon na tumatakbo ngayon sa aking isipan. I suddenly looked at my friend who were quietly staring at me.
"When will you be tired?" She asked me. Bigla akong natulala at hindi malaman ang kasagutan sa tanong niya, "Hanggang kailan ka ba ganito? Imo, you are better than this and the thing is, you know that." She continued. I just let out a big sigh.
"I'm tired." Nasabi ko nalang at umiwas nang tingin at sa halip ay dumako na lamang ang aking paningin sa telebisyong nasa harapan namin habang umaandar ang lirikong naroon kasabay nang tunog nito.
"You're always telling me that. Totoo pa nga bang pagod ka na?" Tumango ako bilang tugon.
"Yeah, sanay lang akong hindi pinapakita 'yung totoong nararamdaman ko dahil ayoko nang mandamay pa ng iba." Naramdaman ko naman na parang naguluhan siya kaya naman lumingon ako sa gawi niya at tinignan siya ng diretso sa mga mata. Hinintay ko ang mga katagang inaasahan kong lumabas mula sa bibig niya.
"So, you're selfless or acting like a hero perhaps?" She said as if she was guessing what I was talking about. Ngumisi lang ako at natawa, dahilan para maguluhan siya lalo.
"I was protecting someone." I answered.
"Someone?" Nginitian ko naman siya kasabay ng pagtango ko.
"Yep, special someone." Patuloy na pagsagot ko sa kanyang katanungan habang nakasandal sa kinauupuan at nakahilig ang batok.
"You never told me about that person. Who's he? Who's your special someone, Imo?" Napangisi naman ako, curiosity kills the cat nga naman.
"I met him like 3 years ago. At kung tatanungin mo kung anong klaseng pag-iibigan ba 'yon," I paused for a second as I faced her, emotionless. "It was a kind of mystery of love." I continued.
"Mystery of love?" She asked again. Bumuntong hininga naman ako dahil sa namumuong inis sa'kanya ngunit hindi ko naman magawang sisihin siya sa kadahilang wala nga siyang nalalaman tungkol roon.
"Yeah, wala kasing nakakaalam kaya naging Mystery of love." I jokingly said. Napakamot naman siya ng ulo dahil sa sinabi ko.
"Walang nakakaalam? Bakit naman?" And she asked again. I looked at her again as I started to feel bored and annoyed at the same time, but whenever I'll think about him, it makes me smile.
"Because not everyone would understand the situation rather gives judgment to it." Mabilis naman siyang napatango sa sinabi ko.
"So, tell me, how did you met him? Do I know this guy?" Napangiti naman ako agad dahil hindi ko na kailangan pang alalahanin maigi para lang maalala ang una naming pagtatagpo dahil kusa nalang itong nagfla-flashback sa isipan ko.
March, 2008
Agad akong napangiti nang maramdaman ko ang yakap at pagmamahal niyang walang kapantay. Magkagulo man ang mundo, magbago man ang paligid mo, kailanman, Siya ay hindi magbabago.
Pagdilat ko, agad bumungad ang mga taong gaya ko ay ninanamnam rin ang pagmamahal Niyang walang halintulad. Nakataas ang mga kamay nito at napikit ang mga matang dinadama ang munting pagkanta ng mga nagboboluntaryo.
"Remember, He died on the cross just to redeemed His sons and daughters, and that includes you."
Nang matapos ang Youth Service ay nagsimula nang magsilabasan ang mga tao, maging kami ng mga kaibigan ko. Bumungad ang mga stalls ng bawat Ministry dahil may recruitment na ganap.
Nais ko sanang sumali sa Tech kaya lang nahila na'ko ni Hulyana sa Usher's table. Mukhang masaya siya kaya naman hindi na ako umalma pa at sinamahan na lamang siyang magsagot sa form.
Nakangiti sa amin iyong babaeng nakaupo, kasama ang mga nagkukulitang ushers sa gilid. Mukhang masaya naman sa Ministry nila. Pilit akong ngumiti at ipinasa ang form ko sa babae kasabay ng kay Hulyana na todo ang pagngiti.
Napatingin ako matangkad na lalaki, nakikipagkulitan ito sa babae, nasisiguro kong mga ushers ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon kami ay nagkatinginan at para bang may kung anong meron sa loob ko at gusto ko siyang pagmasdan.
"Dante!"
"Imogen!"
Agad akong natauhan at napatingin kay Hulyana. Kumakaway ito kasama ang mga kaibigan namin na mukhang gutom na at gusto nang pumuntang foodcourt. Napangiti ako ng pilit at itinaas ang kamay ko upang isenyas na susunod na'ko sa kanila.
Lumingon ako ng panandalian at nakita ko iyong lalaking nakatalikod na mula sa'kin kasama iyong babae na kakulitan nito at ang iba pa nilang kasama.
"Teka, 'yon na 'yon? Tinginan lang? Bakit kasi tinawag kayo pareho?!" Agad niyang pagputol sa kwento ko. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Oo, doon palang alam ko nang magkikita ulit kami." Napabilog naman ang bunganga niya at para bang amaze na amaze. Napailing na lamang ako at muling inisip ang mga kaganapan habang napapangiti.
"Hoy Imo, bakit ka ngumingiti diyan?" Tanong niya kaya naman agad akong napatingin sa mukha niyang baboy. Bigla naman akong natawa saglit.
"Wala lang, naaalala ko lang paano siya naging mailap sa'kin dahil sa attitude na pinapakita ko sa'kanya noong una." Saad ko. Kumunot naman ang noo niya sa pahayag ko sabay ininom ang basong may laman na alak.
"Bakit naman?" Tanong niya matapos uminom ngunit basong tubig naman ang inabot ko para inumin tsaka itinuloy ang pagkwento.
April, 2008
It's been a month after I've joined in the Ministry.. Magkahiwalay kami ni Hulyana ng Team at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napunta ako sa Team kung na saan ang lalaking nakatinginan ko last month. Lagi ko itong nakakasama at hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa pinapakita niya kaya naman, I made him feel like, I don't really like him. He's too sweet for a guy. Masyadong pafall ang actions niya.. Tss.
Iniiwasan ko rin ito kapag nagkakaroon ng chance at hindi ito kinakausap kung wala namang connect sa Ministry. Minsan pa nga ay nahuhuli ko itong nakatingin sa'kin. Napapangisi na lamang ako sa tuwing ganoon siya. Para siyang takot na takot lumapit at hiyang-hiya. I've known a lots of guys like him. I could read his mind nor his actions. But sometimes, he's unpredictable.
'You are very unpredictable, Dante Cruz.'
I became curious about him, but I stopped that feeling and yet I couldn't help but to ask these to myself.
'What are you thinking?'
I said in my mind after I saw him looking at me again, kaya naman nilabanan ko rin ito ng tingin. Interesado ka ba sa'kin...
Kuya Dante?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]
Short StoryOur story seems to be a mystery to all of them, including me and him. A closed chapter that no one dared to read nor see, maybe out of fear. Will I able to do it?