XIII

38 5 4
                                    


May, 2011

"I won't ever known what's on your mind if you don't open your secret doors to me, Imogen." Marahan naman akong napalingon sa'kanya at mapait na napangiti.

"How could I? When I already opened it to someone? But still chose to walked away.. will you do it too?" Malungkot na pahayag ko sa'kanya. "Perhaps, again?" Dagdag ko pa, dahilan para ikatahimik niya ng ilang segundo bago nagsalita muli.

"Who knows? Baka hindi, hindi na ulit."Nakangiting sagot niya. Naiiyak naman akong tinignan siya sa mga mata at napangiti.


November, 2010

Buong klase ay natutulog ako sa likuran, sa may sulok habang umiiyak ang puso kong sobrang sawi. Hindi ko siya makalimutan. Paulit-ulit ko nang pinipigilan. Wala na'kong ibang ginawa kundi iwasan siya. Mag-iiwasan kami. 

Maghihintay pa ba ako sa hintayan natin, Dante?

Naiinip na'ko, parang ang tagal mo yatang bumalik? Nasaan ka ba? Tuluyan kana nga bang lumisan? O baka ako nalang talaga naghihintay sa hintayan natin? 

Wala akong ginawa kundi makinig lang ng mga kantang magbibigay comfort sa pagkatao ko. Ever since, music lang din naman ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Madalas akong napapabuntong hininga dahil sa mga ala-alang walang tigil kung dumaan sa isipan ko.

Para akong mababaliw sa kakaisip sa nakaraan, hindi pa man tapos ay para na'kong mababaliw sa pangungulila sa'kanya. Kama palang naman, hindi ba? Wala pang tuldok. Hindi pa tapos ang laban. Pero bakit parang parehas na kaming sumusuko?

Kahit saan akong magpunta, hindi ko alam.. bakit lagi siya nandoon? 

Napatigil ako sa isang bench sa loob ng building namin, bigla ko siyang nakita roon na nakaupo habang naghihintay sa'kin. Napatulala ako. Imahe lang pala.

Sumakay ako ng jeep paBoni Station. Umupo ako sa unahan at nag-earphones. Kaso may narinig akong tugtog mula sa sinasakyan kong Jeep kaya naman inalis ko ang isang earphones para marinig, Iyong kanta ko para sa'kanya. Mabilis namasa ang mga mata ko at pinigilan ang nararamdamang pilit kumakawala.

Pinikit ko lamang ang mga mata ko matapos ibalik ang earphones sa tainga ko. Pilit kinakalimutan ang lahat. Weeks na kaming hindi nag-uusap. Weeks ko narin siyang pinipilit kalimutan. 

Nakatulog ako at paggising ko ay mabilis akong bumaba nang saktong nakarating na pala ako sa bababaan ko. Tahimik akong nakikinig habang naglalakad. HIndi siguro mapinta ang mukha ko. Naglakad ako hanggang sa gumamit ng fly over sa mrt station ng Boni. 

Muli, ay napatigil na naman ako at nakita ang sarili kong naghihintay sa'kanyang makarating hanggang sa dumating si Dante at nakangiti itong sinalubong ako. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa Mall bilang shorcut.

Pagkapasok ko ay papalapit ako ng palapit sa dati naming hintayan. Muli akong napatigil nang makita siya roon na naiinip ngunit nang tuluyan makalapit ang aking sarili ay agad nawala ang pagkainip niya at napilitan ng mga ngiti at siya na mismong sumalubong sa'kin. Napailing-iling ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Kahit saan yata ako magpunta nakikita ko siya.. Nakikita ko 'yung nakaraan. Masyadong masarap pagmasdan at sobrang sakit ding alalahanin. Nadaanan ko rin ang dinadaanan namin palagi at iyong usapan namin tungkol sa bahay.. future. Maging ang parking lot. 

Buong month ng November ay ganito ako. Hindi na naalis sa sistema ko si Dante. Kahit yata sa isip at puso, naroon din siya. Ayaw yatang umalis, pero bakit tila presensya niya tuluyan nang umalis?

Paulit-ullit kong iniisip, paano? paano niya nagawang suyuin ang pusong kailanman ay hindi basta basta nahuhulog lamang sa mga lalaki. Bawat tinginan, bawat senaryong binahagi namin sa isa't-isa. Dati sobrang labo, pero ngayon habang tumatagal mas lumilinaw ang pagtingin ko sa'kanya. 

Gusto ko siya, gustong-gusto. Ay, hindi pala.. higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko sa'kanya.

Hindi man kami nagkikita, nagkakausap, bakit tila mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko? Bakit dumating sa puntong hirap na'kong pakawalan at gusto ko nalang panatilihing ganito ang nararamdaman ko kahit gaano pa kasakit?

Huwag kana sanang mawala sa araw-araw, Dante. Huwag na, dito kana lang.. please. Masyado pang maaga para lumisan. Hindi yata kakayanin ng puso at isip ko kung tuluyang mawawala ang tulad mo na masyado ng kinilala ng mga ito.

Minsan, gusto ko nalang limutin ang mundo nang kasama ka. 

Pwede ba'yon? pwede pa ba?

Kaya ko pa ba? 'yung sakit na maaari pang lumala?


May, 2011

"Ang hirap lang.. kasi every time na makikita ko siya, I could see our future together tapos magslideshow bigla sa harapan ko and then I've just realized na, I wanted to be his wife. Siya 'yung gusto kong makasama sa habangbuhay. Siya 'yung gusto maging ama ng mga magiging anak ko." Naiiyak na sabi ko. Iyon na yata ang pinakamahirap na nailabas ko.

"Nakakalungkot lang, narealized ko lang na hindi ko pala talaga siya kayang pakawalan. Siya lang 'yung gusto ko. Wala ng iba. Gustong-gusto ko at hindi ko na kaya magpanggap. Anong laban ko kung future na 'yung nakikita ko sa'kanya?" Natatawa ngunit naiiyak kong patuloy.

"Ang masama pa, hindi lang basta panaginip, live eh, totoong-totoo, harap-harapan." Muling dagdag ko habang nakatingin sa isang sulok ng kwarto. 

"Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba ang taong 'yon. Hindi na yata." Wala sa sariling nasabi ko. 

"Anong nararamdaman mo ngayon?" Dinig kong tanong niya, kaya naman napatingin ako sa'kanya ng marahan.

"Malungkot ako, sobrang lungkot to the point na hindi ko kayang iiyak ang lahat." Sagot ko ng nakangiti.

"I wanted to be his wife, I wanted him first. I wanted the future that we had planned together, so bakit hindi nalang kami?" Tanong ko sa'kanya. Tinignan naman niya ako ng sobrang lungkot. 

"I'm sorry, Imo."

"Oo nga pala, he said, he was sorry." Sabi ko nang maalala ang mga sinabi niya.

"Bakit anong sinabi niya?" Agad na tanong niya. 

"Dahil kahit sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman umuugma sa'min ang tadhana." Halos umiiyak nang sagot ko. "Pero sa susunod na habang buhay ay nasisiguro naming, iyon ay para sa'min na." Nakangiting patuloy ko.


To be continued...

Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon