Last Chapter

74 5 19
                                    



January 10, 2011 

Mga galawang kay hirap nang basahin mula ngayon. Mga usaping hindi malaman kung mayroon pa nga bang malalim na kahulugan o sadyang normal na usapin na lamang. Ano nga ba ang iyong iniisip? Ano nga ba talagang kahulugan ng iyong mga bawat galaw? 

Mayroon pa nga ba o wala na?

O sadyang ako nalang ang naghahanap ng kahulugan nito at panay asa na lamang mula sa mga galawan at salita mo? Ano nga ba ang totoo? Alin nga ba sa mga iyon ang totoong pinakita mo. 

Hindi ko tuloy alam kung dapat na nga ba akong sumuko at tuluyan nang lisanin ang tinatawag naming hintayan. Pakiramdam ko kasi may iba na, mayroon na. Noon ay nagtanong sa'kin kung kakayanin ko nga ba kung magkaroon siya ng iba, hindi ko nasagot ang tanong na iyon pero naiwan iyon sa isipan ko hanggang sa mahintay ko mismo ang sarili kong masagot 'yun.

Kaya ko nga ba? kakayanin o hindi?

Hindi kona siya mabasa tulad ng dati. Ang mga dating tinginan na ngayo'y nag-iiwasan na lang. Mga bawat sandaling magkasama na ngayo'y hindi na tulad ng dati.

Kasalanan ko ba? o kasalanan naming pareho?

Masyado ba akong naging harsh kaya tuluyan siyang lumayo at makahanap ng iba? 

Hindi ko alam, hindi ko na rin alam.

Ano pa nga bang point kung magsi-sisihan pa? kung wala na rin naman.

Ang hirap sagutin ng mga tanong hindi ko rin naman nagawang itanong sa'kanya. Ano ba kasi ang gusto mo, Imogen? Pinili mo lang naman 'yung tama, hindi ba? 

Pero naging dahilan ng sitwasyon niyo ngayon. 

Bakit ba kasi napakahirap sumaya nang walang inaalalang iba? Ganito ba talaga kapag kasiyahan mona ang nakasalalay? Kailangan ba talagang parati tayong mamili?


January 11, 2011 At 2:34 AM

"Anak, hindi mo ba alam na nag-lay down na ng intentions sa iba si Dante?" Hindi ko alam pero para akong mababaliw sa sakit at pinilit na huwag maiyak sa narinig. 

"Hindi Ma, pero alam kong may iba na." Nakangiting sagot ko sa'kanya mula sa tawag. Sandali pa kaming nagsalita ni Mama Lei sa tawag bago tuluyang mag-paalam na sa isa't-isa.

"Sure ka bang okay lang sa'yo?" Tanong niya pa. Tumawa naman ako.

"Oo naman, masaya nga 'ko para sa'kanya. Naiintindihan ko na nandun na siya at wala pa 'ko roon." Pilit akong naging matatag, "Deserved niya 'yun."

"Okay lang ako." Matapos ang tawag na iyon ay agad kong nayakap ang mga tuhod ko at sinubsob roon ang mukha ko. Doon ko lang binuhos ang lahat nang wala na'kong kausap. Basta na lamang nag-slideshow sa isipan ko ang lahat ng memoryang magkasama kami. 

Bakit ang sakit?

Bakit tinuloy ko pa kahit alam ko namang dito papunta ang lahat? Bakit hinayaan ko? Bakit hinayaan ko siyang saktan ako ng ganito?

Bakit hindi ko kayang wala siya?

Bakit kahit alam ko namang meron ng iba, bakit ganoon pa rin kasakit?

Napangiti ako habang lumuluha. 

Tangina, masayang-masaya ako para sa'kanya. Pero bakit iniwan niya akong mag-isang naghihintay doon sa hintayan namin? 

Dante, ang sakit sakit. Sobrang sakit kasi sobra din kitang minahal. 

Sobra akong nalulungkot at nasasaktan dahil sa isip nalang kita makakapiling, Dante. Sobrang sakit pero wala akong pinagsisihan sa mga naging desisyon ko, lalo na sa iyo.

Hinding-hindi akong magsisising mahalin ka. Lahat ng nangyari, handa akong maranasan lahat ng iyon kahit na ganito pa ang naging resulta. 


December 24, 2011

Naging mabilis ang pagdaan ng panahon mula nang huli kami magkita at magkausap. Hindi ko na namalayan. Ganun pa man, walang bawat segundong hindi ko naalala ang mga sandaling nagkasama kami. Torture, sobrang torture. Pero wala akong magagawa. 

'Every moment with him is a memorable for me.'

Ang hirap burahin ng isang bagay na kahit na mismong puso at isip mo ay umaayaw. Masyado na silang nasanay na andun siya. Kahit nga sa panaginip ay naroon siya, kahit saan ako magpunta, naroon din siya. Saan nga ba lulugar ang wasak na pusong nangungulila para sa'kanya? 

Pero sa nagdaang buwan na lumipas ay kahit konti, naging okay rin ako.. kahit papaano. Mahirap. Sobrang hirap kalimutan ang mga bagay na nakasanayan mona, pero siguro nga ay kailangan din nating tanggapin na lahat ay may hangganan at may panghabang buhay. Sadyang naroon lang siya sa may hangganan kaya't hindi siya nagtagal.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. Hindi madaling makalimot ang isip lalo na ang puso, lalo na kung ito ang nagbukas ng pinto para sa'kanya upang mamuhay roon ng matagal. Baka nga umasa lang din talaga kaming pareho na mamumuhay siya roon ng habang buhay.

Mahirap pero alam kong kakayanin ko. Tanggap ko naman na sadyang may iba nga lang na nakalaan para sa'ming dalawa. Kahit gustuhin man naming magkatuluyan sa habang buhay na ito ay sadyang hindi lang maaari ngunit sa susunod na habang buhay ay nasisiguro kong maging ang Bathala ay maaari na kaming pagbigyan nito.

Magpapasko na naman. Katulad ng dati ay umattend ako ng Service kasama ang mga kaibigan ko. Masaya ako dahil sapat nang nadyan sila kahit na wala silang alam sa nangyari. Nang matapos ang Service ay nagsimula namang magsilabasan ang mga tao at kabilang na rin kami roon. 

Nag-aasaran kaming magkakaibigan nang bigla akong magpaalam sandali at may kukunin lang sa loob ngunit bago pa man muli ako makapasok sa loob ay napatingin ako sa harapan at nakita siya, nakatayo habang nakatingin sa'kin. 

Bigla akong napangiti, iyong totoo. Ganun rin siya, ang totoong ngiting nakikita ko lamang sa tuwing magkasama kami, sa lahat ng biruan at tawanan na aming pinagsaluhan sa nakaraan. Kung dati rati ay ako ang kasama niya sa bawat Christmas Eve, ngayon ay iba na. 

Walang salitang namumutawi mula sa'ming dalawa at sapat na ang mga ngiti sapagkat parehas naming alam na tama ang naging desisyon naming pamamaalam sa isa't-isa. 

"Imogen!"

"Dante!"

Tulad ko na may kasamang iba, ay ganoon rin siya. Ang bago niyang makakasama sa pagbuo ng mga plano sa hinaharap at nasisiguro kong masaya na ito at ganoon rin ako para sa'kanya.

Muli kaming nagngitian hanggang sa dahan-dahang tinalikuran ang isa't-isa upang harapin ang bago naming simula.. ng wala na ang bawat isa. 

Mananatiling misteryoso ang pag-iibigan nating dalawa, Dante. Patunay na, hindi man alam ng iba o tago man ay parehas tayong naging masaya at kontento sa isa't-isa kahit pa man hindi tayo ang nagkatuluyan.  

Paalam, Dante.. 

Hanggang sa muli.     


THE END.

BASED ON TRUE EVENTS.


Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon