November, 2010
Appreciation Day.
"Oh, ngiti!!" Lahat naman kami ay nagsingitian sa camera ni Kuya. Panay lang ang mga biruan kasabay ng tawanan namin.
Ito na yata ang pinakabest among all of events ng pangkalahatang Volunteers eh. Pilit naman akong nage-enjoy eh. Actually nage-enjoy naman ako, hindi ba?
Napaupo na lamang ako sa mat na nakalatag mula sa damuhan para sa'min. Umunat ako at napatingin sa kalangitan tsaka napangiti. Ang ganda ng kalangitan, ang sarap pagmasdan.
Malawak ang field at napupuno ito ng mga taong nagboboluntaryo din mula sa Church namin, it's an Event for us. Naglaro ako sa mga palaruan and I even won some prizes from it! Tuwang-tuwa naman ako at naglaro sa basket ball na pang-timezone kaya lang may naglaro din sa tabi ko na naging dahilan para mapatingin ako dito. Natigilan ako nang makita kong si Dante pala ito, seryoso itong naglalaro. Hindi ko namalayang napatitig pala ako dito.
"Hoy, Imo! Maglalaro ka ba?" Biglang dinig kong tanong ni Ate Rie, napalingon naman ako dito at mabilis na ngumiti at tumawa.
"Oo naman!" Sagot ko tsaka sinimulan i-shoot ang mga bola hanggang sa magsawa ako at kusa nang hinayaan sa iba.
Nagsibalikan naman kami ng mga ka-usher ko sa mat nang sinabihan kaming magsisimula na raw ang event. Buong hapon ay wala kaming pansinan ni Dante, hindi ko rin alam kung bakit rin kaming nag-iiwasan. Baka kasi may makakita na iba? baka may masabi? O takot lang ako?
Hanggang sa maggabi at kainan na. Nag-ikot naman kami nila Zein para humanap ng makakain dahil hirap din kaming makapilli sa sobrang madaming pagpipilian. Idagdag mo pang bilang lamang ang coupons namin at kailangan namin itong i-budget. Astig diba? Parang totoong buhay lang.
Hindi solid 'yung nabili naming shawarma with rice. Nilapag ko lang muna sa mat 'yun at tumayo para bumalik sa bilihan ng mga pagkain. Bibili nalang akong milktea. Nakasalubong ko si Zein.
"Cyst, hinahanap ka ni Dante." Sabi naman nito. Kanina ko pa rin hinahanap iyon eh.
"Talaga?" Wala sa sariling nasabi ko.
"Ano ba 'yan kayo, naghahapan pa." Dinig kong komento nito na agad kong kinatawa. Ngumiwi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang Milktea-han na booth habang palihim na iniikot ang paningin para hanapin siya.
Bigla ko siyang nakasalubong sa daan. Pareho kaming natigilan at huminto sa sa tapat ng isa't-isa habang pilit nilalabanan ang mga bawat titig niya. Hindi ko alam sasabihin ko dahil wala naman akong sasabihin bukod sa, kumain na kaya siya?
"Imogen," Wala sa sariling sabi nito.
"Dante," Wala rin sa sariling sabi ko.
"Samahan mo sila Rie." Sabi nito.
"Hmm.." Pilit na ngiting pagtugon ko.
"Sige."
"Sige."
Sabay kaming umiwas ng tingin at tinahak ang daan na dapat na pupuntahan naman talaga namin noong hindi pa kami nagkasalubong. Tahimik akong pumunta sa bilihan ng Milktea-han at pumila. Bigla ko naman nakita si Mama Lei kaya sumingit nalang ako. Hehe.
Kumain naman kaming lahat ng tahimik at nilinis din pagkatapos. Pinagpag pa nga namin dahil lamusang kung kumain ang iba. Hmm..
Nagpatuloy ang event, kumanta ng worship songs, biruan ng Pastors and all. Lahat naman kami tuwang-tuwa sa naging regalo nila sa'min na tumbler, swerte dahil color black, favorite ko.
Nagpasya kaming magsipuntahan sa stage nang matapos ang event para makapagpicture ang buong Youth Ushering. Ngiting-ngiti naman kaming lahat, maging ang wacky namin ay paniguradong maganda ang kakalabasan dahil sa tuwang nararamdaman.
[Nw: Ang Awit Natin]
Hinintay ko silang maunang bumaba at makaalis. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Dante na hindi pa pala nakakaalis. Nagkatinginan kami at may bigla akong naisip. Bigla akong ngumiti sa'kanya at tinutulak siya pababa.
"Baba ka dali!" Natatawang sabi ko na may halong hiya at conscious na baka may makakita sa'min. Pilit naman niya akong nililingon.
"Ano ba 'yan, Imogen!!" Bulyaw niya, lalo naman akong tumawa nang bigla itong tumalon pababa imbis na gumamit ng hagdan na nasa gilid lamang.
Mabilis niya akong nilingon na nasa stage pa rin ngayon. Nakatungo ako habang tinitignan siya ng tumatawa. Mukha niyang hindi ko halos mailarawan.
"Bakit ka tumalon?" Tanong ko rito.
"Itutulak mo'ko eh." Sagot naman niya.
"Bakit ko naman gagawin 'yun? As if naman gagawin ko talaga." Sumimangot lang siya kaya tumawa ako. "Lapit ka dito." Sabi ko.
"Bakit? Ayoko nga!" Agad na sabi nito. Ngumiwi naman ako.
"Bilis na, salabay mo'ko. Hehe!" Nahihiyang pagsabi ko ng totoo. Tahimik naman itong pumunta sa harap ko at tumalikod. Agad naman akong napangiti.
Sumakay ako sa likuran niya habang nakangiti pa rin. Kinarga niya ako na parang wala lang, ganoon ba 'ko kagaan?
"Bilisan mo dalii, takbo!" Sabi ko pa sa'kanya, anxious dahil baka may makakita. Agad naman niya akong pinagalitan.
"Huwag! Mabagal lang." Natauhan naman ako bigla. Tama siya, 'wag na munang isipin ang iba.
Nasa dulo at likod pa ang mat namin kung saan niya ako ibababa. Nakakaba dahil nandon ang mga ilan sa nakakakilala sa'min at baka may masabi ang mga ito ngunit sa pagkakataon na 'to ay pinili ko.. siya, kami.
Tahimik kami habang pinagmamasdan ko ang paligid namin habang napapabuntong hininga minsan. Sana hindi na matapos ang senaryong ito. Handa akong ipagpalit ang kahit na ano para maranasan ulit ito.
Minsan naman ay napapatitig ako sa likuran niya at napapangiti nalang ng basta. Napakabagal ng lakad niya at maging ang oras ay ganoon din, tila ba nakikisama ito sa'min. Halos makabisado ko na nga ang likuran niya sa pagtitig. Humigpit ang pagkapit ko sa'kanya na para bang ayoko na siyang pakawalan pa. Napapalingon siya minsan at pakiramdam ko na ngumingiti rin ito katulad ko.
'Hindi ko kayang mawala ang lalaking 'to.'
April, 2011
"Para akong mababaliw sa kakaisip sa nakaraan.. at mas lalo akong nasasaktan sa isipang kahit balikan pa namin ay wala na rin naman." Tumingin ako sa'kanya. "I love him too much to the point that I'm so willing to lower my standards just to be with him."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]
ContoOur story seems to be a mystery to all of them, including me and him. A closed chapter that no one dared to read nor see, maybe out of fear. Will I able to do it?