IX

33 5 2
                                    


October, 2010

7:34 AM

Asado: 

2pm pa out ko eh

hintayin mo ba 'ko?

Siopao:

sge

kaso wala kong phone

pupunta pa naman akong school

hintayin nalang kita


Nang magtanghali ay umuwi muna ako. Hindi ko alam kung paanong sasabihin na nakauwi na'ko. Nakadestino kasi siya sa Boni Ave, malapit sa Mall roon na pinunatahan at kinainan namin dati. Malapit ang school ko roon kaya nung nalaman niya na pupunta akong school at nagsabi akong mga 1 pm pa naman ang alis ko ay sinabi niyang sabay nalang kaming pupunta sa Church para sa meeting. 

Pinuntahan ko muna si Zein sa kanila at sinamahan ito sa Guadalupe para tumingin at bumili ng uniform. Ayoko naman kasing mangabandona, kaya hanggat kaya pagsabayin sa oras ng kaibigan at sa'kanya. Humiwalay nalang ako pagkatapos at nilakad nalang mula roon hanggang Boni station para makipagkita sa'kanya.

 Umambon pa at dahil tamad ako, wala akong dalang payong. Nakasurvived naman ako hanggang sa makarating ng Mall. Medyo nagpatuyo muna ako bago pumunta sa hintayan namin. Nung pumunta ako ay wala pa siya kaya naman naghintay pa 'ko ng ilang minuto. Natatakot naman ako na magkasalisi kami at hindi makapagkita kaya talagang hindi ako umaalis sa pwestong sinabi niya. Nakita ko naman mula sa labasan na umuulan na ng malakas.

Palihim naman akong napangiti habang pinapanood siyang bumaling sa kaliwa't kanan para hanapin ako. Napangiti naman siya ng dumapo ang paningin niya sa gawi ko. Pumunta ito sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Baho!" Nakangiting sabi niya. Namiss ko 'yang pagtawag niya sa'kin ng ganoon at maging ang mga ngiti at tawa niya ay namiss ko rin.

Nakaramdam ako ng antok at pagod mula pa ng umaga pero pinilit kong magising ang diwa ko at pakinggan ang mga kwento niya. Bitbit ko pa ang lunch bag niya habang naka-akbay ito sa'kin. 

Masaya naman kami. Wala yatang segundo na hindi kami tumatawa at nage-enjoy sa mga bagay na nakikita namin dalawa. Kapag yata nawala sa'kin 'tong mabantot na 'to ay baka hindi ko kayanin. Ini-imagine ko palang, parang naiiyak na'ko sa kawalan. 

Ganito ba talaga kapag nagmahal? Nasasaktan? Hindi ba pwede puro nalang saya? Wala nang sakit? Pakiramdam ko ay hirap na hirap na ako gawin palagi ang tama kung kapalit noon ay ang kakarumpot na kasiyahang mayroon ako. Mahirap, ang hirap.

I'm tired of being the person who's matured and understanding na kilala nilang lahat. Gusto ko nalang maging immature at mangmang iyong alam lang ay ang tama sa mali ngunit wala pang tama sa kasiyahan.

"Kumain kana ba?" Biglang tanong niya, tumango naman ako.

"Kanina, bakit? hindi ka pa ba kumakain?" Balik tanong ko sa'kanya.

"Kumain na rin naman pero nagugutom ako pero mamaya na tayo kumain." Sambit niya.

"Okay poo." Sabi ko nalang.

Nung tumila na ang ulan, nagpasya na kaming umalis na. Dumiretso naman kami sa parking. Nang makarating kami sa motorsiklo niya ay kinuha lang niya ang bag na dala ko at ilagay sa lagayan niya sa likuran tsaka inabot ang helmet kaso inamoy niya pa ito at nag-alangan na ia-abot sa'kin. 

"Bakit?" Tanong ko sa'kanya. Mukhang nahihiya siya at nalagbas pa ng cologne at pilit na pinapabanguhan ang helmet. 

"Ang baho eh, kasing baho mo." Sagot nito habang inaamoy-amoy 'yung loob at pilit tinatancha ang amoy nito. Ngumiwi naman ako.

"Ayos lang 'yan. Akina." Sabi ko. Sinuot ko naman ito agad pero hirap akong i-lock. Ano ba 'to? 

Naramdaman ko naman na lumapit siya at siya na rin mismo ang naglock nito. Gaya ko ay nagsuot narin ito ng helmet at sumakay. 

"Wait lang baho, 'wag ka muna sumakay." Sabi nito at inatras ang motor at inayos. "Okay, go." Sinunod ko naman siya at mabilis na sumakay tsaka kumapit sa likuran.

"Saan ka nakakapit baho?" Mabilis na tanong niya nang wala siyang maramdaman.

"Sa likuran? Bakit?" Agad na sagot ko.

"Huwag diyan baho ka, dito ka kumapit." Inabot niya 'yung dalawang kamay ko at niyakap sa'kanya. "D'yan ang safe." Natawa naman ako habang nahihiyang yumakap sa bewang niya.  

Inabot niya naman 'yung card na panginsert sa paglabas. Nagbayad muna kami ng parking at tuluyang lumabas ngunit napahinto sa may harang.

"Pasok mo na, baho." Utos niya na agad ko naman sinunod. "Ngiti ka baho!" Nagtaka naman ako nung una pero agad ko rin nagets at sinabayan ang trip niyang ngumiti sa camera. Lumabas ang picture namin at pareho kaming natawa bago nilisan ng tuluyan ang lugar na iyon. 

Habang nasa daan kami ay panay ang lingon ko sa daan habang pinipigilan ang pangiti ko. Napapansin ko naman ang minsan pagsulyap niya sa'kin mula sa side mirror ng motor niya. Nararamdaman ko rin ang bawat pagngiti niya kaya pati ako ay napapangiti nalang rin.

"Ang ganda ng sunset." Komento ko habang nakatingin sa papalubog na araw. 

"Mas maganda ka."Dinig kong bulong niya. 

Nang makarating kami ay dumiretso kami sa may basement para magpark kami. Inalis ko ang helmet ay pinaamoy ang buhok ko.

"Amoy araw ka, bho. Ang baho mo!" Natatawang pangangasar niya. Napabusangot naman ako. 

"Hoy, naligo ako 'no." Inis na sabi ko sa'kanya. "Suntukin kita eh."

Pagakyat namin sa taas ay wala pa sila kaya nagpasya kaming mag-ikot na muna at bumalik rin pagkatapos. Umupo ako dahil sa antok at pagod at basta na lamang inihiga ang ulo ko sa lamesa habang siya naman ay umupo sa gilid ko. 

Nilabas niya 'yung lunch bag niya at naglabas ng mga biscuits doon. Napangiti naman ako bigla. Ang cute talaga nito. 

"Oh, kain, baho." Sabi niya. Tumango lang ako at inabot ang isa saka ito kinain ng tahimik habang pinagmamasdan siyang manood ng anime mula sa phone niya.

"Tulog muna 'ko," Paalam ko at basta nalang nakatulog.

Naalimpungatan ako nang gisingin niya ako bigla, "Nagugutom na'ko baho, kain muna tayo. 9 pa raw sabi ni Kuya Oli." Tumango naman ako at napatingin sa paligid. Gabi na pala. 

Pumunta kaming Mall na nasa tapat lang at dumiretso sa baba, sa may foodcourt. "Ay! May alam akong mura at masarap!" Biglang sabi ko nang maalala ang pinagbibilhan ko sa tuwing break time ko nung nagtratrabaho pa'ko. Yep, I already resigned dahil mag-aaral na'ko ulit.

Hinila ko naman siya roon. 50 pesos lang kasi tas ang sarap pa. Pinili ko 'yung chicken nuggets at sinabing teriyaki ang sauce. Siya naman shanghai ang pinili. Wala kaming nakitang upuan kaya nanatili nalang kaming nakatayo at buti nalang may mataas na lamesa pa. Doon nalang kami kumain, katulad ng dati ay nagpapalitan kami ng ulam.

"Oo nga, ang sarap nga baho," Agad na komento niya. Ngumiti naman ako ng malawak, nagmamalaki.

"Oh diba? Sabi sa'yo eh." Nakangiting sabi ko. I don't share food pero para sa'kanya, I'm willing to share anything. Ganoon siya ka espesyal sa'kin.

Mas lalong tumataba 'yung puso ko sa maliit na eksenang 'yon. Mararamdaman mo ang kasiyahan at pagiging kontento sa maliliit na bagay. Sana hindi na matapos ang meron kami.


To be continued...

Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon