October, 2010
A week before the Appreciation Day...
4:05 PM
Asado:
San kana baho?
Antagal mo
Siopao:
Dito na
Kabado ako habang paakyat papunta sa kinaroonan nila, kung nasaan sila Dante. Kinakabahan ako at talagang hinintay ko pa si Bon makarating muna dahil hindi ako komportableng makita si Mama Lei. Hindi pa kami ayos simula nang mangyari iyon at ayoko na munang isipin dahil nalulungkot lang ako sa thought na wala siyang ginagawa para maayos iyon.
I did my part as I also did my best to fix our friendship. Maybe, it would be the end of it, I guess. Who knows? After all, I don't judge people. I'm just a kind of person who's always trying to understand them. I get tired, you know?
Ayoko sanang pumunta pero hindi ko pa ring matiis na hindi siya makita at maisipan na sumubok muling makipag-ayos. Kaibigan ko pa rin siya, mag-kaibigan pa rin naman kami, hindi ba?
Ang hirap maglet go lalo na kung sobrang importante sa'yo.
Pag-akyat namin ni Bon ay nauna siyang pumasok at huli naman ako. Narinig ko pang nagsalita si Dante na tila may hinahanap.
"Si Imogen?" Agad akong napangiti kahit saglit lang.
Pagpasok ko ay agad bumungad sa'kin ang mga tingin niyang hindi maipagkakaila ang paghahanap sa'kin. Nagkatinginan kami na para bang gusto namin lapitan agad ang isa't-isa, mag-usap.. pero hindi. Hindi pwede. Madami makakakita. Napailing ako at umupo na lamang sa bakante at tahimik silang pinanood sa ginagawa nilang paggawa ng shanghai.
Minsan ay nakikitawa rin ako sa jokes nila at minsan rin ay ako ang nagpapasimuno ng kalokohan ngunit mas maliwanag pa sa papalubog na araw na hindi ako okay. Minsan din ay nagkakatinginan kami ngunit nag-iiwasan rin naman sa huli. Duwag.. ayun yata kami.
Napabuntong hininga ako. Nakakapagod rin pala.
Pero ang makita siya ay tila nakakalimutan ko rin ang mga iniisip ko kahit papano. Ganoon siya kalakas. Maging ang loob ko ay napapagaan niya kahit na wala pa siyang ginagawa. Nakakapagtaka nga, bakit never yata akong nadisappoint sa taong 'to? Ganoon ba talaga pag gustong-gusto mo ang isang tao?
Nang matapos sila ay nagpresinta akong maghugas dahil nahiya rin ako dahil halos ako lang ang walang nai-ambag. Hehe, sorry naman. Hindi kasi talaga ako naluto. Tinulungan naman ako ni Bon. Nagsi-akyatan naman ang iba sa rooftop nila Mama Lei habang naiwan Ako at si Dante.
"Hilutin mo'ko! Dali na, Baho! Hahahaha! Wag, masakit!" Mas dinaganan ko pa ang likod niya or more like inupuan. Hay, hindi ko maitanggi natatawa rin ako sa pinanggagawa namin habang ang iba ay nasa taas lang.
"Sabi mo hilot eh," Pangangasar na sabi ko. Nanggigil naman ang mokong.
"Hilot, Baho, hindi dagan!" Naiinis pero natatawang sabi niya nang simulan ko siyang kilitiin. May kiliti pala 'tong mabantot na 'to.
Tawa naman ako ng tawa habang pinapanood siyang sumama ang tingin sa'kin pero kung minsan ay bigla ring ngingiti. "Baho mooo.."
Napangiti lang rin ako habang nakadagan ako sa likod niya. Alam kong mabigat ako pero bakit kaya hinahayaan niya akong dumagan sa likuran niya? Bipolar talaga. Tinuloy ko naman ang pagsuntok-suntok sa likuran niya este paghilot.
BINABASA MO ANG
Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]
Short StoryOur story seems to be a mystery to all of them, including me and him. A closed chapter that no one dared to read nor see, maybe out of fear. Will I able to do it?