December, 2010
Christmas Party..
Lahat halos nagkakatuwaan sa mga naging palaro. Nag-eenjoy rin naman ako kaso magkateam na naman kami. Ulit. Lagi nalang.
Hindi ko siya pinapansin pero kahit ganoon ay lumalapit pa rin ito minsan para sumubok kulitin at kausapin ako pero hindi ko siya hinayaan. Pero sa loob-loob ko lang ay sobrang gusto ko na siya ulit makausap at makabiruan tulad ng dati.
Ang hirap tapusing ang isang bagay na wala namang pagtatapos, sa halip nag-iwan ng sankadamakmak na katanungan sa isipan at puso na kailanman ay hindi alam kung masasagot pa nga ba.
Ang hirap.
Napakahirap diretsuhin kung ikaw mismo ay takot ding marinig ang katotohanan mula sa'kanya. Kaya sa huli, duwag pa rin. Naduduwag pa rin.
Nang magsi-ikutan ang lahat para magbigay ng mensahe para isa't-isa o sa mga taong gusto mong pasalamatan o kaya naman may gusto kang sabihin sa taong ito. Madami akong nakausap at halos lahat ng iyon ay umiyak kaya naman natatawa ako dahil naiiyak narin ako noon.
Nung magkatinginan kami ay parehas namumula ang mga mata namin sa kakaiyak da hil sa mga taong lumapit sa'min para lang magpasalamat at magbigay ng napakagandang mensahe. Nakakatuwa ang mga puso nilang kay sarap alagaan.
Lumapit ako sa'kanya. Balak ko ng umamin para matapos na sana. Baka dahil hindi ako maka-move on kasi hindi ko pa nasasabi ang deserved niyang malaman. Gusto kong magsorry, sa lahat.
Bago pa man ako magsalita ay bigla niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit na siyang kinagulat ko ng sobra pero kalaunan ay hinayaan ko lang ito at niyakap rin pabalik. Naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko.
Pero sana hindi amuyin, taena hindi ko napaliguan ngayong araw eh. Sorry naman.
Nung pinakawalan niya ako ay hinarap namin ang isa't-isa at nag-usap pero sa pangalawang pagkakataon at niyakap na naman niya ko muli. Biglang nagsidatingan ang iba pa at parehas kaming kinausap para bigyan kami ng magagandang mensahe kaya't hindi ko nasabi kay Dante ang gusto ko sanang aminin.
Christmas Eve..
Buong maghapon na naman kami magkasama simula noong sinundo niya ako mula sa bahay namin. Suot-suot ko ang jacket niya dahil malamig sa Mall kahit pa na nakalongsleeve ako o baka dahil gusto ko lang talagang suotin. Sa lahat ng amoy, kanya lang din ang gusto ko.
Nag-ikot lang kami sa Mall para magtingin ng phones, magpapalit na kasi siya dahil sira narin ang kanya at ako naman ay ganoon din.
Noong palapit nang maggabi at dumating na ang eksaktong oras para umattend ng service ng christmas eve. Nang dumating kami roon ay umupo na muna kami sa isang tabi habang hinihintay ang next service na plano naming daluhan.
Panay lang ang pangungulit sa'kin habang nagphophone ako, minsan ay sinusuot niya sa'kin ang cap niya. Hinahayaan ko nalang at palihim na napapangiti sa mga bawat galaw niya. Nagpho-phone ako pero asahan mong nasa kanya pa rin ang atensyon ko. Sadyang ayoko lang magpahalata sa harapan niya.
Nang matapos ang service ay pumasok narin kami maya-maya at hinintay ang iba. Ganito kami, hindi lang kami 'yung dalawang aattend kundi mag-aaya pa kami. Alam kasi naming pareho na mas mag-eenjoy kami kung mas marami. In short, those short time na magkasama kami ng kami lang ay enough na 'yun for us para magshare naman ng time with our friends.
Ilang minuto ang lumipas at nagsidatingan sila Jeyps. Bali, lima kami. Nakita rin namin ang ibang ka-ushers namin na malalapit lang ang upuan mula sa'min ngunit ang iba sa kanila ay kasama ang mga family nila kaya naman hindi na namin inayang umupo pa sa tabi namin.
Magkatabi kami ni Dante habang katabi nito sila Jeyps at sa gilid ko naman ay si Bon. Sabay-sabay kaming sumamba sa Panginoon at nakinig sa preaching ni Pastor James. Sobrang dami ko namang natutunan mula rito at paniguradong mababaon sa buhay.
Nagwatak-watak muna kami simula nang magsi-ayaan sila sa'min. Noong una ay naghesitate muna ako dahil hindi ako talagang nagpapapunta sa Bahay namin. Dahil walang kasama sila Bon na magpapasko ay pumayag na rin ako. Mas marami, mas masaya.
Si Dante kasi napakakulet. Siya ang namilit na pumunta sa'kin, kinabahan pa nga 'ko kahit hindi ko naman siya Boyfriend. Iba pa rin kasing aware kang may feelings tapos baka mameet pa siya nila Papa. Yari talaga. Marami rin naman kami kaya malilito muna sila bago nila malaman dahil lahat naman sila ay very close ko.
Nakamotor kami ni Dante na pumuntang bahay pero bago pa man iyon ay bumili na muna kami ng paper plates at plastic spoons and forks dahil legit, ayokong maghugas. Nakakatakot, legit 'yung kaba kapag nakita mo hugasin namin sa bahay. Tinalo pa restaurant sa tambak.
Nauna kami at sinalubong nalang sila Zen na makarating at sabay-sabay nalang din kami pumasok. Syempre nagkahiyaan muna at nagkwentuhan na lamang habang wala pang kainan dahil hindi pa naman Pasko. Pero nung binigyan ko si Dante ng Spaghetti na nasa plato pa mismo namin at hindi paper plate ang gamit, pinanliitan nila ako ng mga mata. Mga matang mapanghusga at sinasabing bakit si Dante?
Kaya naman sa huli ay napilitan akong bigyan din ang iba sa kanila. Mga hayop na 'to. Hindi magsipagtahimik eh. Minsan pa nga ay inaasar nila ako kay Dante, palibhasa may mga ideya na sila. Yung bunso kong kapatid na baby pa ay ang isa sa pinakamahirap na amuhin sa lahat, lagi itong masama ang tingin at hindi basta-basta ang pagsama sa ibang tao.
kahit sila Zen na lagi niyang nakikita ay hindi rin naubra. Napangiti ako ng nakakaloko nang subukan nila Bon na paamuhin ito ngunit hindi magawa. Binulungan ko bigla si Dante at sinabihan na sasama ito sa'kanya kung isasakay niya sa motor niya. Oo, sa mismong motor. Sumasakaya ng baby na 'yan sa ganoon at natutuwa. Lagi kasi itong sinasakay ni Papa sa motor namin bago pumasok sa trabaho kaya ayan.
Nung una, hesitant pa si Dante at maging ako pero nung narinig niya na kasama naman ako sa sasakay ay agad na rin itong pumayag. Lumabas kaming tatlo saglit at pinagana ni Dante ang makina ng motor niya saka siya sumakay rito. Sumakay na rin kaming dalawa ng kapatid ko sa likuran niya at saka pinaandar ng tuluyan ni Dante ang motor niya.
Tuwang-tuwa naman ang tyanak at humahagikgik pa. Napapangiti rin ako at sumasabay sa pagtawa ng baby kong kapatid habang si Dante naman ay napapalingon at sinisiguradong safe kami pare-pareho. Legit 'yung saya kapag kasama mo 'yung mga favorite people mo.
Bumalik rin kami at pinark sa tapat ng bahay ang motor niya. Pinabuhat ko sa'kanya ang kapatid ko at mabilis itong sumama na siyang kinagulat ng lahat, lalo na si Zen na kanda hirap sa pagpapaamo nito. Tumawa lang ako nang makapasok kami.
Ito na yata ang pangalawa sa pinakamasayang paskong dumaan sa buhay ko, 'yung una kasi ay 'yung nakaraang unang paskong nakasama ko siya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]
Short StoryOur story seems to be a mystery to all of them, including me and him. A closed chapter that no one dared to read nor see, maybe out of fear. Will I able to do it?