September, 2010
Sinamahan lang niya ako saglit sa bangko tapos nag-ikot na kami sa Mall. Iniisip namin kung saan ba kami pupuntang dalawa. Ayaw naman niya sa Mercado del Lago, malayo daw at baka maligaw kami.
Bumili nalang ako ng fried ice cream, nagshare nalang kami. Muntik pa akong dungisan ng loko. Naramdaman kong nagvibrate 'yung phone ko kaya binigay ko na muna kay Dante at siya ang lumantak nung ice cream. Kunyari pang ayaw niya. Napangiti nalang ako habang napapailing-iling.
Nakita kong nagmessage sila Faith na nasa Mall rin daw sila, classmates ko nung Highschool. Excited naman ako kaya hinila ko si Dante papunta sa kung nasaan man sila. Nagpaiwan pa ito sa labas ng Fast food chain kaya ako lang ang pumasok at bumati sa dalawa.
"Faith! Izza! Kamusta?" Bungad ko sa mga nakangiti nilang mukha.
"Te, sino 'yung kasama mo?" Usisa ni Izza. Natawa naman ako.
"Siya na ba si Mr. the one mo? Yieeee!" Pangangasar ni Faith habang napapatingin sa labas at pilit sinisilip si Dante. Ngumiti lang ako. "Pakilala mo naman kami!" Napakamot naman ako sa batok ko.
"Nahihiya eh." Nakangiwing sagot ko. "Sige na, magdate pa kami. Char!" Pagbibiro ko pa.
Nagroadtrip nalang kami at nagpunta sa kung saan-saan hanggang sa dinala niya ako sa isang mamihan. Kumain kaming dalawa ng tahimik, himala nga hindi nangungulit. Nag-ikot pa kami hanggang sa may nakita kaming kwek-kwekan. Hininto niya sa tabi at lumamon na naman kami sa pangalawang beses.
Nung maggabi na ay nagpababa lang ako malapit sa bahay ng kaibigan ko, mukhang nagtampo kasi kaya balak ko sanang kausapin kahit ayaw ni Dante dahil gabi na at nag-aalala siyang baka mapagalitan ako nila Mama.
Hindi sumasagot 'yung kaibigan ko kaya feeling ko na hindi pa yata ito nakakauwi at wala pa sa kanila. Traffic pa naman. Sa huli ay nagpasya na lang akong umuwi nalang. Hinintay naman ako ni Dante na makasakay. Kaso ang hirap at wala talagang masakyan. Paglingon ko ay nakita kong umayos ng tayo si Dante mula sa pagkakasandal at kinuha ang helmet na pinapagamit niya sa'kin. Ngumiti ito at tinawag ang pangalan ko.
"Tara na, Bho. Wala kang masasakyan diyan, hahatid na kita." Halos mangiyak-ngiyak naman akong sumunod. Save din sa pamasahe, hehe.
"Wooooh! Hahahahaha!" Natatawa ko naman siyang tinitignan habang nasa daan kami. Binibilisan niya pa para mas lalo akong mapayakap. Baliw talaga. "Bahu muuuu!"
"Mas mabantot kaaaa!" Inis kong pagganti sa'kanya kaso natawa lang siya.
Hinatid nga niya 'ko katulad ng sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Masyado akong kinikilig. Wala na bang mas ihahaba ang oras? bitin. Masyadong bitin. Gusto ko pa siyang makasama.
Siya na mismo ang nag-alis ng lock ng helmet na suot ko. Pinapauna niya 'ko pero tumatanggi ako at sinasabing siya na muna ang mauna.
"Sige na, mag-ingat kayo. Thank you, Bantot." Nakangiting sabi ko at pinanood muna siyang maka-alis.
Halos mapatili ako sa sobrang pagkakangiti. Bawat segundo yata na kasama ko siya ay hindi pwedeng hindi ako kiligin eh. Ang lakas yata ng epekto niya masyado. Ano bang pinakain niya sa'kin?
Gusto ko na ba siya?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Sa tuwing nakikita ko siya, sa bawat malalalim na titigan, nahuhulog ako. Sobrang nahuhulog ako. Pero paano niyang nagawang suyuin ang hirap kong pusong magmahal? Masyado ko nga ata siyang minaliit. Nalagpasan niya ang higit pa sa inaasahan ko.
Everytime that I will see him, gusto ko nalang biglang tumalon sa building dahil sa kilig. Hindi ko namamalayang naco-concious ako sa mukha ko, sa ayos ko at talagang nagpapaganda pa'ko minsan. Pero he made me feel like it was okay to being just like this. Tanggap niya sa paraan tinanggap ko rin ang lahat ng flaws niya.
Bawat araw na lumilipas, hindi man magkausap, wala pa man siyang ginagawa pero bakit parang mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa'kanya? Ganon ba talaga ang pagmamahal?
Hindi ko pa nararamdaman ang mga ganitong bagay sa isang lalaki. Hindi ako pamilyar sa ganitong damdamin at batid kong napakadelikado na ng tinatahak nito pero isa lang ang nasisiguro ko, sana hindi na matapos ang nararamdaman kong ito.
Ilang taon na nga ba ang lumipas noong simula nang makilala ko ang lalaking 'to? bakit napakabilis at parang ayoko nang matapos pa.
I don't pray for a specific man but for him, I'm willing to do it everyday, just for us to be together till the end of this lifetime.
Dumating 'yung oras na tinatanong niya ako kung ano bang nararamdaman ko but I always chose to denies it as much as possible. I wanted to keep him as I don't wanna lose him.
"Bakit kasi hindi mo inaamin, Imo?" Wala sa sariling sabi ni Daphe. Tinignan ko naman siya na may kunot na noo. Nananaginip ba 'to?
Pero sana nga panaginip nalang ito, dahil gusto ko nalang managinip. Yung kami lang at wala ng iba. Walang iniintinding sitwasyon at iniisip ng ibang tao.
"Gusto mo ba siya? bat mo pinapaasa?" Napatingin ako sa tulog na nagsasalitang Daphe.
"Hindi ko siya gusto.." Patol ko na lamang.
"Eh? Baliw pala 'to eh. Teka sino ba kausap ko? Hala nababaliw na ata ako." Nananaginip nga ang gaga. Bigla naman akong napatingin sa wallpaper ng phone ko, picture naming dalawa na kuha ng iba.
"Mahal ko siya, mahal ko si Dante."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mystery of Love [Book 1 of 2] [Completed]
Short StoryOur story seems to be a mystery to all of them, including me and him. A closed chapter that no one dared to read nor see, maybe out of fear. Will I able to do it?