Kabanata III

14 0 0
                                    


Glaidyl's POV


Nagkukwentuhan kami ngayon ng mga kaibigan ko. Nakagawa na kami ng bonfire namin kani – kanina lang. pinag – uusapan namin yung buhay kolehiyo namin. Magkaka – iba kasi kami ng paaralang pinapasukan ngayon. Medyo nakakamiss nga yung mga panahong nasa high school kami. Kami kasi yung grupong kalog. Kung anong trip ng isa trip ng lahat. Nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni – muni hanggang sa...


"Guys hindi ba kayo nagwa – wonder dun sa sinabi ni manong kanina?" tanong ni Heather.


"Well honestly ako, medyo curious din ako. Paano kaya nila nasabing may diwata nga dito ehh wala namang kakaibang aura akong nararamdaman." Komento naman ni Pearl.


"Oo nga naman. Kilala niyo naman ako diba? Matatakutin akong tao but I didn't find this place as creepy as those in the movies." Opinion naman ni Mavhie.


"Alam niyo naman tayong mga Pilipino. Ang dami dami nating pinaniniwalaan. We are very superstitious. And it's part of our culture." Komento ko naman.


"Touché." Si Heather.


"Wag na nga nating isipin yan. Maglaro na lang tayo. We came here to enjoy remember?" Pagputol ko sa curiosity namin.


"Sige. Truth or Dare." – Pearl.


Nasa kalagitnaan kam ng paglalaro ng biglang may narinig akong parang kaluskos hindi malayo sa pwesto namin.


(sssssshhhhhhhkkkkkkkkkkk)


"Guys did you hear that?" Tanong ko sa kanila.


"Hear what?" Ayy nako Mavhie maganda ka na sana kaso 'bungol' ka lang. Hanggang sa nasundan pa ng ilang mga kaluskos.


"Ohh shit. What was that? Eto na ba ang sinasabi ni manong?" – Pearl.


"Gossshhhh. Makikita ko na ba ang diwata?" Excited na tanong ni Heather.


"Shhhhhhh. Wag muna kayong maingay. Parang tao kasi talaga yung narinig ko ehh." Sabi ko naman sa kanila.


At ayun nga. Tumahimik kami ng ilang sandali until nakarinig kami ng isang sigaw. Hindi gaanong kalasan, sakto lang para marinig namin. Bigla naman kaming nagkatitigang apat na parang nagtataka. Out of my curiosity, sinundan ko kung saan nanggagaling yung tunog.


Naririnig ko silang tatlo na pinipigilan ako pero hindi ako nagpaawat. Nagtuloy – tuloy ako at palapit ng palapit ang ingay na parang nasasaktan na ewan. Naramdaman ko naman yung tatlo na sumusunod sa akin. Palapit kami ng palapit at nakakita kami ng babaeng nakahandusay sa lupa. Hindi naman siya duguan but she looks hurt.


Nilapitan namin siya para icheck kung napano ba siya pero paglapit namin ay nabalot kami ng puting liwanag. Split seconds and I feel like I am falling. Parang may bumukas na lagusan at nahulog ako doon. Hindi ko na alam ang nangyayari.

Juvelynaticsxz High: The Lost TribesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon