Kabanata V

10 0 0
                                    



"Learn to listen and absorb it with deeper comprehension"

–zjampanget


Kenneth's POV

Glaidyl woke up early. Hindi na ako magtataka. Siya na lang sa kanilang apat ang hindi pa nalalaman kung ano ang element niya. She's running out of time. Bukas ay pasukan na at hindi ka pwedeng pumasok pag hindi mo pa alam ang element mo. I can see frustration in her face.


Ang pinakahinahangaan ko sa kanya ay she's trying very hard. Grabe ang fighting spirit niya and she's very positive. Alam kong hindi matatapos ang araw na ito ay malalaman na niya ang element niya. 


Siguro hindi niya napapansin pero simula pa lang iba na ang awrang nararamdaman ko sa kanya. I know she's strong but there is something that's holding her back. Hindi ko nga lang alam kung ano.


Hindi lang naman kasi konsentrasyon ang kailangan dito. You also need to accept the power you possess. Don't doubt yourself, don't question yourself just accept it. Ganun lang and I can see that she's already accepting it.


Maya maya lang ay pumunta si Mavhie sa amin para magpaalam. Pupunta daw silang town kasama si Headmistress. 

Mabuti na din siguro yun para wala siyang distractions. Makakapag focus siya ng maayos at hindi na niya alalahanin pa ang mga kasama niya.


Hours had past at nakaramdaman ako ng kakaibang enerhiya. Isang mainit na sensasyon at nakakapaso. I prepared myself. Baka may intruder.


"Ahhhhhhhhhhhhhhhh." Glaidyl shouted. Napatingin naman ako sa kanya. Her hair is already changing. It's turning red. At doon ko nakompirma na sa kanya nanggagaling yung mainit na sensasyon.


Ng bigla na lang siyang umapoy. Nagliyab bigla ang kanyang katawan. She's a fire element user. At malakas siya. The problem is she's unable to control her powers. Nabahala ako bigla.


Nasunog ang damuhan kung saan siya nakaupo. Pati ang malapit na mga puno ay nagliyab. Lumayo ako bahagya sa kanya at ikinulong siya sa isang water cube. Nag – aapoy pa rin siya. Oo aaminin ko. I don't know what to do.


Lumipas ang ilang minuto at ganun parin siya. She's in the same state. Nag – aapoy pa rin. Nag – umpisa na akong kabahan. I just can't use my powers to her because it might hurt. Masyadong matalim ang molecules ng mga tubig ko. Masusugatan siya.


Ilang sandali pa ay dumating na din sila Headmistress. Sinabi ko din sa kanya ang mga nangyari bago sila dumating. I was a bit scared. Gulat naman ang ekspresiyon ng tatlong kaibigan ni Glaidyl. Halos nagtatanong ang mga mata nila.


Palipat – lipat ang tingin ko kay Glaidyl at Headmistress. Alam kong may magagawa si Headmistress tungkol sa sitwasyon ni Glaidyl but she's doing nothing. 


Nakatitig lang din siya kay Glaidyl. Gusto ko siyang tanungin kung bakit wala pa siyang ginagawa pero hindi ko na lang yun pinansin. I know she has her reasons.

Juvelynaticsxz High: The Lost TribesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon