"The world is already polluted with hate and anger, wag mo nang dagdagan pa."
–zjampanget
Glaidyl's POV
Maaga akong nagising ngayon. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi kakaisip kung ano ang gagawin namin ngayon. I was a bit worried dahil hindi sanay sa low profile si Mavhie. She's a model. Sanay siya sa lime light and how can she adjust in a world where her greatest fantasies exist? Siguro naman magagawan namin ito ng paraan.
I checked the time and 5:10 am pa lang. Bumangon na ako at pumasok sa banyo para maligo. Good thing dalawa ang banyo dito. After kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at gising na din ang tatlo. Nagbihis na ako at nag – ayos ng sarili ko.
Malapit nang mag – alas sais at kailangan na naming bumaba. Tapos na din naman sa pag – aayos ang tatlo at ready na din silang bumaba. Suot namin ngayon ang aming mga uniporme. Kulay puting polo na long-sleeved ang panloob at pinatungan ng coat na ang kulay ay nakadepende sa kung anong element ang meron ka. As for me kulay pula ang coat ko, kay Pearl ay kulay blue, kay Heather ay kulay grey at kay Mavhie naman ay kulay green. May necktie din kami base din sa element color at may halong puti. Parang checkered kumbaga. At yung pambaba ay palda na kapareho din sa necktie na suot namin. At yung sapatos namin ay silver stilettos. Yan ang uniform namin.
Bumaba na kami dahil alam kong naghihintay na si Kenneth sa amin doon sa cafeteria. Nakuha na rin namin ang schedule ng klase namin. Nakapatong yun sa study table namin. Anim na araw ang klase at may pitong subjects. Ngayong araw ay dalawa lang ang subjects namin. History sa umaga at Physical Training sa hapon.
Nakababa na kami at hahanapin na sana si Kenneth sa napakaraming tao sa cafeteria ngunit tinawag kami nung matandang babae na nagbabantay sa bandang hagdan ng dorm, yung parang receptionist.
"Ahmm excuse me?" Tawag niya at lumapit naman kami sa kanya.
"Bakit po?" Ako na ang nag – atubiling magtanong.
"May ipinapabigay nga pala sa inyo si Mr. Coucke." Abot niya sa akin ng papel. Coucke? Sino kaya yun?
Agad ko namang binuksan ang papel at binasa ang nakasulat doon.
Let's meet at the Headmistress' office. See yah.
-Kenneth
So sa kanya pala galing ang sulat. At sa office ni HM? Asan naman yun? Nagkatinginan kaming apat dahil hindi namin alam kung saan yung office ni Headmistress Elaiza. Kaya naman tinanong ni Pearl yung matandang babae na ang pangalan pala ay Mrs. Barbz.
"Ahmm Mrs. Barbz, saan po ang office ni Headmistress?"
"Paglabas niyo dito sa building, may makikita kayong malaking building sa gitna. Pagpasok niyo doon ay may hagdan kayong makikita. The one on right ay papuntang library and the on the left ay papunta sa office ng faculty. Nasa fifth floor doon ang office ni Headmistress." Mahabang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Juvelynaticsxz High: The Lost Tribes
FantasyApat na babae. . Simpleng mga babae pero bakit sila napunta sa lugar na hindi nila inaakalang meron pala? Apat na lalaki. . Malalakas at hinahangan. . Susunod na tagapamahala ng kanilang nasasakupan. . Naburang kasaysayan. . Mga tribong binura ang...