Ikalawang Kabanata

739 46 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





CIELO VISTA—iyan ang pangalan ng lugar kung saan ako lumaki at hanggang ngayon ay nakatira. Ang ibig sabihin ng Cielo Vista ay “sky view”. Iyan ang pangalan ng aming lugar o maliit na baranggay dahil medyo mataas ang lugar na kinaroroonan namin. Sabi nila, mas malapit daw kami sa langit at mga ulap kaya ganoon. Dito rin lumaki sina Mama Vi at Papa Duts. Dito sila nagkakilala, nagka-inlab-an at nagpakasal hanggang sa mabuo na kami ni Star.

Sa totoo lang, kahit marami na sa taga-rito ang umalis at tumira na sa siyudad o ibang lugar ay hindi pa rin ako nahihikayat na umalis. Para sa akin ang Cielo Vista ay isang paraiso. Simple at tahimik ang buhay. Halos lahat ng tao ay magkakakilala at walang nag-aaway-away. Lahat kami dito ay nagtutulungan. Kumbaga, halos lahat dito ay mabait kaya siguro mas pinili ng mga magulang namin na dito kami lumaki ni Star.

Gaya nina Mama Vi at Papa Duts, gusto ko rin na dito ko matagpuan ang pag-ibig ko o iyong lalaki na makakasama ko forever. Dito kami sa Cielo Vista bubuo ng pamilya.

Hay… sana talaga ay dito ko siya makilala!

“Ay!!! Tabi! Tumabi ka!” Natataranta kong sigaw nang bigla na lang may lalaking tumawid habang sakay ako ng bike.

Imbes na tumabi iyong lalaki ay huminto pa talaga siya sa gitna at tumingin sa akin. Napapikit na lang ako nang mabangga ko siya. Natumba ako sa bike at tumama sa semento ang kaliwang tuhod ko. Napangiwi ako sa sakit.

“Aray ko…” daing ko habang sapo ang tuhod na nagasgasan. Napatingin ako sa lalaki na nasa harapan ko at nakaupo sa semento. “Ikaw kasi! Sinabi nang tabi pero talagang tumigil ka pa!”

“Ang bilis mo kasing magpatakbo tapos nakatulala ka pa na parang wala ka sa sarili. Ikaw ang may kasalanan,” aniya sa seryosong tono.

“E, sa hinahanap ko ang kapatid kong tumakas sa gawain sa bahay. Ano bang pakialam mo?” Nauna siyang tumayo sa akin at naglakad na palayo. Gusto ko sana siyang sigawan pero hindi ko na lang itinuloy dahil baka mapagkamalan pa akong baliw.

May ganoon pa palang lalaki ngayon. Sobrang ungentleman! Hindi man lang ako tinulungan na makatayo o tanungin ako kung okay lang ba ako. Wala man lang siyang reaksiyon. Grabe talaga. For sure naman ay nakita niya ang gasgas ko sa tuhod, 'no.

Hay, naku! Sino ba kasi ang lalaking iyon? Ngayon ko lang siya nakita, e. Dayo o bagong lipat? Naku, bahala na nga siya. Huwag lang sanang mag-krus ulit ang mga landas namin dahil paniguradong iinit agad ang ulo ko kapag nagkataon.

May narinig akong tawanan ng mga bata sa hindi kalayuan at nakita ko na may dalawang batang babae na nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako. Napahiya na ako dahil sa kanila. Pati ba mga bata ay pinagtatawanan ang pag-semplang ko?

Dahil sa nangyaring maliit na aksidente ay umuwi na lang ako ng bahay. Nawalan na ako ng ganang hanapin si Star. Saka kailangan kong linisin itong gasgas ko sa tuhod at baka ma-impeksiyon pa, e.

Diyan Ba Sa Langit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon