Ikaapat na Kabanata

502 35 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






NAKANGITI kong ipinatong ang isang slice ng chocolate cake sa table ng lalaking iyon. Kahit abala siya sa pagguhit ng kung ano sa kaniyang sketch pad ay nagawa ko pa ring paangatin ang mukha niya. Achievement iyon sa akin dahil nagawa kong alisin ang atensiyon niya sa sketch pad niya.

Sinalubong niya ako ng pagtataka. “Hindi ako nag-order ng chocolate cake,” aniya.

“Hindi nga. Libre ko iyan sa iyo dahil ibinalik mo 'yong pitaka. Malaking bagay kasi iyon sa akin. Kumbaga, pa-thank you ko sa iyo ang cake na iyan.” Nakangiti pa rin ako.

“Hindi ko ugaling humingi ng kapalit kapag tumutulong ako sa tao.” Itiniklop niya ang sketch pad na para bang ayaw niyang makita ko kung ano ba ang dino-drawing niya doon.

“Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang—” Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtataray at pilit na kinalma ang sarili. Muli akong nag-smile kahit napipilitan. “Kung ayaw mo ng ganoon, edi, peace offering ko na lang iyan sa iyo. 'Di ba, nagalit ako sa iyo dahil natumba ako sa bike? Na-realize ko kasi na mali din ako kaya sorry na rin sa nangyari. Ayoko kasi ng meron akong kagalit o kaaway.”

Wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin.

“Alam mo, pwede mo akong maging kaibigan. Ako nga pala si Heaven!” Inilahad ko ang isa kong kamay. I’m just trying to be friendly sa kaniya dahil bago lang siya dito sa Cielo Vista. Wala nang ibang dahilan pa. Baka kasi kung anong isipin ng iba, e.

Nakatingin pa rin siya sa akin. Walang reaction. Feeling ko ay hangin na naman ako.

Napapahiya na ako sa ginagawa niya, ha. Feeling ko tuloy ay ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kaniya. Hmp! Ano bang tingin niya sa sarili niya? Bahala na nga siya sa buhay niya kung ayaw niyang makipagkaibigan sa akin. Wala namang mawawala sa akin, 'no.

Akala ko ay hindi na siya makikipag-shake hands sa akin kaya akmang babawiin ko na ang kamay ko. Ngunit nagulat ako nang abutin niya iyon at masuyong pinisil. Tila may ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko kaya napasinghap ako.

“Sky. My name is Sky Kalawakan,” pagpapakilala niya.

“Kalawakan? Galaxy?” tanong ko pa.

“Yes. Apelyido ko. Pinagtatawanan mo?”

Natawa ako nang bahagya. “Oy, hindi ko pinagtatawanan ang apelyido mo, ha. Feeling ko kasi ay napaglaruan tayo ng parents natin nang bigyan nila tayo ng pangalan. Ikaw si Sky Kalawakan. Ang complete name ko naman ay Heaven Langit! 'Di ba? Playtime din parents natin!” Patuloy ako sa mahinang pagtawa.

Maging siya ay napatawa na rin sa sinabi ko. “Oo nga, 'no. Nakakatawa ang pangalan natin pero witty!” Parang isang malaking pader ang natibag sa pagtawang iyon ni Sky. Iyon pala ang pangalan niya…

Diyan Ba Sa Langit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon