Ikatlong Kabanata

614 43 12
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






“HOY! Anong ginagawa mo?!”

“Ay, kabayo ka!” Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong maliit na salamin nang bigla akong gulatin ni Star habang ako ay nasa salas. Nakatayo ako doon habang pilit na tinitingnan sa salamin ang gilid ng aking ulo. “Leche ka, Star! Aatakihin ako sa iyo sa puso!”

Pabiro siyang umirap sa akin. Nakasuot na siya ng school uniform. “Echosera ka, ate. Wala kang sakit sa puso kaya imposibleng atakihin ka.” Isinahod niya ang isa niyang kamay sa akin.

“O, ano 'yan?” Kunwari’y hindi ko alam na humihingi siya sa akin ng baon. Simula kasi nang magkaroon ako ng trabaho ay inako ko na ang pagbibigay ng baon sa kapatid ko para naman makabawas kahit papaano sa gastos ng mga magulang namin.

“Tumatanda ka na talaga, ate. Masyado ka nang makakalimutin. Siyempre, baon ko. Dagdagan mo na rin ng fifty pesos kasi may bibilhin akong art materials para sa activity namin mamaya, ate.”

“Art materials, art materials… Baka pang-load mo lang iyan, ha. Binu-budol mo yata ako. Gawain ko iyan dati. Been there, done that!”

“Ate, hindi po. True. Meron kaming activity mamaya sa school.”

Nakasahod pa rin ang kamay niya. Binigyan ko na siya ng one hundred fifty pesos. Kasama na doon iyong fifty na hinihingi niya. Kada-araw kasi ay one hundred ang ibinibigay ko sa kaniya. Maghapon na niyang baon iyon.

“Thanks, ate kong maganda!” Ki-niss niya ako sa pisngi at saka siya umalis na papuntang school. Talagang binola pa ako ng kiriray na iyon, a.

Actually, papasok na rin ako sa trabaho at nakabihis na ako. Medyo maaga pa kaya may time pa ako na tingnan ang aking sarili sa salamin. Kaya tiningnan ko ulit ang gilid ng aking ulo dahil may napansin akong kakaiba doon.

“O, akala ko ay nakaalis ka na?” Narinig ko ang boses ni Mama Vi mula sa likuran ko. “Anong ginagawa mo? Bakit kanina mo pa tinitingnan iyang ulo mo?”

Ibinaba ko ang hawak na salamin at humarap kay Mama Vi. “E, kasi po ngayon ko lang napansin na parang may nakalubog na part dito sa gilid ng ulo ko. Tapos parang iba iyong color niya sa natural na color ng anit ko.” Kanina kasi sa banyo habang nag-shampoo ako ay nakapa ko iyon. Nang tingnan ko sa salamin sa banyo ay ganoon ang nakita ko. Parang birth mark na hindi ko mawarian kung ano ba talaga. Ang hirap malaman kung ano iyon.

“Hmm? Patingin nga…” Hinawakan ni Mama Vi ang mukha ko at tiningnan nang maayos ang tinutukoy ko. “Oo nga, 'no. Anak na kita since birth pero ngayon ko lang din iyan napansin, ha. Joke lang! Alam ko na iyan dati pa kasi anak kita. Meron ka na niyan simula nang ipanganak ka. Kakaiba nga kasi nakalubog na birth mark.”

“'Di ba, 'ma? Bakit kaya ganito? Hindi kaya may sakit ako—”

“Peste kang bata ka! Anong may sakit bang sinasabi mo? Normal lang iyan. Maraming may ganiyan dito sa mundo at hindi lang ikaw. May nabasa nga ako na kaya daw tayo may kakaibang birth mark ay dahil sa parteng iyon ng katawan natin tayo namatay sa past life natin. Parang ganoon. 'Di lang ako sure kung tama ba ang pagkakaalala ko. Normal iyan. Wala kang dapat ipag-alala. Okay?”

Diyan Ba Sa Langit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon