Trahedya at pag-ibig. Magkakambal na daw ang dalawang salita na iyan. Ngunit ano nga ba ang mas masakit? Ang mauna ang pag-ibig bago ang trahedya o trahedya muna at pagkatapos ay pag-ibig? Ito ang kwento nina Heaven at Sky... Ano nga ba ang plano ng...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“PARANG gusto ko pa siyang dagdagan ng asin. Parang kulang sa alat, e!” ani Sky nang tikman niya ang niluto niyang nilagang baboy.
“Huwag naaa!!!” sabay-sabay na sigaw naming lahat.
Nagtatakang napatingin si Sky sa aming lahat. “O-okay… Hindi na.” Itinaas pa niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko siya. Kung pigilan naman namin siya ay parang may gagawin siyang masama.
“Ang ibig naming sabihin ay magkaniya-kaniya na lang tayong lagay ng patis at kalamansi sa nilagang baboy para ma-adjust natin ang lasa sa kung anong bet natin.” Paliwanag ko kay Sky. Ayaw naming sabihin na hindi masarap ang luto niya at baka magtampo siya. Pero iba din talaga pala ang panlasa niya, ha. Sobrang alat na ng niluto niya pero para sa kaniya ay kulang pa rin sa asin.
Natutuwang napapalakpak ng isa si Sky. “Tama! Ganoon na nga lang ang gawin natin. Masaya ako at mukhang nagustuhan ninyo ang luto ko.” Yumukod pa siya sa labis na pasasalamat.
Sinamantala namin ang ginawang pagyuko ni Sky. Magkakasabay naming kinuha ang isang basong tubig at ibinuhos iyon sa kaniya-kaniya naming mangkok sa pag-asang mababawasan ang alat niyon. Pag-angat ng mukha ni Sky ay napipilitan kaming ngumiti sa kaniya.
-----ooo-----
EPIC fail. Iyan ang nangyari sa unang attempt ni Sky na ipagluto kami ng family namin pero ayos lang. Nag-effort din kasi siya. Malaking bagay na iyon.
Natapos na ang araw ng day off ko. Pagsapit ng gabi, habang nasa terrace ako at nakatingin sa langit na may kakaunting stars ay tinawagan ako ni Sky para mag-good night lang. Napag-usapan namin ang tungkol sa niluto niya kanina. Feeling daw niya kasi ay napipilitan lang kami sa niluto niya.
“Hoy, hindi kaya. Mali iyang iniisip mo. Ano ka ba? Ang sarap nga sabi nina Mama Vi, 'di ba? Pero sa susunod ako naman ang pupunta sa inyo para ipagluto ang family mo. Gusto mo 'yon?” Agad kong inilihis ang usapan tungkol doon sa nilagang baboy ni Sky.
May natira pa kasi sa niluto niya at iyon na ang inulam namin ng hapunan. Wala na noon si Sky dahil after ng lunch ay umuwi na siya sa kanila. Ang ginawa na lang ni Mama Vi ay dinagdagan ng tubig ang nilagang baboy ni Sky at in-adjust ang lasa.
“Sige. Gusto ko 'yon! Masarap ka bang magluto?”
“Hindi masyado pero magpapaturo ako kay Mama Vi para naman hindi ako mapahiya kay tita at sa mga kapatid mo. Basta i-set natin iyan, ha.”
“Walang problema. Heaven, pwede bang matulog na ako? Maaga kasi log in ko sa online work ko bukas.”
“Sige. Okay lang. Tutulog na rin naman ako. I love you, Sky…”
“I love you, Heaven!”
Napapikit ako dahil ang sarap pakinggan kapag sinasabi niyang mahal niya ako. Naputol na ang linya pero nakatingin pa rin ako sa mga bituin sa kalangitan.