Huling Kabanata

686 44 18
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








LIMANG araw bago sumapit ang Bagong Taon. Limang araw na lang ay magiging 2017 na ang 2016. Hindi ko akalain na bago magpalit ng taon ay isang katotohanan ang sasampal sa akin. Katotohanan na kahit ako ay parang hirap na paniwalaan…

Upang magkausap kami ni Mang Wally nang maayos ay iniwan muna kami nina Sky at Aling Sally sa salas ng bahay ng huli. Inihanda ko na ang sarili ko sa kung anumang malalaman ko. Noong una, iniisip ko na simpleng bagay lang ito ngunit dahil sa mga naging reaksiyon ng mga tao sa paligid ko ay nagbago ang lahat. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ito simpleng bagay lang.

“Mang Wally, s-sabihin niyo na po sa akin ang lahat. Saka ang sinasabi ninyo na kasalanan ninyo sa akin kaya kayo humihingi ng sorry. Ano po ba iyon?” Puno ng curiosity na tanong ko.

Bakas sa mukha ni Mang Wally ang kaba. “A-ako ang…” Parang may bumara sa lalamunan niya at hindi niya nagawang ituloy ang pagsasalita. Tumikhim siya at muling nagsalita. “Ako ang n-nakabaril sa iyo, Heaven.” Kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha niya.

Kumunot ang noo ko. “Ano pong nakabaril? Hindi naman po ako nabaril…” Naguguluhan kong turan.

“Hindi mo maalala dahil iyan ang naging epekto sa iyo ng pagkakabaril ko sa ulo mo. Hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng ulo mo ang bala dahil ang sabi ng mga doktor ay baka mas lalo ngang manganib kung aalisin iyon. K-kaya hinayaan lang nila na nasa ulo mo ang bala—”

“Mang Wally, hindi ko po kayo maintindihan! Wala akong natatandaan. Hindi niyo ako nabaril kaya ano bang pinagsasabi ninyo?”

“Nabaril kita noon, Heaven! Nabaril kita noong January 1, 2017!”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mas lalong malilito sa sinabi niya. “Sa tingin ko po ay lasing pa kayo. Paanong nabaril ninyo ako ng January 1, 2017, e, 2016 pa lang po ngayon. Sa ibang araw na lang po tayo mag-usap kapag okay na po kayo.” Patayo na sana ako nang bigla siyang magsalita.

“Dahil iyon ang akala mo. Pero ang totoo ay 2019 na ngayon at ilang araw na lang ay 2020 na, Heaven. Sinasabi ng utak mo na 2016 pa lang dahil sa epekto iyan ng pagkakabaril ko sa ulo mo!” Ang hirap paniwalaan ng sinasabi niya pero nagawa niyong ibalik ako sa pagkakaupo. “P-pakinggan mo lang ako, Heaven… Gusto ko nang matapos ang paghihirap mo at ang pamumuhay mo sa hindi totoo. Sasabihin ko sa iyo ang lahat para mabuhay ka na sa katotohanan at hindi sa masaya ngunit paulit-ulit lang na pangyayari!”

“H-hindi ko po kayo maintindihan…” Nanlalamig na ako. Buong katawan ko ay nanginginig na.

“Kaya nga, hayaan mo akong ipaintindi sa iyo. Gusto kong ako ang magtama ng lahat, Heaven, dahil ako naman ang pinagsimulan ng lahat ng ito!” Labis ang pagkabigla ko nang tumayos siya at lumuhod sa harapan ko. “Patawarin mo ako, Heaven! Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko!” Hagulhol pa niya.

“M-mang Wally…”


-----ooo-----


NAKATULALA ako nang makauwi ako ng bahay. Dahil sa Sabado ng araw na iyon ay kumpleto silang tatlo nang maabutan ko sa bahay namin. Nagkukwentuhan sina Mama Vi, Papa Duts at Star. Nagtatawanan sila at ang saya-saya. Hindi nga nila namalayan na nandoon na ako at nakatayo malapit sa pintuan. “Alam ko na ang lahat…” Kung hindi pa ako nagsalita ay hindi pa yata nila ako mapapansin.

Diyan Ba Sa Langit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon