WHAT?! Kinukuha akong tour guide ni Sky dito sa Cielo Vista? Ako talaga ang gusto niyang mag-tour sa kaniya dito? Sabagay, mukhang wala siyang choice kundi ako lang. Feeling ko kasi ay ako pa lang ang friend niya dito kaya ako ang inaya niyang mag-tour sa kaniya. Well, hindi naman siya nagkamali ng taong nilapitan dahil alam na alam ko ang lahat ng kasuluk-sulukan ng Cielo Vista pati na ang mga lugar na magandang puntahan dito.
“Nandiyan ka pa ba, Heaven?” untag ni Sky sa akin.
“Yes! Sorry. Nabigla lang kasi ako sa sinabi mo.” Hindi na ako nakapagsalita agad.
“Bakit? Busy ka ba bukas?”
“Hindi. Wala nga akong gagawin, e. Sige, sasamahan kita na gumala dito sa Cielo Vista. Ako ang bahala sa iyo!”
At ganoon na nga ang nangyari, kinabukasan ay nagkita kami ni Sky sa may bakeshop ni Ninang Cupcake dahil iyon lang ang lugar na parehas naming alam. Saka madali kaming magkakakitaan dito, e. Nauna na ako sa kaniya.
Outfit check nga muna tayo. Nakasuot ako ng polka dot na mini-skirt na black and white. Ang pang-itaas ko ay off-shoulder blouse na kulay sky blue. May sun visor ako na yellow para protection sa sikat ng araw. Ang sapatos ko naman ay kulay blue na sneakers. Meron akong backpack dahil may mga kailangan akong dalhin. Water, folding umbrella, extra shirt, flashlight at portable fan. Very girl scout din kasi talaga ako.
Halos five minutes na akong naghihintay kay Sky nang sa wakas ay dumating siya. OMG! Bakit extra gwapo siya today sa simpleng suot niya? Ang aliwalas niyang tingnan. Shorts na kulay black, plain t-shirt na kulay sky blue at rubber shoes na kulay blue. Meron din siyang baseball cap na kulay yellow. Iyon nga lang, wala siyang backpack pero meron siyang belt bag.
Teka, teka! Hindi naman kami nag-usap ng kulay ng outfit namin pero bakit magkatulad kami? Kinilig tuloy ako ng slight dahil feeling ko ay destiny kami. Ganoon daw kapag naka-destined kayo for each other. Iyong kahit hindi kayo nag-uusap ay nagkakaparehas kayo sa ilang bagay gaya ng damit at kulay nito.
“Oy! Same color tayo sa lahat!” Nakangiting turan ni Sky. Aliw na aliw siya habang tinitingnan ako.
“Ah, e… Oo nga. Para tayong nag-usap—”
“Para kayong couple!” Nagulat kami sa biglang pagsingit ni Ninang Cupcake. Nakasilip siya sa may pinto ng shop at putok na putok ang make-up. “Kayo na ba? Bakit naka-couple outfit kayo? Ang bilis naman, ha!”
“Ninang, hindi po!” pigil ang kilig na sagot ko.
“Naku, naku, naku! 'Wag ninyo akong ini-echos na dalawa! In all fairness, bagay kayo! Push niyo na 'yan!” Bumalik na siya sa loob ng shop.
Nahihiyang nagkatinginan kami ni Sky at kapwa namumula ang mga pisngi namin. “Gusto mo bang magpalit ako?” tanong ko. Baka kasi hindi siya kumportable na magkaparehas kami ng kulay ng mga suot namin, e.
BINABASA MO ANG
Diyan Ba Sa Langit?
RomanceTrahedya at pag-ibig. Magkakambal na daw ang dalawang salita na iyan. Ngunit ano nga ba ang mas masakit? Ang mauna ang pag-ibig bago ang trahedya o trahedya muna at pagkatapos ay pag-ibig? Ito ang kwento nina Heaven at Sky... Ano nga ba ang plano ng...