Chapter 1: Accidental

52 4 1
                                    

Xavier's POV

Isang madilim na gabi, na medyo umaambon pa, at late pa akong umuwi, galing pa sa party ng kabarakda ko napagkalayo-layo pa ng lugar, kaya namadali na ako maglakad at kung saan saan na ako dumaan ng eskinita, nang bigla nawala na ang ulan nung nasa isang eskinita ako, at biglang may tumawag sa akin.

TRIIIIIING TRIIIIING

"Hmm? Hello?" tanong ko sa tumawag sa akin.

Pero walang sumasagot kung kaya't binaba ko yung phone at tuloy sa paglalakad. hanggang sa... may babaeng nakatayo sa gilid sa tabi ng poste at puno ng galos ang katawan.

"A-ate, okay lang ba kayo? G-gusto nyo samahan kita papuntang hospital?" tanong ko sa babae.

Ngunit di sumasagot kung kaya't iniwasan ko sya. pero nung nakadaan ako sa kanya, bigla syang tumumba, kung kaya't dali dali ako lumapit, nangbiglang nya ako hinawakan sa paa at palapit ng palapit sa akin. Takot na takot ako, at pilit ko sinasabi sa sarili na tumakbo ka na, kaso nanghina ang katawan ko. dahan-dahan lumapit sa akn yung babae ng...

"Oo... tulungan mo ako. pls..." sabi ng babae.

Kung kaya't napalitan ang takot ko ng gulat na tao pala sya di multo, at hinatid ko sya sa malapit na hospital.

Matapos nangyari ang lahat na iyon, nandito ako nasa hospital iniintay ang balita ng doctor sa waiting area, at dumating yung doktor,

"Dok, ano po balita" tanong ko, "kaano-ano po kayo ng babae?" tanong nya. Di ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at nasabi kong,

"kaibigan po nya"
"Aah. okay. Yung kaibigan mo nagtamo ng sugat na malala lalo na sa isang paa nya kung kaya't mahihirapan sya maglakad."
"Dok gagaling pa ba yung paa nya?"
"Oo, pero kailangan kumain sya ng tama kung nais nya talagang maglakad ulit."
"Aah sige, Dok, thank you... oo nga pala, Dok okay na bisitahin ko na sya?"
"Oo, okay na ho."
"Thanks."

At pumunta ako sa kanya ngunit biglang tumawag yung nanay ko, "Naku! Patay, di ako nakatawag kay mama."

at sinagot ko kaagad,

"Anak, saan ka nagpunta hinahanap ka namin kung saan saan."

"Tinawagan kita pero di ka sumasagot." Sya pala tumawag kanina, "Aah sorry ma, may tinulungan akong babae papuntang ho-"

"May babae ka!? Hoy bata ka, bata ka pa kung anong kalibugan na ginagawa mo. ano di ka makapagsalita no. Sumagot ka."
"Ma eh ka-"
"Sumasagot ka ng bata ka ah, wala ka nang modo." Ano ba talaga sasagot ako o hindi? "Ma, kasi may babae akong sinamahan papuntang hospital, kasi may kawawa naman yung babae kung di ko tinulungan."

"Aah.. .yun pala. Bakit kasi di mo kaagad sinabi eh." Eh pano naman ako sasagot eh binarel mo kaagad ako ng sermon -___-. "Okay na ba dyan yung babae?" tanong ni Mama,

"Oo, kaso wala yung kamag-anak nya"
"Baka bukas nandyan na yan, uwi ka na."
"Nay, dito na lang muna ako para samahan muna sya at isa pa gabi na dito muna ako matutulog."
"Ah, sige sige, basta ayaw ko pag-uwi mo may Junior ka na ha."
"Ma naman oh."
"O sya sya Goodnight."
"Goodnight din."

Hay salamat natapos na yung gera, grabe tinadtad ako nang sermon nun ah. Matapos ang kalbaryo este tawag ni mama pumunta na ako sa kwarto nya at natulog sa upuan.

"Grabe nakakapagod yun, gusto ko na matulog."

At natulog na ako. makalipas ng 3 oras, may lumiwanag sa harap ko, at nakita ko yung babae nakatayo at nakaharap sa maliwanag na ilaw na yon,

"Ate okay na ang paa mo." and sabi ko sa kanya.

Nang biglang humarap sya at kumuha ng spada sa ewan na kalaliman na pinagkuhaan nya,  at unti-unting lumapit sa akin, at ako'y tumakbo papunta sa pinto ngunit di ako makalabas, sinubukan ko sumigaw at magkalampag ng pinto pero walang pumupunta, ng nasa harap ko na sya at unti unti tinusok ako. Ohmigoodniss, tulungan nyo ako!!! Hanggang hiniwa ng hiniwa nya ako. Ang dami dugo lumabas at kung saan saan na dumapo. At nagising ako, hinahabol ang hininga at nakitang nakahiga pa rin yung babae, at tinanong ko sa sarili ko, "Panaginip lang ba lahat na iyon?" At kung ano-ano ang ginawa kong kalokohan kung totoo nga yon.

"Sige alis na ako pahinga ka lang dyan ha babalik ako." Ang sabi ko sa kanya, at umuwi na ako.

"Ma nakauwi na ako po ako."
"Oh, anak kamusta ka na. Okay na ba yung babae?"
"Opo, okay na sya."
"Sige bihis ka na at mag pahinga na."
"Si papa?"
"Umalis na kaagad para maipadala yung deliver natin."
"SIge ma thanks."

at pumunta na ako sa kwarto. Imbis magpahinga, ako'y nakatingin sa kalangitan at iniisip pa rin yung napanaginipan ko. sa kakaisip ng kakaisip ko, hayan nakatulog na rin ako nang biglang tumunog ang cellphone ko,

"Ano bayan makakatulog na ako eh, badtrip." May message, galing kay Tom.

Tom:
Dude tara, labas tayo

Xavier:
Wag na muna pagod na ako

Tom:
Sige na, sandali lang, nandun yung crush mo                                                        

Xavier:
Ang kulit mo ayaw ko nga at isapa, wala kami ni Chell

Tom:
Sige na. Pls.                                                                                                    

Xavier:
ayoko nga, gusto ko muna matulog

At di ko na sinagot yung cp ko, kaso tawag ng tawag kaya sinilent ko >:) hahaha. matulog na nga.

A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon