Prologue

10 0 0
                                    

Isa lang to sa boring na takbo ng buhay ko sa araw-araw. Pumasok ako sa school, nag aral, kumain, nakipag kwentuhan sa mga kaklase at mga kaibigan, nag aral muli hanggang sa umuwi na sa bahay.

Katulad ng nakasanayan ko na pag uwi ay pumasok na ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit na pangbahay.

Sunod ay agad na binuksan ko ang phone ko tyaka sinulat sa search engine ang pangalan ng taong iniidolo ko. Si Nathan Sparks. Isang Singer, Songwriter at isa ring aktor. Ito ang pinaka gwapong nilalang na nakita ko sa balat ng lupa. Naalala ko pa noong una kong kita dito. Naisipan ko lang na maglakad noon sa labas dahil medyo iritable ako sa bahay. Nang mapansin ko ang kumpulan ng mga tao sa tila isang Event. At doon ay ang una kong kita kay Nathan. Napakaputi nito, makinis ang balat, mapungay na mga mata, magandang mga ngiti at malambot na mga kamay. Noong makausap ko at mahawalan ko na si Nathan ay talagang nabihag ako nito. At iyon na nga ang umpisa ng pagiging Fangirl ko.

At kung hindi niyo natatanong, ang dahilan kung bakit hinahanap ko ang pangalan ni nathan sa internet ay dahil sa Ending Party ng pinagbibidahan nitong Drama. Pasasalamatan ng lahat ng cast ang mga sumubaybay sa drama at syempre hindi makakalimutan ni Nathan na pasalamatan kaming mga Nathanies. Ang nickname na binigay niya saming mga Fans niya na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanya.

Sa sobrang excite ko ay nanginginig pa ang mga kamay ko. Akala ko ay normal na araw lang yon katulad ng dati. Akala ko lang pala.

Nathan Sparks found dead inside his home. Police suspects suicide as he hanged himself and left a private note to his family.

The FangirlWhere stories live. Discover now