Chapter 3

103 10 1
                                    


.....after 5 years....

"Hopie, nak? Nasa baba si Charmain Niyayaya ka niyang lumabas." Si mommy. Umupo siya sa gilid ng kama. I'm engrossed reading my favorite story online kaya hindi ako lumalabas ng kwarto.

"Pakisabi nalang po na ayokong lumabas mom. Tinatamad po kasi ako. And besides tatapusin ko pa po tong binabasa ko." Its Saturday and its my restday. Next week would be a busy week for me dahil marami akong tatapusin na kwento to be published. Kaya susulitin ko na ang makapagpah inga ako.

Nang mangyari yung masamang panaginip sa buhay ko ay nagtransfer na ako ng school at the same time ibang course na rin yung kinuha ko. Journalism. Luckily after graduation ay natanggap ako sa isang publishing company. I'm hired as one of their story writer. My genre? Lahat sinubok ko na. RomCom, comedy, romance, matured, suspense at iba pa. Dito ako nakakapag express ng feelings ko. I created my own world in the field of writing.

My job helped me to overcome the nightmare of my past.

"E di paakyatin ko na lang siya dito. Sayang naman kung hindi kayo makapag usap." Malumanay na sabi ni mom. Tumango nalamang ako sa kanya. Sobrang bait niya. Mm. How I wish to be like her. Kaya nga di ba super love talaga siya ni Dad. Sobrang sweet nila. Noon at ngayon.

"Hi! Ikaw ha. May plano ka talagang e deadma ang beauty ko." Bungad ni Cha at agad sumampa ng kama. Humiga ito at nakataas pa ang mga pa na nakacross and scrolled her instagram.

"Eeeii! Ang gwapo. Hot babe." Tili nito. Nagulat ako dun kaya binato ko siya ng maliit na unan na parang stuff toy na ewan.

"Ba't ka ba nanggugulat diyan ha. Aatakihin ako sa puso sa iyo e. Lakas kung makatili nito."

"At bakit? Kailan kapa nagkasakit sa puso? May hugot naman yung tili ko ano."

"Matagal na akong may sakit sa puso." Makahulugan kong sabi. Mula ng umalis siya. Hindi na gumaling tong sakit ko sa puso. "Di pa hugot ka pa. Ano ba ang pinaghugutan ng mga tili mo diyan? "

"E sino ang di magugulat sa guwapong pagmumukhang ito. Gosh... For how many years nakapag post din siya... look..." iniharap niya sa akin yung phone niya pero hindi ako interesado. Hindi ako tumingin. Siguradong isa naman yun sa mga ini istalk niya na lalaki sa instagram.

"Aba girl tingnan mo naman. Sayang o siguradong pag nakita mo , aatakihin ka sa puso or lalong sasakit yang puso mo."

"Aba, exage naman nito."

"E tingnan mo nga para makita mo. Tingnan natin kung di tatalon yang puso mo at humugot."

"Ows? Talaga lang ha. Sige nga. Akin na yang phone mo. Dali." Iniabot niya sa akin ang phone niya sabay ngiti na tila nanunukso.

Nang tingnan ko yung phone niya. Una di ko masyadong naeregister sa utak ko kaya tiningnan ko uli. Feeling ko nawala lahat ng dugo ko sa katawan. Tama nga si Charm. Biglang tumalon ang puso ko na parang nagtatakbuhang kabayo.

"O natulala ka no! Ayaw mo kasing maniwala. Tingnan ko nga kung kailan. E 30 mins ago lang pala girl. Omg. He's coming back girl. Hes coming back!" Excited na sabi nito. Nasa airport ito kuha ng photo.

Me? Ano bang nararamdaman ko?
Takot? Pangamba? Excited? Ewan...

Paano pag nagkita kami. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya?

"Hindi talaga ako makaget over girl. Sobrang malaki na talaga ang pinagbago niya in terms sa physical niyang anyo. Hmm yummy na siya oy."

"Tumigil ka nga diyan. Kung ano yung mga pinagsasabi mo."

"Bakit nagseselos ka? Hindi ko naman siya aagawin sa iyo. I'm just appreciative to God's wonderful creation."

"Loka loka. Wala ka namang aagawin sa akin e. Di naman siya akin para ipagdamot sa iyo."

Love Of My Life (#Trust)Where stories live. Discover now