"Ate smile!" Malakas na sabi ng guwapo kong kapatid. Kaya tumingin ako sa kanya para ngumiti. Isang shot. "O, ibang expression naman." I make face to him... "whew.. kahit saang angulo, napakaganda mo talaga ate. Kaya inlove na inlove sa iyo si kuya e." Sabi niya habang siniscroll ung camera niya."Anong pinagsasabi mo dyan ha? Huwag na huwag mong ibibigay yung mga pictures ko sa kanya. Tatamaan ka talaga sa akin."
Pansin ko this past few days malimit niya akong kinukunan ng mga stolen shots. Akala niya di ko napapansin yun.
"Ahm... don't worry ate, your pictures were in good hands. I have to go." He kissed me sa cheeks at dali daling lumabas.
Ang weird ng kapatid kong iyon.
Napailing na lang ako. Tinapos ko na rin yung breakfast ko at nag ready para pumasok sa opisina.I feel lighter today. Wala nang mabigat na feeling sa dibdib ko. It feels like a fresh start is waiting for me today.
I hummas I go out sa bahay papuntang gate. Magtataxi ako today kasi ayokong magdrive. I want to relax. Ayoko ko din naman na maistorbo ang kanino man sa bahay para magpahatid.
Paglabas ko ng gate nagulat ako nang makasalubong ko si Linden. Tila nagmamadali din. Sa gulat ko natisod tuloy ako at bumagsak sa mga braso niya. Mabuti na lang nasalo niya ako. Kung hindi windang na naman ang araw ko. Nakakahiya
"Hey, be careful. Are you ok?" Malambing niya sabi.
"Yeah, Im so sorry. Clumsy as always. Ginulat mo kasi ako!" He's still holding me. But kumawala na ako kasi feeling ko aatakihin ako sa puso sa bilis ng pintig nito.
"I'm sorry sweetie. Di ko kasi expect na lalabas ka ng gate and nagmamadali din akong pumasok para maabutan ka." Inalayan niya ako papuntang kotse niya na nasa tapat lang namin. Pinaupo niya ako sa front seat na nakakawit yung paa ko sa labas. Lumuhod sita sa harap ko para e check yung ankles ko. "Hindi ka ba napilayan?" Bawat paghawak nito sa mga paa ko parang kinukuryente ako na ewan.
"Ahmm.. I'm okay. Wala namang masakit. Tumayo kana oy."
"I'm checking lang." Ngumiti pa ang loko.
Yay... gwapo niya talaga. Mas lalo pa itong naging magandang lalaki. Anong pinaggagawa nito sa states at sobrang hot nito. He's wearing plain blue shirt. Almost fitted kaya defined yung mga muscles niya. And a jeans matched with his branded rubber shoes.
"Seems like you're the one who's checking me out. Pasado ba?" Mapilyo itong ngumiti. Feeling ko pulang pula ako. Para naman akong teenager ku g kiligin. Hindi na oy. Kainis.
Relax girl. Si Zyjan lang yan. Di ba dati super close namin. And we already shared kisses. Parang timang lang 'tong puso ko kung makadabog oy.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko.
"Ihahatid kita sa trabaho mo." Pasimpleng sabi nito at inalalayan akong makatayo. "Okay ka na ba?"
"Y-yeah, I'm okay." Nakakapanibago lang. And sobrang na miss ko siya. Yung concerns niya.
"Good. Let's go. Baka malate ka na sa work mo."
"It's okay. I still have enough time. Sinadya ko talagang maging maaga." Sabi ko habang inalalayan niya ako sa passenger's seat. Umikot siya sa driver's seat.
"Mabuti at naabutan pala kita." He started the engine and started to drive.
"Hindi ka ba papasok ngayon?"
"Sa work wala, pero may plano akong pumasok diyan sa puso mo." Sabay kindat.
What? Ilang seconds din ako napamata sa kanya. Seriously?
Natauhan nalang ako nang tumawa siya. Baliw. Kainis.
"You're so cute baby. Cheesy ba?"
"Flop" pero di ko mapigilang ngumiti. Nagbalik na nga ba kami sa dati? Kunsabagay. Namiss ko na yung kulitan namin noon.
"But napapangiti pa rin kita. Ibig sabihin, effective."
"Ewan ko sa yo. Di na tayo teenagers no."
"Bakit? Teenagers lang ba ang pwedeng gumawa nun? Sobrang dami kong na miss. Kung hindi sana ako umalis sana hindi ko nararamdaman yung nararamdaman ko ngayon."
Natahimik ako. Anong nararamdaman? "Ano ba yun?"
"I felt like I need to start again, from the bottom how our relationship started."
Anong relationship bang meron kami? Confuse din ako. Yeah we kissed and he said I love you but para sa akin wala label yun. Like boyfriend ko siya. Girlfriend niya ako.
"Baby?" He said.
Napatingin ako sa kanya. "Yes?"
"Pwede ba kitang ligawan uli?" Tumingin siya at tipid na ngumiti.
"Seriously?" Medyo nagulat ako dun. Nakakabasa na ba ito ng isip ng tao?
"Yeah, I'm serious. I knew what you're thinking but gusto parin kitang ligawan at sagutin mo like other couples."
"Wow, bago yun a." I teased.
"Ang daming nagbago. Kasama na dun yung nararamdaman ko sa iyo." Seryoso niyang sabi. Nakatitig siya sa akin. Nang aaruk na may something ang mga titig na yun. At kinabahan ako dun sa huli niyang sinabi.
"A-ano bang nararamdaman mo? Anong pagbabago?"
"In time malalaman mo rin. Kaya huwag kang kampante sa mga nararamdaman mo ngayon.. "
Seryoso? Nakapark kami ngayon sa gilid ng park na nadaanan namin kanina. Kaya ganito nalang manakot kung tumititig si Zyjan.
"Ano bang pinagsasabi mo? Katakot ka naman."
"Anong nakakatakot dun? Totoo naman yung sinasabi ko." Seryoso pa rin siya.
Kainis.
But then after 10 seconds, ngumiti siya.
"Kainis ka". Inis akong napasandal sa upuan.
"I'm sorry about that. But this time. I'm telling you. Marami akong regrets but athe same time happy of what we become now." Dumukwang siya sa akin para haplusin yung pisngi ko. "Hey, sorry na kung natakot kita."
"Hindi ako natakot no!" Asik ko sa kanya.
"Gusto mo bang e replay ko yung expression mo kanina?" Ngumiti ito.
Tinitigan ko siya. Pilyo itong ngumiti.
"You know what? You're still the same. Mapang asar. Kainis."Tumawa ito. Nakakaloka to.
"Ihatid mo na ako." Baka kung saan pa mapunta yung usapan na ito.
"Sorry na baby." Naging malambing naman ito ngayon.
Hindi na ako sumagot. Ayoko nang patagalin ang eksenang ito. Ayokong maconfuse o mainis. Lalong lalo na sa kanya.
Wala siyang nagawa kung hindi, ihatid ako sa trabaho.
Bababa na sana ako nang hinawakan niya ako sa kamay. "I'm so sorry kung nainis kita kanina."
"It's ok." I dryly said.
"Here. I want you to come here on saturday. It's an event. I will wait for you." At inabot niya sa akin ang isang invitation. It's an exhibit. Photo exhibit? Kailan pa nahilig ito sa mga ganito?
"I'll call you....."
"Please come. This event is important to me. Please?" He cut kung ano sana ang sasabihin ko.
Tumango ako. And sa tuwa niya he kissed me sa lips. Nagulat ako dun but madali ko rin naman nabawi ang composure ko.
"Thanks baby. Ingat." He said bago a
ko lumabas.Napailing nalang ako. Di ko mapigilang mapangiti habang binababay ang daan papuntang opisina.
Hmmmm? Something fishy... parang may kakaiba akong kutob sa event na yun. Positive ba o negative. Then aalamin ko.
*********
Sorry po for short update and if may mga typos..
Thanks for reading...
🥰😘
Dhylyn

YOU ARE READING
Love Of My Life (#Trust)
RomanceHopie and Linden Syjan Gelloano were best of friends. Nothing can separates them. They're confident about it. But something happened and a decision has been made kaya naghiwalay sila. Mabubuo pa kaya ang tiwalang winasak ng isang pagkakamali?