Chapter 8

109 8 2
                                    

"Congrats ate." Malambing na yakap at halik ng magaling kong kapatid.

"Thanks bro. Akala mo di ko alam na kasabwat ka sa mga stolen shots na iyon. Kaya pala kakaiba yung mga kinikilos mo this past few weeks."

"Ate, I just took pictures but behind those magnificent photo of yours. Si kuya Linden lahat nag edit nun. He's really awesome. Almost na perfect niya na ang craft na yun."

Napaisip na rin tuloy ako. Oo nga ang galing ng ginawa yun.

"Ilang araw niyo ba ginawa yun?"

"Araw? Nagpapatawa ka ba ate? Taon yun. Look at those pictures. Kung ilang taon kayo nagkahiwalay, e yun din yung taon nang pagkagawa nun."

Napamaang na lamang ako.

"Ang swerte mo talaga ate. Sobrang mahal ka ni kuya. Kaya kung ako sa iyo di ko na pakakawalan pa ang chance na ito." He kissed me at bumalik na sa kwarto nito.

Maaga akong nagising dahil dadaan muna ako sa lugar kong saan I considered as my moment place.

After breakfast ay umalis na rin ako kaagad.  Like what I'm planning to do ay maglalakad lakad muna ako sa park na malapit lang sa opisina namin. I still have time pa naman. Mga one hour pa bago mag 8:30 am.

Kipkip ko ang aking celphone, I took a picture ng lagoon na napapaligiran ng mga bulalak. There ate benches sa paligid nito and I have my favorite spot. Sa isang bench na malapit sa puno. Kadalasan dito ako tumatambay just to relax, mag isip o di kaya'y kumuha ng inspirasyon sa mga kuwento ko. Di rin masyadong matao kasi it is situated at the center ng mga business district. And pag - aari ito ng business district kaya well - maintained ang lugar.

Mostly busy ang mga tao para mamasyal pa sa isang park na gaya nito. And safe naman siya kasi may mga guard na  nakabantay dito.

May isang babae at lalaki kasama ang kanilang anak na kumakain ng ice cream. A picture of  a happy family. Kaya napapaisip na rin ako.

Alam ko na hindi madali ang landas sa happy ending o forever. Sabi nila pag nagmahal ka expect mo nang masasaktan ka. Yes, it's true dahil nasaktan na ako. Ilang beses na. Mula nang umalis si Linden at iwanan ako dahil sa pagkakamaling yun. Ibig sabihin ba nun may happy ending na sa aming dalawa sa second chance na ito?

Nakakatakot. Nakakatakot maging masaya. Pero masarap sa pakiramdam ang maging masaya. Kung hindi ako susugal sa kaligayahan ko ngayon. Hindi na ako magiging masaya forever. Di ba?

Okay lang naman na masaktan. Ang importante marunong kang matuto at maging matatag sa mga masasakit na karanasan. They were the best lessons in life.

I feet like anytime, may aagaw sa kaligayahan ko ngayon. Kaya ako natatakot. Kaligayahan na noon pa man ay pinangarap ko nang maramdaman. Ngayon pa ba ako hihinaan ng loob?

I must risk and don't miss this chance of happiness. God help me. Help me to trust in You, Linden and to trust in love.

"Hi, miss!" Isang baritonong boses ang pumukaw sa aking pag - iisip. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nakakahiya naman dahil napaiyak na pala ako sa mga iniisip ko.

May inilahad siyang panyo sa harapan ko. Nakita niya sigurong umiyak ako. Nakakahiya naman. Kinuha ko sa kanya ang panyo at pinahid sa aking mga luha. Naramdaman ko ring umupo siya sa tabi ko.

"Ang ganda ng lugar na ito. Lahat nang nakikita ko ay maganda lalong lalo kana. Kaya lang ayokong nakikita na umiiyak ang pinakamagandang tao  sa lugar na ito."

Bigla akong napatingin sa nagmamay ari ng boses na iyon. Shocks. Linden?

Nakangiti siyang nakatingin sa malayo. My heartbeat fast. Gusto ko siyang yakapin pero bakit parang nag aalangan ako. Nahihiya na kinakabahan na ewan. Parang teenager lang.

Love Of My Life (#Trust)Where stories live. Discover now