PART 2

25 0 0
                                    

PART 2

Kurt's Point of View

Gumising ako ng maaga dahil Linggo ngayon at kailangan ko na lumipat sa dorm ko. Nakahanda na ang mga dadalhin ko sa paglipat kagabi palang. Naligo ako at nag fresh up ng sarili para mukang gwapo malay nyo may magandang babae sa lilipatan ko na pwedeng pormahan.

Bumalik si Tito kagabi galing business trip may mga dalang pasalubong para kay Jasmine at Justine pero binigyan din ako. More on chocolates at snacks na galing Japan. Sabi ni tita mag dala ako ng ilang spicy ramen sa dorm ko, magastos daw kung bibili pa ako. Nagdala na ako kisa naman sabihin nila na ang gastos gastos ko kahit barya lang naman sa kanila.

Subra-subra ang binigay nilang pera sakin. Matipid naman ako pag dating sa paggastos ng pera. S probinsya kasi mas kailangan mong iprayoridad ang mas importanteng bagay kasi sa mga sariling luho.

Yung bayad sa bahay nag bayad na sila ng advance pang six months kaya hindi ko na kailangan bawasan yung pera na binigay nila. Yun naman daw tuition ko for this semester eh bayad na rin daw hanggang sa makatapos siguro ako.

Ayos, sa palagay ko makakabili ko ng sapatos at damit. Alam nyo na wala akong gagamitin sa school. Yung iba na matitira ipapadala ko sa probinsya.

Nasa byahe na kami ngayon ni Tita papunta sa boarding house na tutuluyan ko. Sinamahan nya ako ngayon dahil wala syang lakad at para rin ipakilala sa magiging roommate ko na sya ring mag-ari ng bahay. Nagpapaalam na sakin yung mga pinsan ko at si Tito. Sabi nila dumalaw daw ako para makapag bonding ulit kami. Ngayon lang kasi nila ako nakasama at binabawi lang namin ang mga sandaling pinagkait samin noong mga bata pa kami. Sayang wala dito ang dalawa kong kapatid malamang mag-i-enjoy din yun dito sa Manila sa mansion nila Tita.

"Kurt maging mabait ka dun lalo na kay Daven yung magiging kasama mo sa bahay. " Ngayon ko lang napansin na madaldal pala talaga si tita. Noong una kasi nag nagkwentuhan kami sabi ko baka talagang na miss lang nya kami at si Mommy pero ngayon hanggang sa pagiging mabait pinapalala nya sa akin. Bakit hindi ba ko mabait?

"Yung vitamins na binili ng tito mo galing Japan inumin mo makakatulong sayo yun. Tingnan mo sarili mo ang payat mo, ano bang pinapakain ng magaling kong kapatid sayo~" walang tigil si tita sa pagsasalita mula ng makaalis kami sa mansion nila. Ako naman opo dito tango doon. Minsan nasagot ako kapag nagtatanong sya sa mga bagay-bagay. Hayss kaya mas mabuti kapag wala silang dalawa ni tito naku baka mabingi ako kay Tita lagi kasi silang nagtatalo.

One-hour and thirty minutes siguro nakarating kami sa bahay. Sabi sakin yung school mga sampung minuto ang byahe kapag dito ako magmumula sa bahay na to. Malaki ang bahay tama lang sa dalawang tao sabi ni Tita, pero para sakin kasya na kaming mag-anak dito. Iisa lang daw yung kwarto dito kaya share kami pero kompleto sa gamit may C.R daw at may kitchen. Alangan namang wala diba saan mag luluto sa tungko tapos dudumi sa gubat. Kadiri naman kung ganun. Joke lang.

"Manong pagbuhat ako ng mga gamit ni Sir Kurt mo sa loob. Tayo na Kurt loob ipapakilala kita kay Kuya Daven mo." Sumunod ako sa kanya at pumasok sa loob. Bukas yung pinto siguro inaasahan na darating kami ngayong araw. Hindi muna ako pumasok inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Hindi parin ako makapaniwala na malayo na ako sa kinagisnan kung buhay walang gasinong puno, maraming building at bahay. Malamang marami ding gulo dito saka problema. Sa probinsya kasi tahimik tapos maganda ang simoy ng hangin. Iwas pa sa trahedya kasi sa dami ng sasakyan dito sa lungsod talamak ang insidente.

"Kurt halika na sa loob ano pang tinitingnan mo jan sa labas. Ikaw na bata ka talaga ignorante masyado. Hayaan mo masasanay ka rin dito. Pagpapasiyahan mo nalang sya."

Seducing My Roommate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon