PART 12

23 0 0
                                    

PART 12

THIS DAY is the most irritating day para kay Kurt. Iritado sya dahil una palang tutol na sya sa ganitong set-up. Hindi nya alam ang nararamdaman nya dahil hindi nya magawang mag enjoy.

Nasa arcade sila sa loob ng Mall hindi nya magawang ituon ang atensyon sa kasama. Palagi syang palihim na sumusulyap kay Daven at sa girlfriend daw nito na malambing sa hindi kalayuan habang naglalaro.

Kanina pa nya tinititigan ang babaeng kasama ni Daven. Iba ang nararamdaman nya sa kaartehan nito parihas sila ng pinsan nyang clingy. Kung makakalapit akala mo ay linta.

"Alam mo kunti nalang iisipin ko na may gusto ka sa pinsan ko. Tsk." Pukaw ni Monica ng atensyon nya.

"Huh?" Walang gana nyang tugon dito hindi nya naiintindihan ang sinasabi nito dahil nakatuon ang atensyon nya kay Daven at Akira, hindi kalayuan sa kanila. Tumingin sya kay Monica para linawin ang sinasabi nito.

She rolled her eyes. "Iwan ko sayo, ako yung kasama mo pero panay ang sulyap mo sa kanila." Iritado at naiinis na sagot nito sa kanya.

"Alam mo umuwi nalang tayo. Tika magpapaalam lang ako sa kanila jan ka lang. Nakakainis ka." Umalis ito sa harapan nya at mabilis na naglakad papunta kila Daven at Akira na kapwa masaya at tumatawa.

Habang nag-uusap ang magpinsan tumakbo papalapit sa kanya si Daven.

"Okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansing, parang hindi ka mapalagay. May sakit ka ba? Kaya uuwi na kayo ng girlfriend mo."

"Wala Kuya ayos lang ako. Sige na mag-enjoy kayo ng jowa mo." He said in cold and lifeless tone. Tumalikod sya para puntahan ang kasamang si Monica para ayain na itong umuwi.

"May problema ka ba kay Akira.? Akala mo hindi ko mapapansin na masama ang tingin mo sa kanya." Napansin pala nito ang matalim nyang tingin kasintahan nito.

"Wala... Iwan... Basta ang arte ng jowa mo."

Ngumiti ito. "Wait nagseselos ka ba sa kanya?"

Nagulat at naguguluhan sya sa sinabi nito. Hindi nya alam kung bakit walang sagot ba lumabas sa bibig nya. Bakit naman nito iisipin na nagseselos sya. There's no way na nagseselos sya, that's insane.

"Joke lang, sige ingat ka pauwi deritso sa bahay ha. Baka kung saan pa kayo dumaan ng syota mo." Ginulo nito ang buhok nya na nakaayos kanina. Gusto nyang mainis sa ginawa nito pero hindi nya magawa. Bagkos ay ngumiti lang sya dito.

"Ikaw din Kuya." Naglakad sya palayo dito at sinalubungin si Monica.

"Tara na, inaantok na ako." Palusot nya dito.

"Sige... Gusto mo sa condo ko nalang matulog. What do you think?" Malapad na nakangiti na tanong sa kanya ni Monica. It's a bad idea kahit pa hindi sya inaantok hindi rin naman sya makatulog doon. Malamang palagi lang syang kukulitin nito, isa sa pinaka ayaw nya ay maingay at magulo.

"Wag na sa bahay nalang namin Kuya Daven." He insist.

"Sure ka? Sayang naman pero sige ikaw bahala." Malungkot na katagang sagot sa kanya nito. Kapagkuwan ay ngumiti ng mapait sa kanya. Parang may pinaplano ito ng hindi nasunod.

Tahimik lang sila sa byahe, nakakapanibago ang katahimikan ng babaeng kasama niya. Simula kanina hindi na ito nagsasalita pa parang may problema. Hindi naman nya masisi ang sarili nya kung sya man ang problema nito. Sa una palang sinabi na nya na hindi nya ito gusto pero panay pa rin ang sunod at dikit nito sakanya. Hindi nya intensyon na saktan ito sadyang wala syang ispesyal na nararamdaman para rito. He can't force himself to like this beautiful girl beside him.

Seducing My Roommate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon