Prologue

4K 132 53
                                    

"JUANITA! Walanghiya kang babae ka! Umuwi ka na sa atin kung ayaw mong makalbo nang wala sa oras!" sigaw ni Tiya Ofelia

Ang boses talaga ng matandang iyon, kahit nasa malayo ay rinig na rinig ko. Tumakas na nga ako para makainom kasama ang mga kaibigan ko.

"Nalintikan na! Akala ko ay hindi niya ako mapupuntahan rito!" sabi ko

"Hala, sige. Umuwi ka na at baka makita pa namin ang pagsabog ng malaking ilong ni Aling Ofelia," sagot ni Maulave sa akin

"Putragis, nakakalimang tagay pa lang ako ng alfonso eh! Ayaw ko pa umuwi," sagot ko

"Kaysa naman madamay pa kami sa away ninyong mag-tiya. Umuwi ka na, bumawi ka na lang sa susunod ha?" sagot ni Maulave

Wala na akong nagawa kundi umuwing nakasimangot. Hindi ko na hinintay pa na makarating si Tiya Ofelia sa pinag-iinuman namin, mas nakakahiya iyon. Siga ako sa aking mga kaibigan tapos malalaman nilang tiklop pala ako sa Tiya Ofelia ko edi pagtatawanan na nila ako.

Hindi ako kapatid ni Juanito Alfonso ha, Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin dito sa baryo namin dahil lagi akong nainom ng alak na Alfonso. Wala na nga yata akong ginawa buong buhay ko kundi uminom noon, para na ngang tubig para sa akin iyon. Hindi ako mabubuhay na walang alak sa aking katawan. Minsan pa nga, kapag hindi ako nakakainom sa isang linggo ng alak ay nagkakasakit ako.

Ako nga pala si Juanita, bente-dos anyos at buhay ko na ang Alfonso. Kinagagalak ko kayong makilala, ipapakita ko sa inyo kung anong buhay ang meron ako. Humanda na kayong matawa, maiyak at kung anu-ano pa. 

Juanita Alfonso (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon