Kabanata 21

352 19 1
                                    

DUMADALAW na madalas si Danilo sa bahay. Mas gusto nga iyon ni tatay dahil nakikita raw niya kung anong ginagawa namin.

Habang si Tiya Ofelia naman ay inis pa rin dahil ayaw niyang masaya ang buhay ko. Para siyang evil step mother ni Cinderella, ganoon rin naman ang mukha niya.

Kamukha rin pala niya si Miss Minchin sa Princess Sarah. Basta, siya iyong laging masama sa kwento. Kailan kaya siya titino? Okay na lahat eh, siya na lang hindi.

"Kumain lang kayo, i-enjoy niyo lang ang hinanda ko. May sasabihin rin ako mamaya," sabi ni tatay

"Ano po iyon, tay? Ngayon na po, makikinig naman kami ni Danilo eh. Salamat po pala at payag kayo na dalawin niya ako lagi rito sa bahay," sabi ko

"Ah, tungkol ito sa pagpunta sa Maynila. Ayos lang ba?" tanong ni tatay

"Sige po," sagot ko naman pero mahina lang

Sa totoo lang, wala na sa akin ang pangarap kong iyon. Nabura na dahil sa mga magagandang nangyayari sa akin dito sa aming baryo. Natuto akong makuntento sa kung anong meron ako dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. Ayos naman na lahat eh, bakit kailangan ko pang umalis hindi ba?

"Gusto mo ba talagang pumunta doon? Gusto mo bang sumama sa akin anak?" tanong niya

"Kung kailangan ko pong sumama, bakit po hindi? Ayos din po iyon dahil makikilala ko pa po kayo roon," nakangiti kong sabi

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, gusto mo ba sumama sa akin?" tanong ulit niya

"Ayos na po talaga ako sa baryo namin. Nandito po siguro ang buhay ko,' sagot ko

"Nakikita ko namang masaya ka rito dahil sa mga kaibigan at kay Danilo. Ayos lang na hindi ka na sumama sa akin anak, dadalawin na lang kita rito kapag may oras ako. Ayos lang ba iyon?" sagot niya

Totoo ba ito? Pinayagan na ako ni tatay na huwag na sumama sa kanya? Haynaku, alam kong sobrang saya ni Danilo dahil rito. Kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya dahil sa magandang balita na ito.

"Talaga po? Paano po kayo? Sino po ang mag-aalaga sa inyo sa Maynila?" tanong ko

"Kaya ko naman ang sarili ko, may kasambahay naman ako sa bahay natin sa Maynila. Oh Danilo, ibibigay ko na sa iyo ang anak ko ha? Ikaw na ang bahala sa kanya," sagot naman ni tatay

"Opo, ako na ang bahala sa kanya. Salamat po, hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil sa balita niyo," nakangiting sabi ni Danilo

Tumayo kaming dalawa ni Danilo at niyakap si tatay kahit na nakain pa kami. Masaya ako dahil hindi na ako pinilit pa ni tatay na sumama sa kanya. Sabi naman kasi niya sa akin noong isang araw ay nasa tamang edad na ako para mag-desisyon para sa sarili ko.

"Tigilan na nga iyang mga yakap na iyan, baka mamaya ay maiyak pa lalo ako," sabi ni tatay

"Pasensya na po, sobrang saya lang namin. Kain na po tayo ulit," sabi ko sabay balik sa aking upuan

Marami pang payo si tatay sa amin, sinabi niya na raw agad dahil sa makalawa ay aalis na siya. Babalik na siya sa Maynila dahil may mga trabaho pang kailangang ayusin. Kahit saglit ko pa lang siya nakakasama at nagka-away pa kami ay ma-mimiss ko talaga siya.

Juanita Alfonso (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon