BUTI na lang ay nakinig ako kay Maulave, napag-alaman ko nga na si Madam Chinchansu ay masamang tao. Ang tanga ko talaga, ang bilis kong mapaniwala minsan.
"Oh di ba? Hindi na bumalik sa iyo, buti at hindi pa nakukuha ang limang daang piso na bayad mo," sabi ni Maulave
"Haynaku, sa sobrang kagustuhan ko na makaalis na rito ay iyon naman ang inabot ko. Kailan ba ako magiging masaya?" sabi ko pagkatapos ay bumuntong hininga
"Alam mo Juanita, magiging masaya ka lang kapag nakuntento ka na sa buhay na meron ka," sabi ni Maulave habang nilalagay ang kanyang tagay sa baso
"Eh kung makukuntento na lang ang mga tao, bakit na-imbento pa ang pangarap?" sagot ko sabay kain ng pulutan
"Ang pangarap na natutupad, para lang iyon sa mayayaman! Paano'y kaya nilang gawan ng paraan ang pangarap nila para magka-totoo," sagot ni Maulave
Ang negative naman nitong kaibigan ko. Kaya pala rito lang siya sa baryo dahil wala siyang pangarap. Meron siguro pero alam niyang hindi naman niya iyon kayang gawin.
"May point ka, pero hindi mo dapat sukuan ang pangarap mo. Ang dami ko kayang kwentong nababasa na kahit mahirap ang buhay niya ay nagawaan pa rin niya ng paraan ang pangarap niya," sagot ko
"Nagbabasa ka pala? Akala ko'y puro alak lang ang nasa utak mo," sarkastikong biro niya sa akin
"Ano namang akala mo sa akin? Kahit hindi ako tapos sa aking pag-aaral ay marunong naman akong magbasa! Ikaw talaga, palibhasa ang binabasa mo ay bold na komiks eh," sagot ko
"Huy, grabe ka naman! Hindi ano, sige nga! Saan ka nagbabasa? Eh wala ka ngang cellphone!" pagkutsa niya sa akin
"Aba, sa computer shop ni Aling Nenita! Nirerentahan ko iyon para makapagbasa kahit trenta minutos lang," sagot ko
"Ah, ganoon ba? Oo nga pala Juanita, may surpresa ako sa iyo. Magugustuhan mo siguro ito," sabi ni Maulave
"Ha? Ano naman iyan? Macho dancer na sasayawan na lang ako rito bigla? Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko talaga iyan ha," sagot ko
"Hindi siya macho dancer pero pwede siyang sumayaw. Inimbita ko siya rito kasi alam ko namang mabait siya," sagot ni Maulave
Siya? Edi tao? Sino naman kaya eh hindi na pwede si Aurello at magkaka-anak na iyon kay Claring. Hindi rin naman pwede si Madam Chinchansu dahil inis kami sa kanya.
Habang nag-iisip ay bigla na lang nagpakita sa sikretong lugar si Danilo. Shet, ibang-iba siya kapag nasa trabaho. Mukhang mabango at yummy na siya sa suot niya ngayon. Muntik na ngang malaglag panty ko.
"Hi, Juanita at Maulave! Buti na lang ay sabay-sabay ang off nating tatlo kaya nakapunta ako rito," ngiting bati niya sa akin
"Danilo, paano mo nalaman ang sikretong lugar namin? Huwag mong sabihing ginoogle maps mo kami?" tanong ko sa kanya
"Google maps? Ano iyon? Hindi ko alam iyon," sabi niya sa akin
Haynaku, gwapo nga 'tong si Danilo pero tanga naman. Ang bango tingnan pero ang isip niya yata ay pangsina-una.
"Ah, wala! Welcome sa aming hideout, huwag mong ipagkakalat na alam mo ang lugar na ito ah?"
"Oo naman, hindi ko nga alam ito eh. Magsimula na tayo?" sagot niya
"Tara, inuman na!" sabat naman ni Maulave
BINABASA MO ANG
Juanita Alfonso (Completed)
HumorHindi ako kapatid ni Ginoong Juanito Alfonso. Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin ng aking mga kabaryo dahil mahilig akong uminom ng alak na Alfonso. Book Cover by: Boyfriend WP♥️ Date Started: January 13, 2020 Date Finished: January 26, 2020