NAGULAT ako nang makita ko si tatay sa bahay. Naroon rin si Tiya Ofelia at Danilo. Ano kayang meron? Bakit biglang napa-uwi mula Maynila si Papa eh wala naman siyang sinabi sa akin? Surprise visit? Ganoon?
"Oh, bakit kayo narito 'tay? Anong meron? Birthday niyo po ba?" tanong ko
"Hindi anak. Na-miss kasi kita kaya pumunta agad ako rito. Ilang araw lang akong nawala pero hinahanap agad kita. Buti at pinayagan akong umuwi ulit rito," sagot naman ni tatay
Nagtaka ako dahil nandito rin si Danilo ngayon. Iba ang tingin nila sa aking tatlo. Naka-droga ba ang mga 'to? Nakatambay ako sa hideout tapos tinawag naman ako ni Tiya Ofelia kasi nga raw nandito si tatay.
"Danilo, bakit ka naman narito? Akala ko ba ay doon ka muna sa nanay mo?" tanong ko
"Hindi ko nga rin alam, pinatawag lang ako ni tiya kasi nga raw nandito si tatay ngayon. May sasabihin yata siya sa atin," sagot ni Danilo sabay tingin kay tatay at ngumiti
"Ano po iyon 'tay?" sagot ko sabay upo sa tabi ni Danilo
"Mukhang hindi naman ako ang may sasabihin. Si Danilo yata ang meron," sagot naman ni tatay
Naka-droga nga yata sila. Hindi nila alam ang sasabihin! Si Tiya Ofelia na nga lang ang kakausapin ko. Mas may sense pa yatang kausap ito, inlove eh. Magsasalita na ako nang biglang nakita ko na pinagpapawisan si Danilo.
"Bakit ka ba pinagpapawisan dyan? Natatae ka ba? Ay siya, pumasok ka sa loob ng banyo!" sabi ko
"Hindi ah. Ano kasi," sagot ni Danilo
"Ano? Nag-gym ka ba para pagpawisan ka nang ganyan?" tanong ko ulit
Tumayo siya sa kanyang pagkaka-upo at humarap sa akin. May kinuha siya sa kanyang bulsa at bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Ano ito? Magpo-propose ba siya sa akin?! Alam naman niyang ayaw ko nito ah?!
"Alam kong ayaw mo ito, pero gusto kitang i-harap sa Diyos at ipagmalaki. Gusto kong ikandado ka sa aking pagmamahal at pag-aalaga. Kaya kung papayag ka, magpakasal tayo. Hindi naman ngayon, paghahandaan pa natin iyon. Gusto ko lang, masigurado ngayon ang lahat," sabi ni Danilo
Hindi ko alam ang isasagot ko, ang aga pa niya para mag-propose! Hindi man lang ako nakahiram ng make-up kay Maulave at Jacinta, iyong dalawa pa naman ang maalam pagdating sa mga ganitong bagay. Isa pa, silang dalawa ang naghihintay kung magpo-propose si Danilo sa akin o hindi,
"Ah, hindi ba masyado pang maaga para dyan?" tanong ko
"Hindi pa naman ngayong taon ang kasal. Huwag kang matakot, pag-iipunan pa naman natin ito. Ang gusto ko lang tuldukan na ang mga tanong sa isip ko. Gusto ko kaw na makasama ko sa buong buhay," sagot ni Danilo
"Sigurado ka na ba sa akin?" tanong ko
"Oo, ikaw ba? Sigurado ka na ba sa akin?" tanong naman niya
"Oo, sigurado na ako sa iyo. Oo, pakakasalan kita kahit sinabi ko dati na ayaw ko," sagot ko at niyakap ko siya
Niyakap niya ako pabalik. Nakita ko naman na tuwang-tuwa silang tatlo sa naging desisyon ko. Alam ko sa sarili na ayaw ko nito noon, pero nang makita ko na naluluha na si Danilo at alam kong sasaya siya kapag oo ang naging sagot ko ay ayos na ako. Bakit ko nga ba iyon ipagkakait sa mahal ko?
BINABASA MO ANG
Juanita Alfonso (Completed)
HumorHindi ako kapatid ni Ginoong Juanito Alfonso. Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin ng aking mga kabaryo dahil mahilig akong uminom ng alak na Alfonso. Book Cover by: Boyfriend WP♥️ Date Started: January 13, 2020 Date Finished: January 26, 2020