Kabanata 22

325 20 3
                                    

ISANG araw ay bigla na lang kaming tinawag ni Tiya Ofelia. May mahalaga raw siyang sasabihin sa amin, hindi ko nga rin maintindihan kung bakit pati si Danilo ay pinasama niya sa akin. Part of the family na ba si Danilo?

"A-ano pong meron? At saka, bakit po pati si Danilo ay pinasama niyo sa akin?" tanong ko

"Kung hindi ko kasi siya isasali sa usapan na ito ay mawawalan ka ng kasama kapag nawala  na ako," sagot naman ni tiya

Ano? Mamatay na ba siya?

"Ha? Ano pong ibig mong sabihin?" tanong ni Danilo

"Oo nga, anong ibig mong sabihin? Ofelia, may sakit ka ba?" tanong ni tatay

"Wala. Paano kasi ay nakapagpasya na kami ni Karding na magsasama na kami sa bahay niya. Ikaw na lang ang titira dito Juanita," sabi i Tiya Ofelia

"Eh paano iyan eh aalis na ako bukas? Paano na si Juanita?" tanong ni tatay

"Huwag kang mag-alala, nasa kabilang bahay lang naman ako kaya makikita ko pa rin si Juanita," sagot ni Tiya Ofelia pagkatapos ay ngumiti siya sa amin

Para na naman siyang naloloka. Hindi ko alam kung mabuti ba ang plano niya o masama. Alam ko namang mahal na mahal niya si Mang Karding pero hindi naman sa puntong iiwan niya na ako. 

Eh bakit aalis pa po kayo? Dito na lang po tayo tiya," sagot ko

"Kaya mo naman mag-isa Juanita. Nandyan naman si Danilo para samahan ka. At saka, magkatabing bahay lang naman tayo kaya maakikita pa rin kita," sagot ni tiya

"Alam ko naman po iyon, kaso hindi po ako sanay na wala kayo. Kahit po lagi niyo akong sinisigawan ay hindi ko pa rin naman kayang wala kayo sa tabi ko," sabi ko sa pinaka-malungkot na tono

"Juanita, matanda na kami ni Karding. Syempre, gusto na namin ay lagi kaming magkasama. Hindi iyong kung kailan lang pwede ay saka lang magkikita," sagot ulit ni tiya

Kung bakit ba naman kung kailan tumanda na sila ay saka naman nila gustong magsama. Ano kayo, teenagers?!

"Eh kung gusto niyo po, dito na lang kayo ni Mang Karding tumira. Medyo malaki naman po ang bahay na ito para sa amin ni Danilo eh," sagot ko

"Juanita huwag ka nang makulit ha. Sige na, ngayong araw na ako aalis. Aayusin ko na ang lahat ng gamit ko," sagot ni tiya

"Eh diba tiya, sa inyo naman po ang bahay na ito? Wala po akong karapatan rito," sagot ko

"Meron. Sa tatay mo ito nakapangalan, marami ka pang hindi alam Juanita. Patawarin mo ako sa mga pananakit ko sa iyo noong bata ka pa," sagot ni tiya

Noong sinabi niya iyon ay naalala ko ang lahat. Noong bata ako,lagi siyang galit at ayaw niyang kung saan-saan ako naglilibot. Minsan ay nanakit siya dahil nakita niyang marami akong sugat kakalaro kasama sina Maulave. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil tinanggap ko na ganoon talaga siya magpalaki ng bata.

"Wala po iyon. Dahil roon ay natuto ako maging isang malakas at matapang na bata," sagot ko na may ngiti

"Oo, alam ko iyon. Alam mo ba iyong hinabol mo ng kutsilyo ang magnanakaw sa palengke? Ang tapang mo noon," sagot ni tiya

Natawa ako pero roon sa sumunod na sinabi niya'y naiyak na ako. Ngayon ko lang kasi iyon nalaman mula sa kanya.

"Masaya akong maging isang ina kahit hindi totoo. Binigyan mo ng dahilan ang buhay ko Juanita. Naging isa akong ganap na nanay dahil sa iyo. Baog man ako pero naging anak kita," aniya

Akala ko ba ay comedy ang buhay ko? Bakit naging drama?

Juanita Alfonso (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon