NANDITO kami ngayon nina Danilo sa bahay ni Maulave, paano kasi ay patay pala ang nanay niya. Kaya pala minsan na lang naming makita si Maulave sa trabaho. Nadala pa raw sa ospital ang nanay niya pero hindi na rin kinaya eh.
"Nasaan na pala si Jacinta? Hindi mo ba sinabihan na pumunta rito Danilo?" tanong ko
"Ha? Bakit ko papupuntahin si suka rito? Gusto mong mag-amoy kili-kili ang lamay na ito? Hayaan mo na, mukha rin namang wala siyang pakialam kay Maulave," sagot ni Danilo habang naka-upo
Gusto kong tawanan si Danilo, simula noong nalaman niya na si Jacinta ang naaamoy namin mula sa trabaho ay lumayo na siya mula rito. Para bang may masakit ang babaeng iyon, naaawa ako na natatawa sa kanilang dalawa.
Nakita kong nagse-serve si Maulave sa mga tao na nasa lamay kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at tumulong sa kanya. Tahimik siyang pumasok sa kusina nila para kumuha ng pagkain na ibibigay sa mga bisita.
"Alam kong pagod ka na, pahinga ka muna. Ako na ang bahala sa mga bisita ninyo," sabi ko habang nakangiti
"Hindi, kaya ko pa naman ito. Ako na ang bahala, bumalik ka na roon sa mga bisita. Nakakahiya naman kung pagagalawin kita," sagot niya habang nag-aayos pa rin ng pagkain
"Hindi, ayos lang. Hindi ka naman na iba sa akin, magpahinga ka na sa kwarto mo," sagot ko habang nag-aayos na rin ng pagkain
Tahimik lang si Maulave, hindi nakibo sa kanyang pagkakatayo. Nakatalikod pa rin siya sa akin na tila abala sa pag-aayos, narinig ko na lang na nahikbi siya kaya lumapit ako. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong sitwasyon, naaawa talaga ako.
"Nangako pa ako sa kanya eh, balak kong mag-aral na ulit sa susunod na taon. Gusto kasi niyang makita na nakapagtapos ako ng pag-aaral. Ang daya niya, iniwan niya agad kami. Paano na si tatay?" sabi niya habang nahikbi
"Alam naman ng Diyos na kakayanin mo ito kaya binigay Niya sa iyo ang pagsubok. Alam ko rin na nakatingin si Aling Lilia sa inyo. Mahal na mahal kaya kayo noon," sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod
"Hindi na ako tutuloy sa pag-aaral ko. Wala na rin namang saysay ang lahat kahit gawin ko pa iyon. Hindi na rin naman niya makikita eh," sabi niya na para bang nawawalan na ng pag-asa
"Naku, kapag ginawa mo iyan ay mumultihin ka ng nanay mo. Gusto mo iyon? Diyos ko! Huwag!" nag-aalala kong sagot
"Multo naman, naniniwala ka ba roon? Haynaku, bumalik ka na nga roon at ako na ang bahala rito!" sagot niya
Gusto ko pa sanang sumagot kaso tinwag naman ako ni Danilo, nasa labas raw ang iba pa naming ka-trabaho kaya kahit gusto kong tulungan si Maulave ay hindi ko magawa. Buti na lang at nakita ko si Buryong, siya na lang ang pinatulong ko.
"Ano ba iyon? Tutulungan ko si Maulave sa loob eh, tinawag mo naman ako. Bakit ba?!" inis na sabi ko kay Danilo
"Si suka, pumunta! Nandyan sa labas, anong gagawin ko? Palalayasin ko na ba?!" sigaw niya sa akin
"Ewan ko sa iyo, papasukin mo na nga. Bilis!" sagot ko
Kahit naman amoy kili-kili at suka si Jacinta, tao pa rin naman siya. Ewan ko ba naman kay Danilo kung bakit iwas na iwas siya. Ako nga eh, lagi kong katabi si Jacinta kapag nasa trabaho pero hindi ako nagreklamo.
BINABASA MO ANG
Juanita Alfonso (Completed)
HumorHindi ako kapatid ni Ginoong Juanito Alfonso. Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin ng aking mga kabaryo dahil mahilig akong uminom ng alak na Alfonso. Book Cover by: Boyfriend WP♥️ Date Started: January 13, 2020 Date Finished: January 26, 2020