NAGSASAMPAY ako sa aming bakuran nang naaninag kong may paparating sa gawi ko. Dahil pakendeng-kendeng ito, alam ko agad na si Maulave iyon.
Nang makalapit sa akin ay natatawa na naman ako sa kanya, paano naman kasi eh putok na putok ang kulorote nito sa kanyang mukha. Nakangiti siyang bumati sa akin.
"Magandang umaga, Juanita! Ayos ba ang itsura ko ngayon?" nakangiting sabi niya
"Ah, hindi maganda ang umaga ko kung bigla na lang akong makakakita ng multo," natatawang sagot ko
"Multo? Eh sabi nila, ito raw ang uso ngayon! Make-up!" may determinasyong sabi niya
"Make-up pala ang tawag dyan, akala ko'y nakendeng na payaso. Sige na, bakit ka nga pala naparito?" tanong ko
"Bawiin mo muna ang sinabi mo bago ko sabihin ang pakay ko," inis na tugon nito
"Hindi ka na mukhang payaso. Ano nga iyon? Bakit ang aga-aga mong pumunta sa akin?" kulit ko sa kanya
"Eh paano naman kasi, si Aurello nakita kong may kasamang babae. Todo lingkis pa nga ang hipon na iyon sa Aurello mo eh. Kaya pala—" hindi na natapos ni Maulave ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na ako kaagad
"Nasaan sila? Puntahan natin," inis na sabi ko
"Ewan ko lang kung nandoon pa sila ngayon, kanina kasi ay nakita kong naglalampungan sila sa traysikel ni Aurello—" hindi ko na pinatapos pa si Maulave, hinila ko na siya papunta sa paradahan ng traysikel kung saan namamalagi si Aurello
"Anak naman ng tokwa at baboy! Si Claring iyan ah? Hayop!" inis na sabi ko
Tiningnang muli ni Maulave ang babae, nang makumpirma niya na si Claring nga ito ay nainis rin siya.
Noon pa man, naghihintay na si Claring na mapansin siya ni Aurello. Alam rin niya na may gusto ako rito dahil bago ko nakilala si Maulave ay siya muna ang naging kaibigan ko.
"Putris na babae iyan, gusto mong sabunutan ko na? Handang-handa ako ngayon!" sigaw ni Maulave sa akin
Si Claring ay isang tindera sa karinderya kung saan kumukuha ng ulam si Aurello kapag tanghalian. Malapit lang kasi ito sa paradahan ng traysikel kaya siguro ay lagi na siyang doon nabili.
Hindi pwede ito, kailangan kong makausap si Aurello! Hinila ko na si Maulave sa daan, nakatago pa rin naman kaming dalawa para hindi kami makita ni Claring at Aurello.
Bumitaw naman sa akin si Maulave, mukhang masyado ko yata siyang nahila. Halos mamula na kasi ang braso niya.
"Aray ko naman! Saan mo ba ako dadalhin?" iritang tanong niya sa akin
"Sa tindihan ni Aling Nenita. Bibili tayo ng alak," sagot ko
"Ang aga-aga pa, iinom ka na agad?" nag-aalalang tanong niya
"Wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay makalimutan kung ano man ang nakita ko! Mga hayop sila!" sigaw ko
Nakita ko naman ang sariling naglalagay ng tagay sa aking baso. Narito kami sa sikretong lugar namin nina Maulave, Buryong at Dionisio.
Dito kami namamalagi kapag gusto namin ng konting katahimikan. Bukod sa aming apat ay wala nang iba pa ang nakakaalam ng sikretong lugar na ito.
"Sinong tanga?"
"Ako!" sagot ko habang hawak ang basong hindi ko pa natatagay
"Kanino ka tanga?"
"Kay Aurello!" nakangiting sabi ko, lasing na lasing na kasi ako
Alas singko na ng hapon kami umuwi. Akala ni Maulave ay uuwi na ako sa amin pero narito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Aurello.
Bahala na kung anong mangyari at masabi ko. Kumatok na lang ako bigla sa pinto ng bahay ng lalaking mahal ko.
Dedicated to wizvisionary♥️
BINABASA MO ANG
Juanita Alfonso (Completed)
HumorHindi ako kapatid ni Ginoong Juanito Alfonso. Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin ng aking mga kabaryo dahil mahilig akong uminom ng alak na Alfonso. Book Cover by: Boyfriend WP♥️ Date Started: January 13, 2020 Date Finished: January 26, 2020