SIMULA noong nalaman kong gusto ako ni Danilo ay lagi na kaming magkasama. Mabait naman pala siya at maunawain. Makulit pero katamtaman lang, pikon kasi siya eh.
"Pwede ba kitang ihatid sa inyo mamayang uwian?" tanong sa akin ni Danilo
"Ay naku, gusto mong may pumutok na bulkan mamayang alas singko?" sagot ko
"Ha? Pumutok na ang bulkang taal ah. Anong sinasabi mo dyan?" nagtatakang tanong ni Danilo
Haynaku, heto na naman kaming dalawa. Slow motion na naman ang utak niya. Gwapo ka sana Danilo, kaso.. Haynaku, huwag na ngang ituloy!
"Ah kako, ayaw ni Tiya Ofelia na may naghahatid sa akin. Baka maging ulam pa tayo ng mga tsismosa kong kapitbahay," sagot ko naman
"Bakit? Kakatayin ba nila tayo mamaya? Ano sila, aswang?" tanong ni Danilo
Napa-sapo na lang ako sa aking noo, hindi ba talaga niya gets ang sinasabi ko o niloloko niya lang ako? Ang inosente ng mukha eh, parang wala talagang alam. Tao ka pa ba, Danilo?
"Diyos ko, mag-trabaho na nga lang tayo. Mawawalan ako ng buhok sa kaka-explain sa iyo. Tara na!" sabi ko
"Eh, payag ka na ba na ihatid kita sa inyo mamaya?" pangungulit niya pa
"Ikaw ang bahala, ako'y magta-trabaho na. Mamaya ay marinig pa tayo ni boss o ni Jacinta," sagot ko at umalis na sa tabi niya
Dumaan na ang maghapon, pagod na pagod na ako. Palabas na sana ako ng pinto nang biglang tumambad sa harapan ko si Danilo. Nakangiti siya habang pinagbuksan ako ng pinto. Aba, talagang sinabay niya sa pag-uwi niya? Ihahatid nga yata talaga ako nito pa-uwi ah?
"Akala ko'y nakauwi ka na kanina pa? Kaninang alas-tres pa ang out mo ah?" tanong ko
"Ah, oo pero hinintay kita kasi pinangako ko iyon sa sarili ko eh. Sabi mo naman, bahala ako kaya ginawa ko na. Wala na akong pakialam kung ayaw sa akin ng tiya mo. Hindi naman siya ang liligawan ko kundi ikaw, hindi ba?" sagot niya
Grabe, parang matatanggal ang panty ko sa sobrang kilig. Ano naman kaya ang nangyari rito? Totoo na nga ba ang panliligaw niya? Danilo ha, heart broken pa ako kay Aurello kaya huwag kang ganito. Marupok pa ako.
"Ah, bahala ka. Halika na nga!" yaya ko sa kanya na para bang naiinis, pero ang totoo ay kinikilig talaga ako
"Juanita, sandali lang! Ang bilis mo naman!" sigaw niya
Habang naglalakad kami pauwi, naalala ko si Jacinta. Ano na lang ang mararamdaman niya kung malaman niyang nililigawan ako ni Danilo? Ayaw ko namang makasakit ng damdamin ng iba.
"Alam ba ni Jacinta ito? Baka mamaya ay magalit siya sa akin kapag nalaman niyang nililigawan mo na ako," sabi ko kay Danilo
"Ayos lang, wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Wala naman akong gusto roon eh, ikaw ang gusto ko. Bakit ko pa ipagpapalam sa kanya? Nanay mo ba siya?" sagot ni Danilo
Tama naman ang sinabi ni Danilo, ganito nga siguro ang pakiramdam ni Claring noong nagugustuhan niya si Aurello. Nakaka-kaba pala, para bang gusto mo na lang na magpakain sa lupa at huwag na magpakita kahit na kanino.
"Sige na, ayos na ako rito. Malapit naman na ang bahay ko eh," sabi ko at sumesenyas na umalis na siya
"Ha? Wala pa tayo sa bahay niyo ah? Ihahatid na kita roon," sagot naman niya
Magsasalita sana ako nang biglang nakita ko si Tiya Ofelia na papalapit sa amin. Hinila ko siya papunta sa isang lugar na hindi na kita ng mga tao. Nagmamadali kami kaya nagulat na lang ako nang dumampi ang labi niya sa akin.
Ano?! Naghalikan kami?!
BINABASA MO ANG
Juanita Alfonso (Completed)
HumorHindi ako kapatid ni Ginoong Juanito Alfonso. Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin ng aking mga kabaryo dahil mahilig akong uminom ng alak na Alfonso. Book Cover by: Boyfriend WP♥️ Date Started: January 13, 2020 Date Finished: January 26, 2020