Kabanata 29

405 14 0
                                    

ARAW na ng kasal ko, hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa buhay ko. Dati, ayos na sa akin ang mag-anak at magsama na lang sa iisang bubong kahit walang kasal na maganap. Ngunit, iniba ni Danilo ang pananaw ko tungkol roon.

"Ano, handa ka na ba sa araw na ito?" tanong ni Maulave habang inaayusan ako

"Ako ang kinakabahan para sa iyo eh. Ano bang feeling ng kinakasal?" tanong ni Jacinta

"Excited na kabado. Alam niyo naman, hindi ako sanay sa ganito. Ayaw ko nga sa ganitong pagtitipon," sagot ko

"Oo nga eh, buti na nga lang at pumayag ka. Nagulat nga rin kami na oo ang sagot mo sa kanya," sabi ni Maulave

Inaayusan nila ako. Ang mahal pa kasi ng gastos kung sa iba pa ako magpapa-ayos ng mukha. May tiwala naman ako sa kanila kaya sila na lang ang pipiliin kong mag-paganda sa akin kaysa iba pang tao.

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Iniluwa nito ang kaibigan naming si Dionisio, may dala-dala itong box at ini-abot agad sa akin. Regalo pala ni Danilo ito sa akin.

"Bawal raw kayong magkita bago ang kasal kaya ako na lang ang pinag-abot niya. Congratulations ha?" sabi ni Dionisio

"Salamat, paki-sabi salamat rin sa kanya," agad ko namang kinuha ang box na naglalaman ng isang relo at binigay iyon kay Dionisio pagkatapos ay umalis na siya ng kwarto

"Ang sweet naman ni Danilo. Noong kasal namin ni Buryong ay walang ganyan eh," sabi ni Maulave

"Ha? Bakit naman? Nakasanayan na ito ah? Dapat lang ay gawin ito. iyon ang sabi ni Tatay Ronaldo at Tiya Ofelia sa akin eh," sagot ko

"Alam naman namin iyon, kaso para sa amin ay gastos lang dahil nga may anak na kami. Ayos lang naman kasi binibili naman niya ako ng mga regalo ngayon," sagot ni Maulave

"Oh, tingnan na natin kung ano iyang laman ng box. Dali! Excited na ako eh," sabat naman ni Jacinta

Pagbukas ko ay lumantad sa akin ang isang magandang  kwintas na kulay silver. May nakalagay na letrang J sa kwintas na iyon at sobrang ganda. Agad na kinuha ko iyon at tinulungan naman ako ng dalawa kong kaibigan para isuot ang napaka-gandang kwintas.

"Ayan, bagay na bagay sa iyo! Ito na ang ku-kumpleto sa kasal mo Juanita. Ang ganda mo ngayon, Juanita. Para kang anghel na bumaba sa langit para sa iyong kasal," sabi ni Maulave

"Bakit? Hindi ba ako maganda kahapon?" tanong ko

"Maganda ka araw-araw. Ano ka ba? Ngiti na, huwag mong hayaan na masira ang araw mo ngayon ah? Ito na ang matagal naming hiling para sa iyo," sabi ni Maulave

"Salamat sa inyo ah, sinamahan niyo ako hanggang dulo. Kayo talaga ang the best na mga kaibigan ko!" sabi ko sa kanila pagkatapos ay nagyakapan kaming tatlo

Tumayo ako at ngumiti sa kanila. Umikot-ikot pa ako at pinakita kung gaano kaganda ang aking suot na pinatahi pa ni Tiya Ofelia sa kanyang amiga. Konti lang ang binayad namin roon dahil kaibigan nga siya ni tiya.Saktong-sakto lang ang aming budget para sa kasal dahil ayaw ko nga ang masyadong magarbo.



Juanita Alfonso (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon